Reasons To Be Happy

26 0 0
                                    

Happiness!

Ako yung tipo ng taong mababaw ang kaligayahan.
Mula sa pinakaliit-liitang bagay, at pinakasimpleng bagay, grabe na ang tuwa na mayroon ako. Sobrang napaka-thankful ko na nun.
Siguro yun ang mga dahilan kung bakit masaya ako.
Kung bakit nakangiti ako. Oo nga naman. Bakit hindi? Lahat tayo dapat may mga dahilan para sumaya. Lahat tayo dapat may mga dahilan para ngumiti. Para magpatuloy sa buhay.
Kung isa-isahin ko lang talaga..sobrang yaman ko na sa kasiyahan. Yun kasing mga mumunting bagay para sa iba..sa akin sobrang tuwa at sobrang saya ko na.
Sabihin man na " Sus maliit ba bagay" oo maliit man yun..yun ang dahilan na lumaki at tumataba amg puso ko sa galak. Marunong ka lang mag-appreciate nang mga bagay sa paligid mo..matutunan mong maging masaya at makontento.
Ako? Simple lang..sobrang saya ko. Sobamrang blessed ko. Madami akong bagay na dapat ipagpasalamat lalo na kay GOD. Dahil hindi niya ako pinabayaan. Dahil hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na maging malungkot. Na mag-isa. Oo minsan nakakaramdam ako nun...pero agad ko pinapalis sa aking isipan ang mga bagay na yun dahil alam ko baka unti-unti lang akong lamunin at lunurin nun. So be positive. Walang mawawala sau na kahit may problema ka...nakangiti ka.
Ikaw masaya ka ba?
Kung hindi. Hindi ako magtatanong kung bakit. Uutusan kita.

Uutusan kitang isa-isahin sakin yung mga bagay na nagpapalungkot sayo.
Lahat sabihin mo.

................................................................


Tapos ka na ba?. Sus yun lang nagpapalungkot sayo? Maliit na bagay yan.
Try mo ngumiti na. Oh dba? Okay lang yan Smile ka lang.
Nandiyan si God. Nandiyan ang pamilya mo. Nandiyan mga kaibigan mo. Mga barkada mo. Mga tropa mo. Mga kaklase mo. Katrabaho.

Oh siya...Ngiti na.
Be happy, stay happy and Smile.
Tuloy ang buhay.
Wala na yan bukas.


My DiaryWhere stories live. Discover now