Chapter 6: Outburst

12.5K 240 15
                                    

Chapter 6: Outburst

[Rain Castanova]

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang lumipat kami ng mga kaibigan ko sa Hollow Moon Pack dahil sa mga kapareha namin. Hindi pa kami pormal na naipapakilala sa mga pack members ng pack na ito pero marami na ang nagbibigay ng kanilang masayang pagtanggap para sa aming tatlo nina Alex at Vee.

Nalaman ko rin na si Ivan ang beta at si Tristan ang third in command at si Luke ang Alpha.

Luke Hawksworth.

"Oy, Rain? Ano nakikinig ka ba?" tanong ni Vee sa akin. Kami lang tatlo ang nasa pack house dahil may pack meeting sina Luke.

"Sorry, I was just...lost."

"Thinking about making love to Luke, huh?" she teased with a big grin on her face.

"Of course not!" I denied.

"Sure you weren't haha!" may mapangasar pa rin siyang ngiti sa labi.

"I'm hungry!" napatingin ako sa nagre-reklamong si Alex na nakadapa sa mahabang sofa.

"Oh, my gosh! Naglilihi ka? Buntis ka?" sigaw ni Vee.

Facepalm.

"Oh, shut up!" namumulang sigaw ni Alex. Napailing na lang ako, Tristan is quite pervy kasi.

"What do you want for lunch?" I asked them.

"Pizza!" sabay nilang sagot at naghagikgikan.

"Umorder kayo," sabi ko kaya tumayo si Vee para magpa-deliever ng pizza.

"Ano na, Rain? Tagal na naming nag-aabang ng kuwento tungkol sa inyo ni Luke, pero wala pa rin?" tanong ni Alex habang nakataas ang kilay.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko pa rin maikuwento sa kanila kung ano talagang nangyayari sa amin ni Luke. Dahil nahihiya akong sabihin and I don't want them to worry about me.

"Let me guess! Let me guess! Ummm, nag-kiss na kayo, 'no! Kasi kami ni Ivan hindi pa hahaha!" kinikilig na sabi ni Vee habang hawak ang throw pillow.

Umiling ako.

"Hmmm, nag-make out na kayo or iyong mas malala doon? Kyaaaaaaah!"

Ugh, Vee. Kung hindi lang kita kaibigan baka nasakal na kita!

"Would you stop guessing? You're never going to get it!" naiinis na sabi ni Alex at binato ng unan si Vee.

"I will! I'm a great guesser!"

"Oh, please you sucked at guessing!"

Geez. Ano kayang mangyayari sa akin kung hindi ko sila nakilala? Probably, dead. I guess? Well, thankful ako dahil mayroon akong kaibigan na katulad nila. Napahinto kami nang marinig ang tunog ng doorbell, naamoy ko na rin mula rito sa salas ang inorder na pizza. Pepperoni and cheese.

"Alex, ikaw naman ang kumuha ako na ang tumawag kanina eh," sabi ni Vee na nakanguso pa.

"Fine." Tumayo na si Alex para pumunta sa may pinto.

"Rain, ano na bang mayroon sa inyo? Seryoso na ito, ha. Kasi pansin ko na masyadong mailap iyang si Luke at palaging nasa office kapag nandito kami. Nabibigyan ka pa ba niya ng oras?"

Kung alam mo lang Vee, kung alam niyo lang.

"Kain na tayo!" Ibinaba ni Alex ang dalawang box ng pizza sa coffee table.

Yum!

Walang gustong magsalita dahil sinimulan na namin ang pagkain ng mainit at masarap na pizza.

I'm the Broken LunaWhere stories live. Discover now