This Unidentified feeling

4 0 0
                                    

Lagi ako nasasabihan, napaka-emosyonal ko daw na tao. Hindi ko alam, compliment ba yan, o pahiwatig na nakakainis na ang mga kadramahan ko sa buhay.
Kung ang una, well sorry..hindi ko naman kailangan yun.
Ako to eeeeh..hindi ko kailangan magpaliwanag o ipagpasalamat ang sasabihin nila, ninyo o ninuman.
As long, nai-express ko ang sarili ko. Nailalabas ko ang nararamdaman ko na walang ibang natatapakang tao. Kung sa akala niyo pong hindi na iyon kagandahan sa inyo, paki-balewala na lamang ako. Hindi ko naman kayo ginugulo. Mabuti nang may damdamin kaysa maging bato.
Kahit nangunguna ang emosyon ko, buo pa rin naman ang utak ko para mag-isip at ikonsidera ang bawat tao at ang nararamdaman nito.
Sa palagay ko walang masama dun. At kung sa palagay mo nga hindi nakabubuti sa iyo, gaya ng sabi ko paki-balewala na lamang po ako.
Salamat kung ganun.

Ang punto ko kung bakit ako ganun, dahil totoo ako.
Kung sa palagay mo kahinaan ang pagpapakita ng emosyon, nagkakamali ka...batid kong KALAKASAN KO ITO.

Oh siya nasabi ko na. Emosyonal na naman po kasi ako ngayon. Andami kong naiisip..nararamdaman. Mixed emotions so far. Ewan ko nga ba kung bakit ganito.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Okay na naman ako ah..okay na okay.
Hanggang sa dumating ang isang araw at ito siya.. Hindi ko maintindihan..kapag nakakausap ko siya ang saya saya ko. Iniisip ko na sana hindi na kami maubusan ng sasabihin,hindi na kami matatapos sa usapan..kahit sa pamamagitan man lamang nitong aparatu na ito ay nakakausap ko siya, nagiging masaya na ako.
Oo,masaya ako. Na malungkot at the same time. Hindi ko alam. Basta!
Ewan ko ba. Andami ko naiisip sa kanya. Iniisip ko na sana maging mabilis lang sa amin ang lahat. Na sana may magbabago. May sasabihin siya.
May itatanong na sasagutin ko naman. Tapos maging okay na kaming dalawa. Pero hanggang doon lamang iyon sa isipan ko.
At nakakalungkot lang na nalulungkot ako ng sobra, nakakaramdam ako ng kakaiba, iyon bang may bahid ng pag-aalala na hanggang doon na lamang ba? Na hanggang sa simpleng tawagan at usapan na lamang ba ang lahat? At mababalitaan ko na lamang na meron na siya.
Na may nagmamay-ari na sa kanya.
Na hanggang doon na lamang talaga. Hindi na sosobra, hindi na magwork-out ang sa aming dalawa. Na hanggang sa simpleng usapan na lamang at tawagan iyon.
Na hanggang sa pagtatagpo lang kami at mauuwi din naman sa paglalayo.
Na hanggang doon na lamang talaga. Walang dito. Walang diyan. Kundi doon.
Walang nandito, walang nandiyan, kundi nandoon.
Nakakasakit isipin na baka ako lang.. Ako lang ang may katanungan, na hanggang kailan ako aasa?
Na hanggang kailan ako maghihintay?
Sa mga tanong niya..na sasagutin ko naman at para maging okay na.

Hanggang kailan yun?
Wag na lang siguro. Masasaktan lang ako. So habang ganito pa lang kami..hindi na ako aasa. Haharangan ko na ng sibat, pana at lock ang puso ko. Haharangan ko na lang ng mahabang panahon. Hanggang sa may dumating na.
May darating na, magtatagpo kami.
Pero sana..yung darating na yun ay SIYA.

My DiaryWhere stories live. Discover now