Kabanata 13

1.2K 69 2
                                    


Kabanata 13

Salamat

***

Nagising ako dahil sa malakas na hangin na humahampas sa aking bintana. Bumangon ako at lumingon dito, madaling araw pa lang pala dahil medyo madilim-dilim pa. Hindi ko lubos akalain na biglang sasama ang panahon gayong napakaganda ng panahon kahapon. Tumayo ako at bumaba at nakita sina Linda at ang ibang katulong na may bitbit na kape.

"Morning, Ma'am! Coffee?" alok niya sabay angat ng baso.

Tumango ako at sinabing gatas na lamang kaya pumasok na siya sa loob ng kusina upang magtimpla. Nagtungo naman ako sa dining table at nadatnan si Jimboy na nagkakape rin. Binati niya ako ng magandang umaga at ngumiti naman ako bilang sagot.

"Wala pa si Dad?" naitanong ko.

Napangiwi naman siya. Dahil do'n, nasagot na ang aking katanungan.

"Masama kasi ang panahon ngayon, Elena kaya hindi na muna sila bumyahe pauwi dahil baka salubungin pa sila ng baha," sagot niya.

Tumango na lang ako at tinuon ang atensyon ko kay Linda na paparating habang bitbit ang aking gatas.

"Nga pala, Ma'am, Pista po ng Sta. Elena ngayon at kung titigil man ang malakas na hangin at ulan, maganda pong dumalo kayo sabi ng amang niyo dahil kay Sta. Elena raw po kinuha ang pangalan niyo," aniya.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam 'yun ah!

"Sasamahan ko naman kayo, Ma'am para hindi kayo mawala rito. Hindi niyo pa naman gamay ang lugar natin dito," dagdag niya.

Gusto kong tumawa ngunit hindi ko na ginawa at uminom na lang ng gatas. Jimboy, kung alam mo lang din.

Para bang isang milagro nang magliwanag at tumila ang ulan. May hangin pa rin ngunit hindi kasing-lakas noong madaling araw kaya naman inaya na ako ni Jimboy na magsimba at dumalo sa gaganaping Pista ng Sta. Elena.

Ito na siguro ang unang beses na makapupunta ako ng pista makalipas ang ilang taon. Sa lugar kasi namin sa Maynila, walang pista-pista na nagaganap hindi gaya sa mga probinsya. Hindi naman kami nakakauwi nina Papa sa probinsya sa t'wing may pista dahil wala naman kaming pera pamasahe. Iipunin na lang 'to ni Papa para sa pang-opera ni Ate Ava o kaya naman para sa edukasyon ko. Gano'n si Papa, basta maitaguyod niya lang kami. Hindi kasi siya nakatapos ng pag-aaral at hanggang grade 5 lang siya kaya wala siyang makuhang trabaho na may malaki-laking sahod.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkalumbay. Kumusta na kaya sila?

"Ma'am, panoorin na natin ang prusisyon."

Dahil sa biglang pagsasalita ni Jimboy, naputol ang aking pag-iisip.

"Ayos lang po ba kayo?" tanong niya nang mapansin ang itsura ko.

Tumango na lang ako bilang sagot. Binura ko muna ang kalungkutan sa aking mukha sapagkat kailangan kong maging masaya upang hindi makahalata si Jimboy. Hindi naman ako nabigo sapagkat natuwa ako sa panonood ng prusisyon. Nakakamangha! Ngayon na lang ulit talaga ako nakadalo sa mga ganito. Napakaswerte ko naman pala bilang Elena sapagkat ipinangalan siya sa isang Santo at sinabi pa ni Jimboy na ninang ko ito. Kung paano nangyari, hindi ko na alam sapagkat hindi na ako nagtanong pa e.

Nang matapos ang prusisyon, inaya ako ni Jimboy na kumain sa isa sa masasarap na kainan dito kung saan fresh ang lahat ng hinahanda. Ibinilin din daw kasi sa kanya ni Linda na ipasyal naman ako dahil puro pagkukulong lang ang ginawa ko at isang beses pa lang akong lumabas.

Escape To FantasyWhere stories live. Discover now