Chapter 14

1.2K 27 7
                                    

"Pwede ko pa bang panindigan 'yung bata? I was a bit drunk last time kaya nasabi ko 'yung abortion. Sorry!" This time humarap ako sa kanya at tinanggal ko ang pagkaka hawak nito sa braso ko.

"Enough Brix! Nag mukha na akong tanga kakapilit ng sarili ko sayo. I tried to do everything just to let you know that I need you but you rejected me not once.... A LOT OF TIMES! Sorry, pero I don't think na kaya mong panindigan ito. Wag mong pilitin ang sarili mo. Hindi mo ako gusto pati ang batang 'to. Sige, bye!" Sabi ko sabay layo sa kanya. 

"So, sige nga, paano mo bubuhayin 'yan?" Sabi nito bago pa man ako tuluyang makalabas.

"Nakaya ko nga lahat ng ginawa mo sakin, pagbuhay pa kaya sa baby na 'to na blessing sa akin? Wala ka ng pakialam kung paano ko s'ya bubuhayin. Ang sa akin lang, wag mo na pilitin ang sarili mo.  Sige, Thanks sa tulong mo sa amin ni Spark."

"Sige na. Ano bang dapat kong gawin?" C'mon Brix, wag kang magpaawa. I'm not gonna buy it.

"Wala! Naiintindihan mo? WALA! okay?.... Sige, bye!"

Dali-dali na akong lumabas! Shet! Hindi ko kayang tumingin sa kanya dahil baka bumigay ako ng ganon kadali. I know you like him but he needs to do a little effort. Patunayan nitong sincere siya at hindi na nito intensyong ipalaglag ang baby namin. Pumara ako kaagad ng taxi at nagpa hatid sa park para tahimik at malaya kong mailabas ang sama ng loob ko. 

"You Damn Asshole!! Matapos mo akong saktan at durugin ang puso ko ng ilang beses ngayon sasabihin mong handa ka na panagutan ako?! Ano to lokohan? Sa palagay mo ganon kadali 'yon? Matapos lahat ng sakit sa palagay mo tatanggapin kita ng ganon kadali?! I'm done with you! Wag mo na akong gawing tanga! Wag mo na guluhin pa pag-iisip ko. At ikaw namang puso ka, bakit ba kasi ganyan ka? Sumunod ka naman ng maayos sa utak ko oh! Magkadikit kayo, kambal kayo kaya sana magkasundo kayo... Hindi sa isang pagpapa awa n'ya lang ay bibigay ka na. Wag ka namang masyadong mahina! Letcheng puso ka!"

Naka-upo ako sa isang bench. Wala akong paki-alam kung may maka rinig sa akin sa mga pagdadabog ko basta gusto ko ilabas lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong klaseng pighati ang nararamdaman ko ngayon. Dapat matuwa ako kasi sinabi nitong handa na s'yang panagutan ako kaso hindi eh. Hindi ako masaya kasi pakiramdam ko, napaglalaruan na ang damdamin ko.

Naramdaman ko ang isang mainit na palad na humawak sa braso ko kalaunan.

"Gabi na. Umuwi ka na!"  Si Brix ang sumambulat sa akin. Hindi ko alam kung gaano na ito katagal doon basta ang alam ko, ayaw ko s'yang makita. Pinaglalaruan ako ng bwisit na 'to!

"Wag mo akong hahawakan!" Sabi ko sabay tanggal ng kamay nito sa braso ko. 

"Umuwi ka na. makakasama sa kalagayan mo ang magpagabi."

"Wag mo na akong paki-alaman, please!" 

"I said sorry. Ano pa bang gusto mo? Please, give me a chance. That child deserves to have a father. I'm not perfect  but we can work it out. I realized that you deserve to be loved." Sabi ni Brix. Hirap maniwala sa gagong 'to. Ano, papayag na ba ako? No, masyadong mabilis. I need more effort! wag mo akong daanin sa mapang akit mong tingin, Brix! Kung papadala ako sa damdamin ko, sooner or later, masasaktan ulit ako.

"So, you realized? Wow! What a word! Let me ask you this, are you guilty with everything you've done? Tama ba ako? You're just guilty, right? Well, stop that 'cause I can be better without you!" 

When she gets pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon