SNN Chapter 13

4.2K 183 21
                                    

Ang dami ko palang typo at grammatical errors  sa past chapters. Hahaha next time ko na ii-edit yun. Beware nalang po sa mga grammatical errors.
**

Napalingon ako bigla sa nanghila sakin.

"Hannah. Kanina  pa kayo dito?"

Tanong ng bagong dating na si Kleint. So Hannah pala name ni Ate ganda.

"Aray! Bat moko piningot? Aishh!  Tsk." Kamot ulong sabi ni Kleint.

"Kung maka Hannah ka parang magka edad lang tayo ah! Bat ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay sainyo. Pinaghintay niyo ang si magandang ako? Kayo talaga! Ang hilig niyo  kung paghintayin. At nagugutom na ako."

Piningot ulet ni Ate Hannah si Kleint pati si Trystan.

"Ate naman. Bat moko piningot? Matatanggal na ata yung tenga ko. Bitaw na po! Ate naman. Andito yung nililigawan ko oh! Nakakahiya. Tsk"

Himas tengang sabi ni Trystan. Natatawa ako sa ate nila. Pft. Kasi naman takot pala sa kanya ang dalawang to.

"Hannah, di pa ba tayo kakain? Akala ko ba gutom ka? Aray! Bat ka nambabatok? Aishh!"

Grabi si ate, ang bigat ng kamay hahahaha.

"Ahmm, excuse me po? Pwede na po ba akong umuwi? Nao-op na ako sinyo eh."

Naman. Kanina ko pa gustong umuwi eh.

"Oh. Hi ulit! Nililigawan ka pala ni  Trystan? Ay kupal  nato. Akala ko ba bakla ka?"

Sabi ni ate sabay lingon kay Trystan.

"Tsk. Ate, hindi  siya nililigawan ni Trystan. Ka-klase  namin. Si Sheirra. Sheirra si Ate Hannah, pinsan ko."

Pakilala ni Kleint sakin. Bat ang ga-ganda/ga-gwapo ng lahi nila? Hays. Kainggitan. Luhh. Di pala ako dapat mainggit. Naiiba kaya ganda ko.

"ATE?! Nag Ate ka  sakin? Woah! May naaamoy ako. Hmm.. bahala kayong dalawa, basta wag na sanang maulit  yung dati."

Seryosong sabi ni Ate Hannah. Nakiki-ate na din ako eh? Hahaha

"Hindi yun mauulit. Kung walang makikialam. Diba Trys? Ate, gutom na ako. Kain na tayo. Nakapag order kana ba ng food? Sheirra, sabayan mo kami."

"Tapos--"

"Kumain ka ulit. Ang payat mo. Ang panget mong tignan."

Aba! Payat?! Ako payat?! Sexy kaya ako. Tae tong Kleint nato. Akala mo kung sinong macho. Oo nga, macho naman talaga siya.

"Pero busog pa ako. Uuwi nalang--"

"No. Ihahatid kita mamaya. Sabayan  mo muna kami. Ate ako na mago-order para satin."

"Samahan na kita. Insan."

Magkasamang  nag-order ng food  ang dalawa. Kami nalang ni Ate Hannah ang naiwan.

"Sheng, ang g-gwapo nila no? Sino crush mo sa kanila?"

Luhh. Grabi si Ate, binubugaw niya ata yung dalaw sakin.

"H-ha? Wala po.  Ang papanget po kasinila. Di sila pumasa sa standards ko. Hehe"

Nao-awkward ako. Grabi kung makatitig si Ate. Tagos hanggang kaluluwa ko.

"I know. But Sheng, kung meron man. Please choose Kleint. Kahit na kapatid ko pa si Trystan. Basta piliin mo pa din si Kleint."

Napakaseryoso  ni Ate. Nakakatakot siyang tignan.

"Po? Wala naman po akong gusto isa sa kanila."

Nginitian  niya lang ako. Ang creepy ni ate.

Nag-usap lang kami  ng kung ano-ano. After 15mins. Nakabalik na sila bitbit ang inorder nilang pagkain.

"Ate, Sheng. Sorry medyo natagalan." Nakamgiting paumanhin ni Kleint.

"Sabi ko naman sayo na gamitan natin ng charm eh. Kung di kapa naniwala sakin. I'm sure, 2hrs  tayong nakatayo dun sa kahihintay." Trystan.

"Tsk." Kleint.

"Osige na. Tara kain. Kumain ka din Sheng." Sabi ni Ate Hannah.

Kumain  nga ako kasabay nila. Sayang eh. Libre naman nila.

Inabot kami ng ilang oras sa Jollibee. Kasi naman laging  nagbabangayan ang dalawang lalaki sa harap namin. Magkatabi  kami ni Ate Hannah at sa harapan namin magkatabi si Kleint at Trystan. Nagk-kwentuhan  kami ng kung anu-ano lang.

Tumunog  yung phone ko. May tumatawag.

Calling Monay.

Tumatawag si Mommy. Bakit Monay? Kasi Mommy Nanay, Monay. Oh! Wag  kang tumawa. Di joke  yan.

"Excuse me, sagutin ko lang." Sabi  ko sabay pakita ng phone.

Tumayo ako at pumunta sa may CR.

"Mommy  dear? Napatawag ka?"

"Sheng? Umuwi kana dito. Dali. Emergency. Bilisan mo."

"E-eh Ma--"

*toot toot*

Ayy bastos, ang bastos  ng Monay ko. Pinatayan ako. Anong emergency naman kaya. Hays.

Pabalik na ako sa inuupuan namin ng may humila sakin.

Hila ng hila. Kanina pa nila ako hinihila. Napipikon na ako sa kakahila nila sakin.

***

Stalker ni N.E.R.DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon