Kabanata 8

1.5K 73 1
                                    

Kabanata 8

Ako si Alfie

***

Nasa veranda lamang ako habang buhat-buhat si Fan at hinihimas ko ito. Napakaganda ng tanawin sa islang kinatitirikan ng mansyon at kuta ng Mizushima Clan sa Pilipinas. Isa itong paraiso para sa akin. Naisip ko tuloy ang reaksyon nina Papa at Ate kung sakaling nandito kaming tatlo. Ngunit agad akong natigilan sa aking naisip. Nakaramdam ako bigla ng lungkot. Napaangat ang ulo ni Fan sa akin kaya napayuko ako. Tila ba, alam niya ang kalungkutang bigla kong naramdaman.

"Hindi ba talaga magpapakita ang amo mo sa akin?"

Para na naman akong baliw. Kinakausap ko na naman si Fan. Nag-iwas ng tingin sa akin ang pusa at tumingin na lamang sa magandang tanawin. Napatingin din ako rito at bigla na lamang lumitaw ang mukha nina Papa at Ate sa aking isipan na nakangiti habang pinagmamasdan ang paraiso. Kung sana... Kung sana'y narito lang din sila.

Nakarinig ako ng yapak kaya napalingon ako sa aking likuran at nakita si Akiko na may dalang kung anong damit at isang samurai.

"Kapag ganitong oras, nag-eensayo na po kayo, Ojou. Hindi po ba kayo mag-eensayo ngayon?" tanong niya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko ngunit sa huli tumango na lang at sinundan na niya ako patungo sa kwarto. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako kung paano ko sila naiintindihan. Iba ang nagrerehistro sa utak ko sa naririnig ko ngunit unti-unti sinasanay ko na lang ang sarili ko para hindi ako mabaliw.

Sinuotan ako ni Akiko ng gayak na parang sa pakikipaglaban gaya sa anime na napapanood ko. 'Yung mga babaeng samurai na parang nakasuot din ng Kimono ngunit hindi ganoon kabigat ang tela gaya ng lagi kong suot dito at hindi rin ito palda. Hindi ito style dress at mas madaling gumalaw sa suot kong ito. Para siyang ninja clothes ngunit hindi iyong ninja na nakatakip ang mukha. Iba ang kasuotan no'n kumpara sa akin.

Matapos akong suotan ni Akiko ng Tabi boots, inabot niya sa akin ang isang samurai. May nakaukit ditong Japanese characters na ayon sa pagkakabasa ko'y Mizushima ang nakalagay at hindi ko alam kung paanong naintindihan ko 'yon.

***

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Nasa buhanginan ako na malapit sa dagat habang nililipad ang takas kong mga buhok ng hangin na dala ng alon. Hindi ko alam kung paanong nagagawa kong iwasiwas ang samurai na ito na para bang may kalaban ako at sanay na sanay ako rito. Hindi ko alam kung kontrolado ko pa ba ang katawan ko basta natural na lang itong lumalabas gaya nang nangyari noong ako pa si Cronica at kinalaban ko si Jay o Oliver sa fencing. Para bang lumalabas ang aura ni Sakurako sa akin.

Ngunit ang hindi ko makalimutan ay ang French Lesson ko noon. Bakit hindi ko ito maintindihan noong ako si Cronica? Siguro'y masyado akong okupado ng pagtataka noon at higit sa lahat, hindi naman kasi 'yon ang lenggwahe talaga nina Cronica. Pero, grabe! Sumakit ang ulo ko ro'n.

Lumundag ako at umikot sa ere. Kasabay no'n ang pagwasiwas ko ng samurai. Namamangha ako sa aking sarili. Paano ko ito nagagawa? Kung nagagawa ko pa ito noon kung saan ako si Alfie, siguro'y lalong natakot sa akin sina Allen, Jay at Chris.

Napangiti ako nang maalala ang tatlong unggoy.

Bigla akong nakarinig ng kaluskos ngunit pinagpatuloy ko lamang ang aking ginagawa na pag-eensayo. Nagkunwari akong atentibo ako sa ginagawa ko kaya hindi ko siya nararamdaman. Nang maramdaman kong pasugod siya sa akin, lumundag ako nang patalikod at napunta ako sa likuran ng nilalang na ito. Agad kong tinaas ang samurai at tinapat sa kanyang batok.

"Mapangahas."

Tumawa naman ang lalaki.

"Magaling ka pa rin talaga, Ojou," aniya.

Escape To FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon