Being Positive

44 1 0
                                    

Minsan sa buhay ng tao napaka-complicated ng mga pangyayari. Minsang hindi mo alam ang tamang mararamdaman sa iba't ibang pagkakataong nangyayari sayo.
Hindi mo alam kung dapat bang pagtuunan mo lahat ng pansin.
Pero isa lang ang alam ko..mapasaya man tayo o malungkot sa buhay, gaano man kahirap ang pinagdadaanan, gaano man kalungkot ang mangyayari satin..kapag lagi natin nakakausap ang nasa itaas...mas mapapadali at mas mapapagaan ang lahat nang iyong dinadala.
Ilang beses man akong nasasaktan..madami man akong karamay sa lahat kong pinagdadaanan, pero iba parin yung kapag sinasabi mo sa Kanya ang lahat-lahat kakaibang ginhawa pagkatapos ang iyong nararamdaman.
Sa pamamagitan ng DIARY na ito...dito ko nakakausap..dito ko nasasabi lahat-lahat nang nasa buhay ko.
Lalo ngayon sa panahong hindi ko alam ang nararamdaman ko.
Parang masaya ako pero deep inside ang lungkot ko...na ang lungkot lungkot ko nga nasasaktan ako pero pinipilit kong magpakasaya.
Ay ewan...

(Magulo?) Oo magulo ako minsan..pero alam ko madami nagmamahal sakin. Hindi lang siya. Hindi lang siya kung yun nga ba ang inakala ko.
Minahal nga ba niya tlaga ako? Naging masaya ba talaga siya sakin? Ano ba mali ko? Ano ba pagkukulang ko? Ano bang nagawa ko at naatim niya akong saktan at lokohin?
Ilang beses ko man pag-isipan..sabihin ko mang magalit na ako sa kanya..pero bakit hindi? Hindi ko siya magawang kamuhian..ni sa hinagap ko na magawang magalit sa panloloko niya sakin.

Yung mga salitang, "Grace, hindi ako worthy para sayo. Nagawa kong magka-girlfriend ng iba na committed ako sayo. Sorry."

Yun yung mga salitang alam kong...sa mga makakabasa sasabihin agad, "Manloloko, sinungaling!!"

Oo niloko niya ko..Oo nagsinungaling siya. Oo sinaktan niya ako.
Bakit ganun? Bakit niya nagawa sakin yun? Hindi na ba talaga ako pwedeng mahalin? Hindi ba ako, kamahal- mahal? Hindi ba ako katanggap-tanggap?
Ayan..nagself-pity pa..Hindi dapat. Sa halip na magalit ako sa kanya nagawa ko pa siyang intindihin. Ganito ba talaga ako? Ganito ba talaga ka sobrang napakamaintindi kahit na kaninu?
So far, yung sakit na dulot nun..sisiw lang yun kesa sa sakit na naramdaman ko noon nung iniwan kami ng Mama ko. Sisiw lang yun.
Ahay...buhay nga naman. Pati pag-ibig Oo..tsk. tsk.tsk.

Okay lang..walang dahilan para pasanin ko ang mundo..Oo mabigat..mabigat itong nararamdaman ko. Pero alam ko magiging okay din ako. Magiging magaan ulit itong bigat na ito. Masaya pa din ako na nakakatawa pa rin ako..nakakaiyak..nakakain...nakakagalaw.kompleto pa ang katawan ko..meron pa akong puso..nasaktan man ang puso ko..buo parin naman..literally..Oo buo pa.
Broken?? Ako broken?...hindi buo pa rin ako..buo pa rin pagkatao ko..ilang beses man akong saktan ninuman...wala pa rin magbabago sakin.. Ako pa rin to...Si Grace na matapang, si Grace na masayahain, si Grace na laging nakangiti, si Grace na maingay, isip bata, adik sa Kpop at sa chocolate, at higit sa lahat si Grace na walang alam kundi ang magmahal sa mga taong mahalaga sa buhay niya.
Sa mga panahong nagmamahal at siya ang naiiwan, siya ang nababalewala at nasasaktan.
Ganun ba talaga? Ganun ba dapat talaga?
Hindi naman siguro.(Ako na mismo sasagot) Hindi!
Madami nagmamahal sayo. Madami pa magpapasaya..tumingin kalang sa paligid mo. Maraming kaiyahan..kahit sa simple at napakaliit na bagah. At laging tandaan nandiyan si God...na walang sawang mamahalin ka..FOREVER!

My DiaryWhere stories live. Discover now