Chapter 22: Game

9.3K 156 9
                                    

Chapter 22: Game?

[Rain Castanova]

Na-iilang man sa suot kong black na two piece ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad para hanapin ang tindahang nakita ko kanina. Gusto ko kasing bumili ng bracelet na ibibigay ko sa mga kasama ko at kasama na doon si Luke.

Hindi ko nga inaasahan na pupunta siya dito dahil ang sabi nina Vee ay hindi talaga nila siya isinama. Kaya nakapagtataka talagang nandito siya. Napabuntong hininga ako, kaya ako dinala ng mga kaibigan ko dito para makalimutan ang mga masasakit na pangyayari at sana magtagumpay ako na iwaglit kahit saglit lang ang mga masasakit na nangyari sa akin.

"Ouch!" Napaupo ako sa buhanginan dahil may biglang bumunggo sa akin!

Ano ba naman iyan!

"Shit! Sorry miss!" napamulat ako dahil nabosesan ko ang taong tingin ko ay ang nakabunggo sa akin.

Nagulat pa rin ako dahil tama ang hinala ko, siya nga iyong lalaki! Bakit ba kailangan ko pa siyang makasalubong?

"Here, let me help you." Inilahad niya ang kamay niya para tulungan ako at agad ko naman iyong tinanggap.

I don't want to be rude.

"I'm really sorry miss," paghinga niya ng paumanhin.

"No. It's okay. Pasensya na rin dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko," sabi ko habang pinapagpagaan ang sarili dahil sa mga buhangin sa aking braso at binti.

"Eh, ikaw naman pala ang may kasalanan! Akala ko ako. Tsk. Sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo!" bulyaw niya sa akin!

He had the gal to shout at me? Wow! Looks really is deceiving but fake kindness is much worse.

"Ang kapal nam—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang siyang tumalikod at naglakad palayo sa akin!

What the hell? Napaka-ignorante pala talaga ng manyak na iyon. Tsk, kaya pala labis ang pagkainis sa kanya ni Vee dahil ganoon ang ugali ng lalaking iyon! Kapal ng mukha!

"Hey, Andre dito!" sigaw ng isang babae sa hindi kalayuan.

So, Andre pala ang pangalan niya. I sniffed the air trying to reach his scent at nang ma-register sa utak ko ang amoy niya'y napangisi ako. Sisiguraduhin kong hindi na magtatagpo ang landas natin. Dahil isa ka sa mga low class na lalake Andre, wala kang galang. Nagsimula na ulit akong maglakad at sa wakas nahanap ko rin ang tindahang hinahanap ko.

I picked different kinds of bracelet that will look nice on them, especially on my mate. I just hope he'll appreciate the small effort. I don't want to give up on him.

~~~

"Oh! Gosh!"

Napakunot ang noo ko dahil narinig kong sumigaw si Alex mula sa kinatatayuan ko. Ano kayang nangyari? Binilisan ko ang takbo para mabilis akong makarating sa cottage namin at labis akong nagulat sa nakita ko!

"You already marked her?!"

Nakita ko ang marka ni Ivan sa kanang balikat ni Vee. It was a gray colored wolf barring its teeth. Palagay ko'y kulay gray ang kulay ng wolf ni Ivan kaya ito ang lumitaw na marka kay Vee. Napangiti ako, mabuti pa sila. Claiming your partner is one of the steps of the mating process at isa na lang at makokompleto na nila ang process na iyon.

"Ang landi," sabi ni Alex bago niyakap si Vee habang kinukurot ang pisngi nito.

"Pare, penge naman ng tips oh," napatawa ako ng marinig kong sinabi iyon ni Tristan kay Ivan.

I'm the Broken LunaWhere stories live. Discover now