Chapter 8: True Feelings

13K 353 29
                                    

Bianca's POV

Nang matapos na kami kumain ay dali dali akong nagligpit ng gamit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, nang sabihin niya ang mga iyon sa akin, bumilis nanaman ang tibok ng aking puso dahilan para hindi ako makapagsalita sa sinabi niyang iyon.

"Sabay na tayong maglakad." aya niya sa akin.

"H-hindi okay na. Kasama ko naman sila Jobelle." pagtatanggi ko, hindi ko na kasi kayang makasama pa siya dahil na rin siguro sa ilang na naramdaman ko.

"Amm... Bianca?"

"A-ano yun?"

"Salamat at ako ang napili mong samahan sa lunch." at aktong napangiti siya. Pakshet! Ang ganda ng ngiti niya! Nakakainis.

"Amm... O-okay lang, wala yun."

"So? Bukas ulit ah? Susunduin kita sa inyo."

"H-ha? B-bakit? Akala ko ba isang beses lang yun?" hala? Seryoso ba itong taong ito? Jusko.

"Hahaha. Nakapag desisyon kasi ako na... Ligawan kita." what the? No way!

"W-what?" hindi na siya sumagot muli at aktong nagpaalam na sakin.

-----

Seryoso ba itong si Rizza Sandoval? Liligawan niya daw ako? Shit! Hindi ito maaari! Ano nalang sasabihin ng mga babae at lalaking nagkakandarapa sa kanya? Madadamay lang ako sa mga gulo dito sa School.

Napasigaw ako sa gulat ng may humawak ng balikat ko mula sa likuran.

"Ay abeng maria!" napahinga ako ng malalim sa gulat.

"Shit! Ano bang problema niyo at kailangan nyo pa akong gulatin?"

"Sobra ka naman? Hinawakan ka lang namin sa balikat mo akala mo nakakita na ng Zombie! Ano bang problema mo? Ha? Ang lalim nanaman kasi ng iniisip mo e. Alam mo ba yun?"

"Jobelle, hay." medyo problemado kong sabi sa kanya.

"Ay teka lang, may sinabi sakin si Carlo Ray e. Kitain mo daw sana siya sa may soccer field. Wag ka magalala samin ni Fatty, okay lang kami. Hihintayin ka namin sa labas mamaya ng School."

"Amm bakit daw ba?"

"Basta." Sige na.

****

Nasa soccer field ako ngayon at napapansin kong tahimik ang paligid at walang nadaang tao.

Nang may tumawag sa akin mula sa malayo.

"Bianca!"

Napatalikod ako at aktong tinitigan ng mariin ang taong tumatawag sa akin.

Teka si Carlo Ray yata ito ah?

"Carlo Ray!" Pagkaway kong sabi sa kanya.

Naka jersey pa ito at halatang pawis na pawis dahil na rin siguro sa practice.

"Amm... Buti nakapunta ka?" akmang tanong niya sa akin.

"Syempre naman. Bakit mo nga pala ako pinapunta rito?"

"Amm... alam ko masyadong mabilis ang lahat pero, Bianca?"

"A-ano yun?" Shet kinakabahan ako.

"A-amm... P-pwede ba akong manligaw sayo?" Holy Shi--. Totoo ba ito? O panaginip lang ang lahat?

Teka? Na speechless nanaman ang lola niyo! Hindi ko alam ang sasabihin.

Falling in Love with Rizza Sandoval (GirlxGirl) (SPG)Where stories live. Discover now