Kabanata 1

4.5K 150 11
                                    

Kabanata 1

Itim na pusa

***

Sabi nila, ang buhay ng tao ay parang gulong – minsan nasa taas, minsan naman nasa baba. 'Di nga? Eh, ang unfair naman yata dahil 'yung sa 'min ay laging nasa baba. Ano 'to, sumpa?

"Alfie, 'yung gulaman!" rinig kong sigaw ni Papa.

Napamura naman ako at napairap. Lumapit ako sa lamesa naming mukhang bibigay na at dahan-dahang kinuha ang container na naglalaman ng gulaman na ititinda ni Papa. Dali-dali na akong lumabas dahil rinig na rinig ko na ang mga uhaw na nilalang mula sa labas.

"Oh, oh! Easy lang, mga tsong!" sigaw ko sa mga nagpapaunahang makabili ng fishball ng tatay ko.

Inabot ko kay Papa 'yung container at sinalin naman niya sa lalagyanan niya ng gulaman na ngayon ay tila latak na lang ang laman.

"Aba, Jay, tusok ka nang tusok diyan ah. Bayad ka na ba?" sita ko sa kababata kong si Jay.

Tumingin siya sa akin at inirapan ako sabay abot sa akin ng bente pesos na agad ko namang kinuha.

"Matinik ka talaga, Alfreda" naiiling niyang wika.

Napahagikgik na lamang ako at kinindatan siya.

Ganito ang nangyayari sa amin araw-araw kapag sumasapit na ang alas tres ng hapon. Tinatambay na ni Papa ang bicycle sidecar niya kung saan may maliit na kalan na pinaglulutuan ng kung ano-ano niyang di-tusok na tinda sa lugar namin upang dito na lamang maglako dahil marami namang bumibili rito sa amin kaysa lumayo pa siya at mapagod sa kapepedal.

Nang kumagat ang dilim at naubos na ang paninda ni Papa, tinulungan ko na siyang magligpit na inayawan naman niya dahil ako naman daw ang halos na nagtinda kanina kaya naman umeskapo na agad ako. Aba siyempre, sinong kabataan ba na gaya ko ang hindi masisiyahang makawala sa isang gawain?

Natanaw ko sila Jay, Allen at Chris na nakatambay sa tindahan ni Aling Celeste kaya pumunta na ako ro'n at narinig kong nag-uusap sila tungkol sa pagka-college habang sumisipsip ng softdrinks na nasa plastik.

"Sabi ng tita ko, ipapasok niya ako ng scholarship sa City Hall para makatulong," ani Chris.

"Oh, talaga!" sabay-sabay naming sabi kahit na kararating ko lang kaya nagulat sila.

"Kakaiba talaga 'yang pandinig mo, Alfie," bati ni Allen sa akin sabay salubong niya sa akin ng kamao niya kaya agad kong inangat ang akin at binangga ito sa kanya.

"Naman! Pero maiba, hindi nga, Chris? Kahit na hindi ka naman running for honor?" interisado kong tanong.

"Oo, pwede 'yun, Alfie. Basta may backer tapos mataas naman ang grades," sagot nito.

"Ikaw na may backer!" pang-aasar ni Jay.

"Asus, ikaw na may sponsor!" asar naman ni Allen dito.

Napakunot-noo naman ako. Mukhang nabasa ni Allen ang itsura kong nagtataka kaya naman, nagsalita na ito.

"Akalain mo, ang isang 'to, ini-sponsor-an pala ng boss ng Papa niya sa pang-college at 'wag ka, sa private pa ha! Paano, imposibleng magka-scholarship 'to e, puro bagsak!" ani Allen sabay tawa.

Namura naman ni Jay si Allen dahil do'n.

Napatahimik naman ako ng ilang sandali kaya napatingin akin ang tatlo. Nang mapansin ko ang pananahimik ng mga ito, agad akong tumawa ng malakas kahit na peke upang maihilis lang ang kalungkutan at inggit na bigla kong nadama.

Escape To FantasyWhere stories live. Discover now