Chapter 22: I'm sorry

8K 211 5
                                    

Rizza's POV

Bumalik nalang akong maiyak iyak sa Locker room habang hawak ang pisngi ko na namumula dahil sa pagsampal kanina sakin ni Bianca.

Hindi ko naman siya masisisi dahil sa nakaramdam siya ng matinding selos sa punyeta kong ex na hanggang ngayon ay panay pa din ang dikit sakin.

"Jade, pwede ba? May girlfriend na ako kaya tigilan mo na ako!" nagpipigil lang ako ha. Letse kanina pa kasi tong babaeng ito. Nagaway na nga kami ng Babyloves ko e. Hay.

"Rizz naman, wala naman yung girlfriend mo ngayon e." Sabi pa nito na may pagkasarkastiko ang dating. That's it.

Tinangal ko ang pagkakapulupot ng braso niya sakin at saka ko siya hinarap.

"Jade, ilang beses ba ha? Nakakaintindi ka ba ng tagalog? O gusto mo i-french ko pa sayo? Naririndi na ako sa kakasunod mo sakin gayung alam mo sa sarili mo na wala na tayong pagasa pa! Kaya kung pwede, bigyan mo ako ng oras na mapagisa dahil ayoko munang makipagusap sa kahit sino!" yeah. I know, I know that I'm being rude to her kaso ano ang magagawa ko? E ang kulit niya?

Hindi na siya nagabalang magsalita at umalis nalang sa harapan ko.

Hay... Salamat. Peace of mind.

Ng makarating sa Locker room ay wala na sila Queenie doon, kaya agad ko ng binitbit ang bag ko.

"Rizz? May celebration daw ang team mamaya ah?" sabi ng isa kong kateam mate na abala rin sa pagaayos ng gamit niya.

"Hindi nalang ako sasama, pakisabi kay Coach." Walang gana kong sabi sa kanya.

Bigla akong pinigilan ng Captain namin.

"Rizz, ikaw ang nagpanalo sa Team ngayong araw kaya kailangan mong sumama." Sabi sakin ni Captain habang mariing nakatitig sakin.

"Wala ako sa mood, aalis na ako." Sabi ko ng hindi siya tinitignan.

"Please?" pakiusap ng Captain. Ano pa bang magagawa ko?

Kahit medyo masakit pa din ang puso ko ay wala akong choice kundi sumama sa celebration ng team.

****

Mga ilang minuto palang ang nakaraan ay di ko namalayang tumigil na pala ang sasakyan sa Tapat ng isang Restaurant at Grill malapit sa University.

Nagsibabaan na kami at aktong pumasok na sa loob. Inassist kami ng Receptionist. Nahagip ng mata ko na nakatingin ito sa akin pero I don't mind. Wala ako sa mood makipaglandian sa iba gayung alam ko na nagaway kami ng girlfriend kong si Bianca dahil sa letsugas na bruhildang Jade na iyon, kundi dahil sa kanya ay baka naisama ko pa s Bianca sa Celebration ng Team namin ngayon.

Sa katunayan ay ngayon lamang ako naging clingysa isang babae, kilala kasi ako sa Univeristy bilang si 'Rizza Sandoval' na madaling magpalit ng girlfriend, hindi lang daw halata dahil sa inosente daw ang mukha ko pero sa katunayan ay ganoon ako kataranatado dati.

Ngunit nagbago ang lahat dahil kay Bianca, hindi ko alam but there's something with her na talagang nagustuhan ko sa kanya ng wala sa ibang mga naging babae o girlfriend ko. Ako pa nga yata ang Andres de Saya sa aming dalawa dahil mahal ko talaga siya.

She make me realize that a person like her must be treated like a princess though she's not that kind of a girl that I want her to be. Tinanggap ko siya bilang siya at minahal ko siya bilang si 'Bianca Marie Alvares' na kasalukuyang hindi ako pinapansin dahil sa maling akala.

Bumalik lamang ako sa ulira't ng tapikin ni Captain ang balikat ko dahil hindi ko namamalayan na nagkakasiyahan na sila.

"Ang tahimik mo Rizz, may problema ba?" alalang tanong ni Captain.

Falling in Love with Rizza Sandoval (GirlxGirl) (SPG)Where stories live. Discover now