Chapter 25: My One and Only

6.9K 209 12
                                    

Rizza's POV

Hindi ko mapigilan ang umiyak, naiiyak ako sa tuwing naaalala ko yung hinayupak na yon!

Readers, magmumura lang ako ng bongang bonga.

BWISET NG CARLO RAY NA YAN! HAYOOOP! NAGTIMPI LANG AKO DAHIL KAY BIANCA. MAHAL KO SIYA AT AYAW KONG MAG ISKANDALO SA HARAP NG MADAMING TAO, KUNG DATI AY NAGAGAWA KO IYON, NGAYON NAMAN AY HINDI KO NA MAGAWA DAHIL SA... MAHAL NA MAHAL KO LANG SI BIANCA KAYA KAHIT SOBRA SOBRANG SAKIT SA PUSO KO, TANG INA KAKAYANIN KONG MAGTIMPI PARA KAY BIANCA. PARA LANG SA KANYA.

Caplock para intense.

Narito ako ngayon sa labas ng venue, bandang ala gis na din ng gabi. Gusto ko munang mapagisa. Nagpakuha ako sa waiter ng isang kaha ng beer.

May mga table naman kasi sa likod ng venue kaya pansamantala ay doon muna ako. Hindi ko mapigilan ang luha ko, sobrang sakit. Alam kong walang kasalanan si Bianca pero kahit sino naman e makakaramdan ng ganito diba? Yung pakiramdam na parang ayaw ko na munang makipagusap sa kahit na sinong tao.

Nang biglang may kumalabit sa'kin. Medyo madilim na banda dito kaya hindi ko masyadong makita kung may tao ba sa paligid o wala.

Nagulat ako ng may magsalita ng... "Hi!" sabi nito.

Teka?

Familiar siya...

Parang nakita ko na siya somewhere?...

Habang mariin ko siyang tinitignan.

"Amm... Samantha Lopez, remember?" sabi nito. Nakauniform siya ng pang waitress, yung dati lang.

"Ow, yeah! Natandaan ko na." sabi ko.

"Bakit nandito ka? Di ka pumasok don?" takang tanong nito habang mariin na nakatitig sa'kin.

"Wala, di naman nakakaenjoy sa loob. Mas gusto ko nalang dito muna at magrelax. Hayy." kasabay noon ang paghugot ko ng hininga.

"Ang lalim ah." sabi nito, mariin niya lang akong tinitignan.

"Nagmahal ka na ba?" out of nowhere na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang tanong na iyon.

Nabigla man siya ngunit sumagot pa rin ito. "Oo naman. Sobra. Matagal ko na siyang minamahal." aktong sagot niya at tumingin sa langit.

"Ako kasi, ngayon lang. Ngayon lang ulit ako nagmahal ulit, sumaya ulit. Kaya lang..." medyo nagagaralgal na ang boses ko ng sambitin ko iyon sa kanya.

Sobrang selos ang naramdaman ko, nung mga oras na hilain palang ni Carlo Ray ang kamay ni Bianca. Nakita ko kung paano niya hawakan ang kamay ni Bianca, mismo sa harap ko. Napakuyom ako ng kamay dahil sa naramdaman ko agad ang selos sa loob loob ko.

At dahil sa aware ako na maraming tao, at ayokong mapahiya si Bianca, gusto kong patunayan sa kanya na kaya kong magbago para sa kanya kahit minsan ang sakit sakit na. Yung tipong gusto ko ng saksakin sa likod si Carlo Ray, isama mo pa ang harap at mukha niya! Tangina!

Halos mahagulhol akong umiyak, di baleng mawala na ang make up ko. Basta mailabas ko lang ito. Ganito siguro talaga kapag nagmamahal, kahit anong sakit pa ang abutin ko kay Bianca at sa relasyon namin, kakayanin ko dahil ganoon kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

Naramdaman kong may naghimas ng likod ko, "Iiyak mo lang iyan para mawala ang sakit na nararamdaman mo." sabi ni Samantha na ngayon ay nasa tabi ko.

