Chapter 11: Rouges

11.3K 233 28
                                    

Chapter 11: Rouges

[Rain Castanova]

My wolf was getting hyper, after a quick run with Luke's wolf. Gusto ko pang makipaglaro sa kanya dahil natutuwa akong pagmasdan siya ngayon habang mabilis na tumatakbo sa malawak na field, nakalawit pa ang dila. Cute.

I barked, making Luke's wolf to stop moving. Lumapit ito sa kinaroroonan ko at ng ilang milya nalang ang layo niya sa akin, I barked again before lunging into the air. Bumagsak ako sa wolf niya at nagpagulong-gulong kami sa damuhan. Ilang beses kaming naglaro sa malawak na damuhan hanggang sa may naramdaman ako. Luke sensed it too because he stood up from beside me and was on high alert.

Rouges.

My nose scrunched up in disgust as I caught their scent, it was a smell of rotten deer and garbage. They arrived at the moment and I saw three guys and a woman, all of them surrounding us with a grin on their faces.

"Well, well...tingnan mo nga naman. The Alpha and the Luna of the Hollow Moon pack." Humalakhak ang babaeng may pulang buhok at kumapit sa katabi niyang lalake.

Mates siguro.

I growled at her, showing my canines. Humalakhak pa siya ng mas matagal. Nakakairita lang. Ngunit ang pagkairita ko ay napalitan ng pagkagulat dahil sa sunod na nangyari, natanggal ang ulo ng babae sa kanyang katawan! Nabato ako sa aking kinatatayuan. Luke jumped backwards, blood dripping out from his mouth.

"What the fuck!" sigaw ng lalake dahil sa pagkamatay ng kanyang kapareha!

I gulped. Yes, I'm trained pero hindi pa ako ganoon kagaling! Hindi pa ako napapasubok sa isang tunay na labanan!

Ang tatlong lalake ay nagpalit na ng kanilang anyo, isang yellowish wolf at dalwang kulay orange na wolf ang tumambad sa amin. Mabilis na tumakbo papalapit sa akin ang yellowish wolf pero bago pa ako makakilos ay tumalsik ang katawan nito ng ilang milya mula sa akin at naglanding sa isang puno. Galit na tumahol si Luke.

The other wolves growls at the scene. Ang dalawang ito ay agad na pumalibot kay Luke. Paano ko siya matutulungan kung natatakot ako?

My ears perked up kaya napatingin ako sa aking kanan, kung saan tumilapon iyong isang wolf kanina. Tumatakbo na ito ngayon palapit sa akin at bigla itong tumalon sa ere at akmang kakagatin na ako nito ay umatras ako pakaliwa. Dumausos ito sa lupa at mabilis na tumayo.

Nagulat ako sa bilis nito! I jumped backwards showing my cannies. Kainis, muntik niya na akong mahagip dahil sa kakaisip ko kahit na nasa labanan ako! Stupid me, I need to stay focus! I growled as I shot upright, examining the area and turning in a circle. Kailangan kong lumaban hindi pwedeng umiwas lang ako palagi!

I ran to him and I tried to bit its neck pero nakaiwas siya, nadaplisan naman ako sa aking tiyan dahil sa biglang paghampas niya sa akin pero hindi ko ito ininda. Mas masakit ang silent treatment sa akin ni Luke kaysa sa natamo kong sugat ngayon! Napabalik ako sa katinuan nang maramdaman ko na papalapit na ang kalaban.

