15: Closer

1.2K 24 12
                                    

"Oh My God! Oh my God! As in Oh my God! BAKLA!! Ikaw na ang mahaba ang hair! Ikaw na! Naapakan ko na sobra! Yeeiiiiii! So happy for you My friend." Pagtititili ni Jana. 

Matapos akong ihatid ni Brix ay pinapunta ko sa bahay si Jana upang malaman n'ya ang masarap kong tagumpay. Ang saya ng lola mo. Parang s'ya ang liligawan ni Brix sa aming dalawa.

 

"Mas masaya ka pa sa akin ah." Sabi ko habang hindi mawala wala ang ngiti kong abot tainga. Eh kasi ang saya ko. Bakit ba?!

"Oo naman. Alam mo yan! Pero alam mo, ang arte n'yo lang noh? Like, what the fuck lang? Nandyan na ang bata kaya bakit may ligawan effect pa? Arte much?"

 

"Hayaan mo na. May gustong patunayan 'yung tao eh."

"Okay, Basta I'm so happy for you and my inaanak. Someday I will find mine too. 'Yung hindi kasing manhid ni Max. 'Yung maginoo pero medyo bastos. HAHAHA! Can't wait!"

So, this is it! Is this going to be a happy ever after? Sana naman Lord. Dami ko na pinaghirapan para marating lang itong kinalalagyan ko ngayon sa puso ni Brix. Masaya ako pero alam kong simula pa lang ito. Marami pang pagsubok na darating. 

Naka abang na sa akin si Rico sa gate matapos kong maghanda para sa pagpasok. Sinalubong ko s'ya ng ngiti. Good mood ako. Kasi nga diba, ang ganda ng nangyari kagabi. 

"Good morning!" Bati ko.

"Aba, maganda gising natin ngayon ah."  

"Halata ba?" 

"Oo naman. Blooming ka kapag ganyang nakangiti ka. Lalo kang gumaganda." Sabi ni Rico. Binobola na naman ako ni Rico. S'ya lang naman itong matyagang nagsasabi sa akin na maganda ako eh. Well, sanayan nalang. "Tara na?"  Pagyaya n'ya. 

Saktong paghakbang namin ng isa ay s'ya namang pag dating ng isang sasakyan na huminto sa harapan namin. Pag bukas ng bintana, Kita ko ang boyfriend ko este ang manliligaw ko. Tiningnan n'ya mula ulo hanggang paa si Rico at medyo napalayo naman ako.

"Sakay na dito." Utos n'ya. 

Nagdali-dali ako sa pagbukas ng pinto sa front seat at sinenyasan ko na rin si Rico na sumakay sa likuran. Mukhang nagtatanong pa si Rico kung anong meron at bigla-bigla akong may sundo. 

"Sinong nagsabi sayong sasakay s'ya dito? Ikaw lang ang sinundo ko kaya ikaw lang ang sasakay." Sabi sa akin ni Brix. Napakatapang kaya napatingin ako sa likuran kung saan nakaupo na si Rico. Nagkatinginan lang kami ni Rico. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. 

"Brad, bingi ka ba? Gusto ko lumabas ka na." Sambit ni Brix. Hindi ako nakapagsalita. Nakita ko nalang si Rico na lumalabas na sa sasakyan at may question mark sa mukha habang papalayo ang sinasakyan namin sa kanya.

When she gets pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon