Chapter 41: Angel in disguise

4.3K 123 6
                                    

BIANCA MARIE ALVARES

Pagdating ni Alexa Venice Cooper sa aking opisina ay agad naman naming napagusapan ang about sa proyekto na kanyang inooffer sa'kin. Bakas sa mukha nito ang pagka excite sa gagawin naming dream house niya, kasama ng iba ko pang team ay napagpasyahan namin na magkaroon agad ng meeting bukas paukol sa proyektong ito.

Naalala ko na habang nagkekwentuhan kami ay halata sa mukha niya ang saya. Nabanggit niya pala na ikakasal na siya and take note, ang pakakasalan niya ay isang babae din. Laking gulat ko sa kanya na isa pala siyang Bisexual dahil hindi naman alintana sa kanya ang sexualidad niya. Pero kahit ganoon ay binati ko na agad siya ng Congratulations at best wishes sa kasal nila ng kanyang girlfriend. Siguro ay napakaswerte ng pakakasalan niya ano? Hindi lamang siya maganda ngunit mabait pa at isa pa pala kaibigan din siya.

Inaya niya nga agad ako magcoffee na malapit sa opisina ko para di daw ako mahirapan tutal siya naman daw abg nahingi ng pabor sa'kin.

Baka sa makalawa daw ay maisama na niya ang Fianceé niya para kasama daw namin magplano ng dream house niya. Ano kaya ang itsura noon?








Napalingat ako ng biglang naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Nagtext ata si Rizz.






Aktong kinuha ko ito, si Rizz nga!







From: Rizza Sandoval

Hi, I just want you to know na babalik muna ako ng America. I really need to go back na e.


Biglang may kung anong kirot aking naramdaman. Magkakahiwalay nanaman kaming dalawa. Hays. Ilang buwan at araw nanaman akong maghihintay sa kanya.








Hindi muna ako tumugon sa mensaheng nabasa ko mula sa kanya dahil baka maiyak lamang ako pag nagkataon. Sa halip ay nagfocus at concetrate na lamang ako sa trabaho ko. Napaka importante ng client kong ito na si Alexa. Marami kasi kaming napaguusapan tungkol sa mga bagay bagay lalo na sa kanyang ipapagawang bahay sa America.



Sooner or later ay ipakikilala niya daw ang Fianceé niya dahil sa busy pa raw ito sa pagaasikaso ng papeles niya.












Nagtext sila Jobelle at Fatty sa'kin kung maari daw ba kaming magkia kita. Halos napapadalas na kasi ang pagoover time ko sa trabaho dahil tutok ako sa Projects na gagawin ko ngayong taon.







Nagpasya na akong magligpit ng mga gamit ko sa office table ko, habang nagliligpit ako ay napalingon ako sa frame na may lamang larawan namin ni Rizz. Naka halik siya sa pisngi ko noon at ako naman ay gulat na gulat sa ginawa niya. College pa kami noon.







Halos magaanim na taon na din pala. Noong bumalik si Rizz sa'kin ay hindi ko mawari kung ano nga ba kami. Kung nagkabalikan ba kami o hindi. Dahil noong mga panahong kasama ko siya, wala na akong pakialam sa iisipin ko o sa magiging problema namin, dahil iniisip ko nalang na importanteng magkasama kami.




"Hayyy..." isang malalim na buntong hininga na lang ang pinakawalan ko.




Matapos kong mailigpit at maayos ang table ko ay nagpasya na akong magimpake na at makaalis na. Magkikita kami sa kalapit na starbucks coffee Sa kabilang building nito.















"Jobelle!! Fatty!!" excited kong tawag sa kanila mula sa kalapit na direksyon nila mula sa kinatatayuan ko. Iwinagayway ko pa ang aking kamay para mapansin nila ako at hindi ako nagkamali. Napatakbo pa sila palapit sa'kin.

Nang makalapit ay sabay sabay nila akong niyakap. "Kamusta ka na?! Ang ganda ganda mo na bes! Grabe!" sabi ni Jobelle. Abot tengang ngiti ang nakita ko sa mukha nito.




"Nako heto, todo concentrate ako sa trabaho ko." Sabi ko, "Ikaw Fatty! Di ka pa rin nagbabago, mataba ka pa rin!" sabay halakhak ng tawa.



"Grabe naman kayo sa'kin! Kung alam niyo lang ang daming nagkakandarapa sa'kin." sabi niya habang nagpoposing pa na parang model. Natatawa na lang akong napailing sa kanya.












