Kabanata 10

1.3K 61 0
                                    

Kabanata 10

Chaila

***

"Babalik ako, Akiko," sabi ko at biglang tumayo.

Tinanaw ko kung saan nagtungo si Chaila nang tumakbo siya upang iwan ang kanyang ina sa table kung saan sila nakaupo. Dali-dali ko siyang sinundan na ikinagulat ni Akiko. Sabi ko sa kanya, huwag na niya akong sundan sapagkat babalik din ako agad.

Binilisan ko ang aking pagtakbo sapagkat mabilis siyang nawala sa aking paningin. Hinanap ko siya nang hinanap at hindi ako tumigil. Lumabas ako sa loob ng mall at tumingin-tingin sa mga taong nakaupo sa bench. Hanggang sa naagaw ng atensyon ko ang isang babaeng nasa harap ng isang pader na punong-puno ng mga sulat – isang freedom wall.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nakitang kinuha niya ang pentel pen na nando'n at nagsimulang magsulat. Natanaw ko ang kanyang sinulat sa pader nang makalapit ako at binasa ito gamit ang aking isipan.

I hate you but I love you, Mommy.

Napapikit ako dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Hindi ko akalaing may ganito siyang dinaramdam. Bakit... Bakit hindi niya sinabi?

"Chaila," tawag ko sa kanya.

Gulat siyang napalingon sa akin at unti-unti ay napakunot-noo siya.

"S-sino ka?" nagtataka niyang tanong.

Nanlaki naman ang aking mga mata.

"Alfie desu!" sabi ko ngunit nagulat ako sa lumabas sa bibig ko.

Gusto kong sabihin na ako si Alfie ngunit naalala kong salitang Hapon ang lumalabas sa aking bibig kahit na Filipino ang nasa aking utak.

"A-alfie? Hindi kita kilala!" aniya saka tumakbo.

Nanlumo ako dahil sa ginawa niya. Ano, hindi niya ako kilala?

"Chaila!" nanghihina kong tawag sa kanya. Bakit hindi niya ako kilala?

Hahabulin ko pa sana siya ngunit naagaw ng atensyon ko ang isang babaeng nakaupo sa bench at nagbabasa ng isang libro na mukhang luma na. Nakabistida itong kulay puti at itim na itim ang buhok nito ngunit nakaaagaw ng atensyon ang mata niyang kulay asul. Hindi ako nagkakamali, si Tasia 'yon!

Tumakbo ako at nilapitan si Tasia. Naramdaman niya ang paglapit ko sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin at ngumisi sa akin.

"Kumusta na, Ojou?" aniya sa wikang Hapon.

Napakunot-noo ako.

"Bakit hindi ako kilala ni Chaila?"

Tumawa naman siya.

"Dahil sa mundong ito, ikaw si Sakurako. Hindi ka si Alfie. Walang Alfie dito," aniya na.

Magsasalita pa sana ako ngunit narinig ko ang boses ni Akiko na tinatawag ako. Nilingon ko siya at sinenyasang sandali lang at nang binalik ko ang tingin ko kay Tasia, wala na siya roon. Nawala na lang siya nang parang bula sa loob lamang ng ilang segundo.

Tulala ako buong magdamag habang kumakain kami. Iniisip ko si Chaila at hindi na siya mawala-wala sa isip ko. Masakit para sa akin dahil hindi niya ako nakilala ngunit alam kong mas masakit ang kanyang nararamdaman ngayon. Hindi ako makapaniwala na may ganoon siyang pinagdaraanan. Akala ko, isa lang siyang normal na teenager na mayaman na mahilig magwaldas ng pera dahil binibigyan siya ng sobra ng kanyang mga magulang ngunit hindi pala dahil may ganoon siyang problema. Nasasaktan siya at dinadaan niya 'yon sa pagbili ng kanyang luho.

Escape To FantasyWhere stories live. Discover now