He tried to claw and aim at my wolf's face but he failed because I moved backwards but then I lost my balance, seconds later I felt a sharp pain on my foot, it was bleeding rapidly! I then felt a sharp pain in my forehead leaving me unconscious.

~~~

Nagising ako nang makaramdam ako ng init. My brow knotted when I realized that I was lying in a large soft bed surrounded by walls painted with gray colors. A large wooden bookshelf covered the entire wall on the left and there were no display or paintings on the wall. It was just like an empty cell, dull and lonely.

Nasaan ako?

Sandali, kaninong kwarto ba 'to? Bababa na sana ako ng kama nang mapagtanto ko na kung nasaan ako. Sa kwarto ni Luke! Dahil ang amoy niya ay pumapalibot sa buong silid. Napanga-nga ako, ganito pala ang loob ng kwarto niya, ngayon ko lang nakita ang kabuoan dahil bukas ang ilaw.

Napatigil ang pagtingin ko sa buong kwarto ng biglang bumukas ang pinto. It was Luke.

"Hey."

"Hi." Napatungo ako. Dark fitted jeans lang kasi ang suot niya. Naka-topless lang siya

Napansin kong biglang nag-init ang paligid. Bakit kaya?

"Are you okay?" nagtaka ako sa sinabi tanong niya.

"H-ha?" imbes na sumagot ay lumapit siya sa akin.

Oh, no Luke! Stop! Stop right there!

"See something you like, huh?" inalis ko ang tingin ko sa kumikinang na abs niya.

"H-ha? Ah, ano bang nangyari?" Umupo siya sa gilid ng kama.

Ang natatandaan ko lang ay panay ang iwas ko sa rouge na iyon pero nadaplisan pa rin niya ako hanggang sa nagdilim na ang aking paningin.

"I killed them all." Napatingin ako sa kanya and in a split second his eyes were completely black. Nawala na ang puti sa kanyang mga mata. I could feel the danger and warning radiating from him.

"G-ganon ba. G-gusto mo na bang magpahinga?" I asked him. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin. Naiilang ako.

Kung napatay niya pala ang mga rouge na iyon ay kailangan niyang ipahinga ang sarili niya lalo na at naging pabigat ako. Ngunit ang tangka kong pagsasalita ay nawala dahil sa ginawa niya dahil bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit! I couldn't even breath properly because of the tight hug!

"At the thought of you dying...I was afraid so damn afraid," he softly said as he buried his face on my neck. My stomach turned a little flip.

Oh, gosh! Niyakap niya ko!

Hindi naman ako nagdalawang isip na gantihan siya ng yakap! Matagal ko ng hinihintay 'to! I wanted to have a happy ending so bad! I wanted to see what everyone said about love and about mates.

"Akala ko mawawala ka na sa akin, mabuti nalang at ligtas ka, " malambing na sabi niya sa akin.

It felt so good to be cared of.

He looked at me and it makes the butterflies—I mean the zoo in my stomach to go wild with just his loving stares. He then peppered kisses on my neck causing me to shiver seconds later he grabbed my chin. Seryoso siyang nakatingin sa akin, hanggang sa bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at unti-unting lumapit, pumikit naman ako. Hinihintay ang dapat mangyari.

Ngunit imbis na mga labi niya ang dumampi sa akin ay isang malakas na hampas ang dumapo sa aking pisngi! Napatingin ako kay Luke, galit na galit siya...pero bakit?

"Labas!" he yelled in his Alpha tone, making my heart twist in pain.

"L-luke..." nagbabadyang lumabas ang mga luha ko.

Ano bang nangyari? Ayaw ba niya? Bakit siya nagalit? May ginawa ba akong hindi niya nagustuhan?

"I said get out!"

"P-pero Luke. A-anong ban—" natigilan ako sa sasabihin ko nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko.

"I don't want to see your fucking face! So, get out!" he roared. His word felt like knives being jabbed in my heart.

Kinaladkad niya ko papunta sa pinto, masakit ang paghawak niya sa aking braso.

"L-luke..." naiiyak na sabi ko.

Binuksan niya ang pinto ng kwarto niya at itinulak ako palabas. Napasubsob ako sa sahig at bigla akong nakaramdam ng sakit. Physically. Ngayon ko napansin na may benda pala ang tiyan ko at kumukulay na ang dugo ko dito. I sobbed hard.

"I don't want to see you!" Isinara na niya ang pintuan. Hindi naman ako makatayo dahil sa sakit na nararaamdaman ko, physically and emotionally.

Mates were supposed to bring calm and love to one another but I felt none of it.

~~~~~

I'm the Broken LunaWhere stories live. Discover now