I am a Great Pretender

9 0 0
                                    

Minsan kasi okay ako. As in okay lang talaga. Okay lang ako.

Oo naman talaga eh. Yun ang nakikita nila sakin. Okay ako lagi. Laging masaya. Laging nakangiti.
Oo ganun naman talaga ako.
Kasi super positive kong tao. Kahit na ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko kabaliktaran naman.
Ewan nga ba. Ayoko sana ng drama except Korean Drama yan.
Pero minsan kasi sobrang bigat na na kailangan ko na din ilabas. Na kailangan ko na din sabihin.
Kaya eto ako ngayon sinasabi ko okay lang ako pero ang totoo hindi naman talaga.
Sobrang lungkot ko sa araw na to. Hindi ko naman alam kung bakit.
Nagself pity lang ako. Actually hindi ko talaga alam. Gusto ko lang ng kausap at may makikinig sakin. Kahit hindi niya ako maiintindihan okay lang. Ang importante may isang handang ipabatid yung presensya niya sakin.
Sa katunayan kakatapos ko lang din kinausap ang nasa itaas. Kakatapos ko lang din sabihin sa kanya tong nararamdaman ko. Sabi ko tulunga niya ako na maipalabas  ko to. Kya siguro eto na yun.
Haaaaaaayy.

Ako kasi. As in parang ang yabang yabang ko pandak naman. College graduate nga parang wala parin narating sa buhay. Hamak na walang direksiyon ang buhay ko. Oo amy trabho nga, nakapagpapadala sa pamilya, nakapagpa-aral ng kapatid pero bakit ganun?
Feeling ko sobrang kulelat na ako sa karera ko sa buhay. Isang hamak na pandak na walang direksiyon ang buhay.
Saklap ko. Ang tanging meron na lamang siguro ako, kaibigan,yung kapareho ko na maipagmamalaki ko na totoo. At pamilya na maituturing kong nagiging inspirasyon ko sa lahat nang to. Pero, I feel sorry for them parang wala parin ako nagawang mabuti.
Ganito nga siguro ako kamalas sa buhay. Sa pamilya. Sa career. Kahit nga sa lovelife eh. Kahit noh lovelife lang kumbaga inspirasyon lang. Pero wala eh..ako na iniwan, ako na niloko, ako na pinaasa.
Ako na ni-reject. Binalewala.
Saklap.
Kawawa ako.
Oo kawawa ka Grace.
Maawa ka sa sarili mo. Love yourself uy.!!

My DiaryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora