Chapter 23- Away' Bati

8.4K 219 1
                                    

Bianca's POV

Matapos ng mala surprise na apology flash mob nitong si Mokong (Rizz) ay nagdaan pa ang mga araw na magkasama kami. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip at puso ko pati na ata ang kaluluwa ko upang mapaibig ako ng mokong na ito na akbay akbay ako papalakad sa School grounds.

"Nagugutom ako." Asik ni Rizz out of nowhere. Hindi ko alam ngunit this past few days madalas na siyang magutom at mayamot. Hindi kaya buntis itong mokong na ito?

Humarap ako sa kanya at padabog na inalis ang pagkakaakbay niya sakin dahilan upang mapatingin siya sakin na parang gulat na gulat.

Sinimangutan ko siya at aktong nag cross arms ako sa harap niya "Hoy! Buntis ka ba? Ha? Kasi pansin ko nitong mga nakaraang araw ay palagi ka ng gutom?!" Halos mainis na sabi ko sa kanya.

"H---ha?!!!!" Halos maibuka na niya ang kanyang bibig sabay halakhak ng tawa.

Aba? Tinatawanan lang ako? Gusto niya bang suntukin ko siya ha?!

Sinuntok ko siya sa braso ngunit hindi naman ganoon kalakas.

"Aray!" Asik niya at hinimas himas ang brasong pinagsuntukan ko sa kanya. "Babe naman, masakit yun ha." Wika nito.

"Wala akong paki!" Sabay talikod sa kanya. "Dyan ka na nga!"

At mabilis akong lumakad palayo sa kanya. Ngunit sinundan niya ako saka niya hinawakan ang braso ko.

"Babe naman... Ang sungit mo naman bigla e, natawa lang naman ako.... Kasi... Hahaha." At humalakhak nanaman siya ng tawa.

Hindi ako umiimik.

Naramdaman ko na niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan sa pisngi. "Sorry na babe. Wag ka na galit sakin please?" at aktong nagpout pa ang mokong. Aba'y! Ang cute. HAHAHA. Ang cute niya. Tsk pag ganito siya maglambing sa akin ay baka hindi ko mapigilang halikan siya.

Kailan ka pa naging mahalay Bianca Marie? Tsk tsk.

Erase erase! Hay nako Bianca hinawaan ka na ata ng Gelpren mo sa kanyang mahalay na isip.

Ngunit napapangiti ako madalas out of nowhere lalo na kapag kasama ko ang mga kaibigan kong sila Jobelle at Fatty.

One time nga ay magkakasama kami sa Cafeteria, habang kumakain ay bigla nalang akong ngumingiti ngiti na ipinagtaka nilang dalawa.

Halos pagtawanan na nila ako dahil sa para daw akong baliw na ngumingiti magisa.

Bumalik ako sa ulira't ng may bumati kay Rizz, dalawa silang babae, at magkamukhang magkamukha.

Nagbatian sila at aktong nagbeso beso sila sa harapan ko, I feel confused. Sino ba itong mga 'to?

"Bonjour!" Bati ni Rizz doon sa dalawa.

"Salut. Comment vas-tu?" Patanong ang tono ng pagkakasabi niyang iyon. Hindi ko sila maintindihan.

Ha?

"I'm okay. Ceci est ma petite amie Bianca." Sabay akbay sa akin ni Rizz. Ngumiti nalang ako ng pilit. "Hehe."

"Oh. Elle est jolie". Sabi nung isa na may kaputian ang balat. Yung isa kasi ay medyo tan ang balat niya kumpara doon sa isa. "Oh btw Rizz, before we forgot, we are inviting you for our Beach party this coming weekend so if you two are available that day baka pwede kayong sumama. Masaya yon, so we gotta go may aasikasuhin pa kami. Bye, and nice to meet you Bianca." Sabay kindat. At nagpatuloy na kami sa paglalakad. 

Falling in Love with Rizza Sandoval (GirlxGirl) (SPG)Where stories live. Discover now