Iniyak ko ito ng iniyak hangang sa gumaan ang pakiramdam ko.
-----

Bianca's POV

Nilibot ko ang buong Venue ngunit wala man lang ni anino ni Rizz. Nagaalala na ako, napansin ko ang table kung saan naroon sila Queenie kaya agad ko silang pinuntahan.

"Queenie, nakita mo ba si Rizz?" tumingin naman agad si Queenie sa'kin.

"Hindi ko siya napansin e, diba kanina magkasama kayo?" takang tanong ni Queenie sa'kin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

Natahimik ako kung kaya't lumapit siya at binulungan ako, "May nangyari ba?"

"H...indi ko a..kalain na... Hahalikan ako ni Carlo Ray." naluluha na ako dahil hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong pagaalala at the same time, I feel guilt inside of me. Hindi ko alam kung bakit though hindi ko naman ginusto yung nangyaring iyon.

Letsugas kasi yang si Carlo Ray. Hindi ko inaasahan na ganoon ang gagawin niya.

At isa pa, aware siya na kasama ko si Rizz noong mga oras na iyon. Hindi ko maipaliwanag ang kung anong mararamdaman ko matapos ng nangyari.

Ngayon ay tinutulungan ako ni Queenie at Jobelle upang hanapin si Rizz. Hinalughog na namin ang buong venue ngunit wala pa rin talaga siya.

Unti unti na akong nakaramdam ng pagod kaya napagpasyahan kong maghanap muna ng mga uupuan. Gustuhin man nila Queenie na samahan ako ngunit sinabi ko na bumalik na lamang sila sa loob.

Nang makahanap ako ng mauupuan ay siya namang nahagip ng mga mata ko si Rizz na naglalakad patungo sa kotse niya, may kasama siya. Isang babae na nakauniporme ng pang waitress.

Agad kong tinawag ang pangalan niya, ngunit parang wala itong naririnig kaya napatakbo nalang ako sa gawi niya.

Nang makalapit na ako sa direksyon niya ay agad kong napansin ang mukha nito na natangal na ang make up niya, ayaw man niyang ipahalata na kagagaling lamang niya sa pagiyak ngunit kitang kita ko na iyon sa kanyang namumugtong mata na pilit niya pa ding tinatago.

Nagsalita yung babae kanina na kasama niya, "Amm... Rizz babalik na ako sa loob." tango lamang ang naging sagot ni Rizz saka siya tinapik, aktong tumingin siya sa'kin a binigyan ako ng ngiti.

Bumalik ako kay Rizz na kasalukuyang hindi makatingin sa'kin.

"Babe?"malumanay na tawag ko sa kanya. Hindi pa rin siya kumikibo kaya agad ko siyang hinatak palapit sa'kin dahilan para mapatingin siya sa mga mata ko.

Agad niya namang binawi iyon na siyang hindi ko hinayaan na mawala ang paningin niya sa'kin.

Siniil ko siya ng halik na nagpalaki lalo ng mga mata niya. Marahan ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi, ipinaramdam ko kay Rizz na siya ang mahal ko.

Nagresponde na siya sa mga halik ko. Palihim nalamang akong nagingiti noong mga oras na iyon.

Matapos noon ay humarap siya sa'kin at ganoon din ako.

Mariin ko siyang tinignan sa kanyang mga mata saka sinabi ang mga katagang,

"Rizz, hindi ko man ito madalas sabihin sayo ngunit nais kong malaman mo ora mismo, na ikaw lang. I love you so much, My One and Only."

Isinandal ko ang noo ko sa noo niya.

-----~•~-----

A/N: Hi guys! Sorry sa mga naghintay for my update. Nagbakasyon kasi si Author sa tacloban at nagperform na din kaya medyo naging busy din ako. Anyways, hihi ayan na. Baka magtampo nanaman kayo dyan ha?

Thanks for reading! :)

*JaymeeCabrera*

Falling in Love with Rizza Sandoval (GirlxGirl) (SPG)Where stories live. Discover now