"WHAT?!" bulas ni Jobelle. Muntik pa itonf mabulunan mula sa narinig.



"Nako ka! Bianca Marie Alvares! Tigilan mo na yang si Rizza ha! Nako!" inis na dugtong niya. Galit pa rin kasi siya kay Rizz dahil sa mga nangyari samin sa past.




"Eh... M-mahal ko pa siya Jobelle." pagdedepensa ko.


"Hindi iyan ang nakilala kong pagbabago mo, porket ba bumalik siya sayo ay tatanggapin mo na agad agad? Sa dami ng manliligaw at suitors mo wala ka man lang natipuhan sa kanila kahit isa? Pwede ba! Oo! Noong college tayo support ako sa rainbow love niyo! Pero ngayon?! Wag mo ng asahan na susuportahan kita sa desisyon mo! Ilang beses ka ng nasaktan dahil sa kanya." giit niya. Habang hinahalo ang mainit na kape nahawak niya.


"Hindi lang naman si Bianca ang nakaranas ng sakit Jobelle. Maging si Rizz ay nasaktan din naman sa nangyari. Natatandaan mo ba na si Bianca ang nakipaghiwalay sa kanya?" pagsisingit ni Fatty sa usapan. Alam kong naiintindihan niya ako.


"Pero hindi sapat na rason iyon para balikan mo pa ang Past mo Bianca. I thought you already moved on? Ha? What happened?" sabi ni Jobelle. Noong lumipas ang limang taon na wala kaming komunikasyon ni Rizz ay nagpasya na akong kalimutan siya.



"Yoon na nga e. Hindi ganoon kasimpleng kalimutan si Rizz, Jobelle. Kung alam mo lang ginawa ko naman lahat para makalimutan 'tong nararamdaman ko towards her. But when she came at my office, same feeling, same heartbeat pa rin ang nararamdaman ko sa kanya." pagpapaliwanag ko sa kanya. Hindi naman kasi madali para sa'kin na mag move on lalo na't sobrang minahal ko si Rizz.



"Hayy.. Basta tandaan mo. Pinaalalahan kita. Ayaw ko lang na maulit yung dati. Gusto ko lang naman, maging masaya ka na. Matapos ng napagdaanan mo noon ay sobrang naapektuhan din ako, dahil kaibigan kita at ayaw kong nakikita ka namin ni Fatty na umiiyak o nasasaktan man lang." hawak nito sa kamay ko sabay sabi ng mga iyon.

"Naintindihan ko na concern kayo sa'kin. Pero sa relasyon naman talaga ay, hindi maiiwasan ang magkasakitan kayo. Doon naman kasi kayo matututong dalawa diba? Malay mo, kung... Kung magkabalikan man kami ni Rizz ay mas tumibay pa ang magiging relasyon namin ngayon... Pero sa ngayon, ay hindi ako aasa na makikipagbalikan pa siya sa'kin. Handa naman akong maghintay sa tamang panahon, at tamang tao. Yun din naman kasi ang pangarap ko para sa sarili ko noon diba? Ang mahanap ang tamang tao para sa'kin. Pero darating naman yan."




Matapos namin magkwentuhan ay nagpasya na dinkaming umuwi. Nagtaxi na lang ako pauwi para less hassle na sa'kin.


Habang nasa loob ng sasakyan ay may napansin akong dalawang tao na pamilyar sa'kin.  Nakatalikod kasi silang dalawa. Parang si Alexa yung isa? Hmmm. Yung isa kaya? Baka ito na ang sinasabing Fianceé---




Naputol ang pagiisip ko ng mapansin ko kung sino ang kasama ni Alexa. Halata kasi kay Alexa ang pag ka clingy nito. Haharap na sana siya ng maharangan na ito ng haligi ng isabg building.











Kinakabahan man ay ayaw kong magisip ng kung ano. Hindi pwede, hindi maaari.












Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong napainom ng tubig dahil sa hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa nangyari.













Wag naman sana. Sana mali ang iniisip ko. Kung hindi, sa pangalawang pagkakataon ay mamamatay nanaman ako. :'(

























To be continued...

















Hashtag #CaughtinAct #RizzandAlexa









Follow me on Twitter: @jayxrr
Add me on facebook: Jaymee Cabrera

Yung gusto po mag pa add sa fb. Add ko agad now. Just comment your name below :)




   Author Jay ❤

Falling in Love with Rizza Sandoval (GirlxGirl) (SPG)Where stories live. Discover now