1: A night with him

3.2K 43 2
                                    

"What? Anong kailangan mo?" Masungit nitong sabi right after I grabbed his bag to stop him from walking.

I was well prepared with everything before I'd decided to come across him, pero jusmiyo santisima! Ano bang nangyayari sa akin? I'm having this slowmo again. Lahat ng bagay sa paligid ko tila ba bumabagal, tumitigil at hindi ko na naman magawang magsalita simula nang magtama ang mga mata namin. I can't get away with those enchanting eyes. And this freaking hypnotism is making me out of my plan! Why now?

"Hey!! Ano ba!?" Saway nito ulit pero hindi ko pa rin nagawang magsalita.

His presence is giving me this slowmo feeling as if we're on a very romantic movie....just the two of us. Everything about him makes me so weak in a magical manner that I can't hardly explain. Ugh! Peney naman, this is not the right time for this. You have to stick on your plan!

Pero kahit ano yatang pigil ko sa sarili ko ay di ko magawang hindi mapahanga sa taglay nitong kagwapuhan. Tingin palang nito nanlalambot na ang tuhod ko. I like him romantically eversince we're 1st year kaya hindi na nakakapagtaka kung maramdaman ko 'tong mga bagay na hindi ko kayang ipaliwanag tuwing magtatagpo ang mga landas namin pero mas lumala ang pagkagusto ko sa kanya ngayon. I want him so bad. Yung akin siya ng buong buo.

"Bibitawan mo ba bag ko o babalian kita ng kamay?" Naputol ang kahibangan ko dahil sa kasungitan nito at kaagad na lumayo ng bahagya.

"Sino ka ba? Hindi kita kilala and you're just wasting my time. At isa pa, hindi kita type. Don't you ever try to flirt with me." He said expertly as if he knows how everything works around him. Palibhasa kasi lahat ng babaeng lumalapit sa kaniya ay pakikipaglandian ang sadya kaya feeling siguro nito 'yun din ang sadya ko. Well, I have a very much important reason why I wanted to talk to him rather than flirting.

"Hi-hi-hindi mo ako natatandaan? Ako 'to, yung ano...." Sabi ko while doing some hand gestures. "Remember?" dugtong ko pa. I need him to remember everything so bad.

"Aahhhh..." Sabi nito at biglang inilapit ang mukha sa akin. Sa pinakita niyang expresyon ay alam kong natatandaan na ako nito. Muli na namang nag slomo ang paningin ko habang paonti-onti nitong nilalapit ang mukha sa akin. Segundo lang at magkatapat na ang aming mga mata at labi.

And now we're so close, so close that I could smell the scent and aroma of his favorite menthol cigarette. I honestly hate cigarettes but I love being this close to him. This closeness is giving me the chance to see every structure of his charismatic handsome face. His pointed nose that made him more attractive, His eyes that is making me so weak, and those lips, those lips were my favorite-- Wait, gagawin ba nito ang iniisip ko? Is he going to kiss me here? In this public place? Sobrang saya ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito kahit na may pag-aalinlangan dahil wala kami sa tamang lugar

I started to ask myself, kailangan ko bang pumikit sa ganitong sitwasyon o kailangan nakadilat ako? Siguro mas romantic kung pipikit ako. I closed my eyes, waiting for a magical kiss. Halik na muli kong mararamdaman. Ilang segundo din ngunit walang dumampi sa mga labi ko.

"HINDI-NGA-KITA-KILALA!! bingi lang eh noh?" Iminulat ko kaagad ang mata ko at tumambad sa akin ang asiwang mukha nito.

"At pwede ba, ilayo mo sakin yang nguso mo dahil hindi kita hahalikan. Not in your wildest imagination!" Dagdag nito.

Napatingin ako sa nguso ko at kitang-kita ko kung gaano ito katulis. Kaagad ko rin naman itong binawi matapos kong marealize ang nakakaasiwa kong itsura. I was expecting a kiss but hell, This is so embarassing!

When she gets pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon