Chapter 3: The Boys

15.4K 261 21
                                    

Chapter 3: The Boys

[Tristan Montecillo]

"Baby all I want is you. In the middle of the night. I've been thinking about you like. Baby all I want is you, to be one hundred I've been thinkin but I gotta say the truth cause girl it's three, maybe four am, don't leave me—shit!" may humigit sa earphones ko!

"Badtrip naman Ivan!" I yelled. Baka masira niya ang earphones ko tapos hindi naman niya ako ibibili ng bago! Kuripot pa naman ito!

"Shut up. Ingay," nakakunot ang noo niyang sabi sa akin bago ulit itinuon ang tingin sa unahan. Siya ngayon ang driver namin, hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangisi.

Nang mahimigan ko na malapit na ang rap ng kantang pinapakinggan ko ay kumanta na ulit ako.

"Baby come through! Baby come through! And you ain't gotta stress. You know I'm the best! I know what to do. I kno—araay!" Binatukan ako! Binatukan niya ako! Paano niya nasasaktan ang gwapo kong mukha?!

"Fuck it, Tristan! I said shut up!" naiinis na sabi ni Ivan sa akin at mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan!

Oh, shit! Hindi ako naka-seatbelt! Hindi man lang niya ako inabisuhan! Agad kong hinagilap ang seatbelt ko at ikinabit iyon.

Nilingon ko si Ivan. "Baaaaad!"

Napahawak siya sa tenga niya at nilingon ako. Kung nakakamatay ang lang tingin, patay na siguro ako pero dahil ang gwapo ko, walang epekto sa akin iyon!

"Tangna naman. Bumaba ka na kaya, ano? Malalate tayo," sabi niya sakin.

I frowned. Magsasalita pa sana ako para magalit pa siya when I heard a warning growl. Tumingin ako kay Ivan, nagulat din siya. At ako? Kahit takot ay nilingon pa rin ang backseat. And yeah, there he is! Nakakunot ang noo habang nakapikit ang mga mata at nakahalukipkip pa. Kung babae lang ako. Kikiligin ako sa nakikita ko pero dahil sa gwapo nga ako, wala akong pakialam. Mas gwapo kaya ako sa dalawang ito.

Umayos nalang ako ng upo sa loob ng sasakyan at hindi na nag-ingay pa baka patalsikin ako ng dalawang ito sa kotse.

~~~

Hmmm, not bad. Pagkababa naming tatlo sa sasakyan ay isang malaking kulay creamy white—hahaha parang kape lang na mansion ang tumabad sa amin. Iyong ibang bahay ay cabin log style. Panay ang ikot ng mata ko sa kabuoan ng lugar.

Hmmm. Wala pa rin akong maramdamang iba.

"Ivan..." malungkot kong tawag sa kanya na nagmamasid din kagaya ko.

"Do you, do you, do you lab meeee?! Hahahahaha! Araaay!" nabatukan niya ulit ako. Binibiro ko lang, eh!

Sakit sa heart, ha!

"Wala," simpleng sagot niya sa akin.

Oh, shit no! This can't be!

Habang nagd-drama ako ay may napansin akong gumagalaw sa hindi kalayuan, iba rin ang amoy nito dahil sa halip na nakakainis ang halimuyak nito ay iba ang na-aamoy ko. There's a faint scent coming from that thing called cat that makes me calm.

"Hoy, pusaaa!" Nagtatakbo ako papalapit sa pusang malapit doon sa maliit na pond sa gilid.

"Booooo!" Tumaas ang kilay ko bago ko kinarga ang pusa na nakatitig lang sa akin.

"Bakit hindi ka natakot sa akin? Ah, oo nga pala hindi ka natatakot sa mga gwapo!" natatawa kong sabi dahil.

Napakaputi ng balahibo ng pusang ito at may kulay asul pa siyang mga mata.

"Ivaaaaan! Looook!" Patakbo kong nilapitan ang kaibigan ko.

"What is that?" Parang nandidiri niyang nilapitan ang pusa na nasa braso ko.

"Pusa ito, gago!" Nabatukan niya ulit ako dahil sa huli kong sinabi. Kahit kailan talaga ang lalaking ito, napakabugnutin!

Hinarap ko si Ivan at sasapakin ko sana siya para makaganti nang bumukas ang pinto ng sasakyan.

Nahagip ako!

Gusto ko sana siyang sigawan, saktan, o kaya naman ay batukan pero hindi pwede. Tumitiklop ako kapag si Luke na ang kaharap ko.

"Pahara-harang kasi," bulong ni Ivan. Paglingon ko sa kanya, hawak niya ang pussy ko!

"Let's go," sabi ni Luke kaya sabay kaming tatlo na naglakad papunta sa main door ng bahay.

"Mag-doorbell ka na," pagsita sa akin ni Ivan habang si Luke ay naka sandal lang doon sa kabilang side ng pinto, nakapikit pa ito.

"Tapos tatakbo tayo, hahaha? Tsk. Oo na," sinamaan lang niya ako ng tingin. Hindi ba nila na-gets na joke iyon! Joke!

Pinindot ko na iyong doorbell. Gusto ko sanang pindotpindutin pa pero pinigilan ko ang aking sarili. Ilang sandali pa ay bumukas na rin ang pinto. Isang babaeng nakangiti ang tumambad sa amin. Morena siya at may hanggang balikat na buhok, may katangkaran rin pero mas matangkad pa rin ako. Maganda siya pero alam kong matanda na para sa akin, ang bad ko ata?

"Goodmorning po, Luna Sophia. The Hollow Moon Pack is here," bati namin ni Ivan.

"Well, not the whole pack but its pillars are here," nakapikit na sabi ni Luke.

Siniko ko naman siya. Kahit na labag sa akin ang ginawa kong pagsiko sa kanya ay ginawa ko pa rin.

"Morning Luna," tipid na nginitian niya ang Luna ng pack na ito.

"Well, nice to meet you boys and especially you, Alpha Luke," tuluyan na niyang binuksan ang malaking pinto ng kanilang bahay.

Nauna nang pumasok si Luke, sumunod naman sa kanya si Ivan habang hawak pa rin ang pusa na kanina ay hawak ko. Pinaupo kami sa mahabang sofa habang sina Luna Sophia at si Luke ay umakyat sa itaas. I'm sure they're going to discuss something I already know. Syempre alam ko na rin ang pag-uusapan nila dahil napag-usapan na namin iyon sa pack namin.

"Tingin mo tao talaga ang para sa atin?" mahinang tanong ni Ivan sa akin.

"Okay lang sa akin kung tao sila, basta ba mahanap ko na siya. Gusto ko na siyang mayakap," seryoso kong sagot.

Wala naman akong pakialam kung tao siya o kung anong pang lahi niya. Basta makasama ko na ang nakatadhana sa akin ay masayang-masaya na ako.

A lot of older mated wolves told us that love for wolves came easily, unlike for the human race. Humans took months, years or even decades to fall in love for someone especially to their destined one and sometimes they failed to see their soulmate for they are picky. They denied their feelings for their destined one and suffer for the rest of their lives. But in our race we realize that they are the one for us in one glance because of the mate bond.

"That was the beauty of our kind," my wolf Icce grinned.

"Yeah, yeah whatever," I blocked him, I don't want to talk to my annoying wolf.

"What about you, man? What if they're humans?" tanong ko kay Ivan habang nilalaro niya ang pusa na dapat ay nasa akin.

"It doesn't matter. I will accept her no matter what race she is."

Napabuntong hininga ako. "Hmm, this is the last pack, right?" Tumango naman siya sa tanong ko.

Great. Kung wala dito ang mga mates namin. Sisimulan ko ng libutin ang buong mundo. Okay lang kahit tao ang nakatadhana sa akin kaysa isang rouge. Mahirap matanggap ng isang pack kapag isang rouge ang kapareha mo dahil sa kadahilanang iba ang paniniwala ng mga ito at hindi sila sanay sa organisadong mayroon ang pack. Pero kahit rouge pa siya I will still accept her because she is the one who is destined for me.

~~~~~

Sana hindi kayo nalito sa explanations ko pero kung oo, comment lang kayo kung medyo lito pa rin.

Nakikipag communicate po yung mga wolves nila sa kanila by their minds.

❤YMB

I'm the Broken LunaWhere stories live. Discover now