5: My only evidence

1.9K 27 7
                                    

-Micheal brix Manuel's POV-

"Brix, okay ka lang ba?" Tanong nito. Hindi ako umimik dahil kailangan kong bawiin ang lakas ko pero kinalabit ulit ako nito. This is really pissing me off! Is she really that stubborn? Naiinis na ako sa kakulitan ng babaeng ito at babasagin ko na talaga ang pagmumukha niya.

"Tsk! Ano ba!?" Humarap ako sa kaniya. Nangangati na ang kamao ko at parang gusto ko na itong suntukin pero hindi ko pa man nagagawa 'yon ay unti-unti itong bumagsak sa akin.

What?! Naramdaman ko ang pagsubsob ng mukha nito sa dibdib ko at doon ko napansin ang isang kamaong papalapit sa mukha ko.

"Fuck!"

That was too close pero nagawa ko pa ring iwasan ang suntok na 'yon mula kay raul. Isa sa mga tauhan ni Red na na ngayon ay wala ng malay. Sinamantala nito ang pagkakataon dahil alam niyang may inaalalayan akong babaeng nakasubsob sa dibdib ko kaya sunod-sunod ako nitong tinira ng suntok pero walang tumama.


"Do you think you can really defeat me? You're sick bro. " Asar ko rito.

Mabilis kong kinuha ang shoulder bag nitong tatanga tangang babae at inihampas sa mukha ni Raul. Natamaan ito sa mukha. Kitang-kita ko ang pagngiwi niya at pagkahilo kaya sinamantala ko na ang pagkakataon, binigyan ko ito ng isang malakas na sipa sa sikmura na s'ya namang ikinabagsak nito.

*BOOOGS* Lagabog ng katawan ni raul sa semento. Lahat sila ngayon nakahandusay sa daan pero buhay pa sila. I made sure na hindi sila malalagutan ng hininga. Killing them now would gonna be such a waste of time. I will soon kill them anyway.... with my own hands.

Hawak ko pa rin ang ulo ng babaeng napasubsob sa dibdib ko. She's really stupid for joining the riot without proper thinking. Dagdag pahirap pa tuloy ito sa akin ngayon. Kung bakit ba kasi naisipan ko pang bumalik noong nakita ko siya. Alam ko namang hindi siya gagalawin ni Red pero hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ako nag alala. Binuhat ko na ito at ipinasok sa sasakyan. Pinuwesto sa front seat. I don't have a choice. I can't leave her alone here. Tatanga-tanga pa naman siya.

Pinaandar ko na ang sasakyan at iniwan ang tatlong nakahandusay sa daan. Medyo nakalayo na ako sa pinangyarihan ng gulo pero wala pa rin siyang malay. Why does she need to do such thing? Hindi ba talaga siya nag-iisip? Maybe she's trying to impress me? Well, girls will always be girls.

Saktong liliko na ako sa isang kanto ng marinig ko itong magsalita.

"Araaaay.."Sabi nito habang hinihipo ang batok.

"B-brix?" Tumingin ito sa paligid na tila ba nabigla kung nasaan man siyang lupalop ngayon.

"Mabuti naman nagising ka na at hindi na ako mahihirapang itapon ka sa labas ng kotse ko." Sabi ko sa kanya sabay hinto ng sasakyan."Labas!" Utos ko.

"Huh?" Tanong nito

"Sabi ko labas!"

"T-teka? Ano bang nangyari sakin? Bakit nandito ako?" Tanong ulit nito habang inuusisa ang paligid.

"Will you please shut your mouth and just leave?"

"Are you okay? Ang dami mong sugat. Sino ba 'yung mga yon? Anong dahilan nila para bugbugin ka?" Narinig niya ba ang mga sinabi ko o nagtatanga-tangahan na naman siya? At bakit tinatanong pa nito ang bagay na wala siyang kinalaman? Wala na siyang paki-alam kung sino man sila. Hindi siya parte ng kung ano mang relasyon ko sa mga 'yon.

I'm loosing my temper over this stupid girl. Ang gusto ko lang naman ay lumabas na ito sa kotse ko para hindi ko na makita ang nakakaasiwa niyang pagmumukha. Sapat na pagligtas ko sa kanya kaya wala ng rason para mag stay pa siya sa kotse ko.

When she gets pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon