Chapter 21: Beach

9.9K 163 5
                                    

Chapter 21: Beach

[Vee Jimenez]

"We're going in!" sigaw ni Alex sa tabi ko.

Napapikit nalang ako nang sipain ni Alex ang pintuan ng kwarto ni Rain dahil ayaw niya kaming papasukin sa loob.

Poor door, nadamay pa siya.

"Anong ginawa niyo sa pintuan ko?!" Napatawa ako dahil sa pagsigaw ni Rain dahil sa ginawa ni Alex.

"Ayaw mo kaming papasukin, eh. You leave us no choice," nakahalukipkip na sabi ni Alex.

"Hoy, anong 'us' eh, hindi kaya ako kasama, 'no!" tinaasan ko siya ng kilay.

Hindi naman kaya ako pumayag na sirain niya iyong pinto. Sarili kaya niyang desisyon iyon! Impatient kasi.

"Shut up!" sigaw niya sa akin. Ang taray talaga niya, inirapan ko nalang ulit siya.

"Ano bang ginagawa niyo dito?" tanong ni Rain habang nakakunot ang noo.

Kahit na nagda-dalwang isip ako na lapitan siya ay tinatagan ko ang loob ko. Kailangan ko muna siyang pakalmahin bago ko sabihin ang dapat sabihin. Dahil baka mamaya bad mood siya tapos ay mahigit niya nalang bigla ang buhok ko!

"Stop it Vee. Spill it," nakataas ang kilay na tanong ni Rain. Napahinto tuloy ako sa paghimas sa buhok niya.

Hindi tumalab!

"A-ano...ah, ta—"

"Maligo ka na at magbihis, aalis tayo!" singit ni Alex.

Badtrip talaga itong si Alex. Napakaepal, eh!

"Bakit? Saan tayo pupunta?"

"Sa beach!" I excitedly said while jumping.

"Wait?! What?!"

"Wala ng tanong-tanong maligo ka na! Aalis na tayo mamaya!" Hinigit ni Alex si Rain papunta sa banyo

Grabe talaga. Ang harsh ng bruha!

"Te-teka! Wala pa akong gamit!"

"Maligo ka nalang dali!"

Natatawa akong humiga sa kama ni Rain habang si Alex naman ay naupo sa maliit na couch sa may gilid. Sana lang ay maging ayos ang araw na ito para samin. Sana rin ay 'wag masira ang plinano namin para kay Rain.

~~~

Excited akong sumakay ng van na gagamitin namin sa biyahe ng may biglang humigit ng buhok ko. Ouch ang sakit! Na-hurt ako ng madami!

"Ano?!" inis na sigaw ko dahil nga sumakit ang anit ko.

"Saan ako?" nahihiya tanong ni Rain sa akin.

Miii gosh! Rain, why so cute?

"Doon ka sa dulo," sabi ko.

Nag-pout naman si Rain kaya napatawa ako ng mahina. Ang cute talaga ng friend kong ito!

"Hindi ba siya sasama?" Natigil naman ako sa pagtawa dahil sa tanong niya.

I'm the Broken LunaWhere stories live. Discover now