7: Make him fall-in-Love

1.7K 29 17
                                    

Chin-up, stomach in, Breast out! Naglalakad ako ngayon sa corridor ng school patungo sa canteen. I have to look strong because I'll be facing the devil again.

Ang nangyaring halikan sa harapan ko, HINDI KO TALAGA MATANGGAP! Kung patuloy akong magiging mahina, walang mangyayari sa akin. Magiging matapang ako this time. Matapang ako, paulit-ulit kong sinasabi sa isipan ko just to boost my confidence.

I looked around when I finally reach the canteen. Walang masyadong tao maliban sa ilang babaihan na kausap nila jemson, brent at spark. Where's the devil? Nasaan siyang lupalop naroon? Nagpalingon-lingon ulit ako hanggang sa maaninag na siya ng mga mata ko.

Peste talaga! Earlier he's kissing a woman infront of me and now he's flirting with another woman? Napaka babaero niya.

"Mag-usap tayo!" Sabi ko noong makalapit na ako sa kanila.

Lumingon ito sa akin ng saglit tapos ibinaling muli ang tingin kay abby, ang babaeng kalandian nito. Isa sa kilalang flirt sa school. Tumaas naman ang kilay sa akin ni abby pero ngumiti ulit noong bumalik sa kanya ang tingin ni Brix. Pambihira! I really hate insensitive people.

"Unlimited landian? Dito pa talaga sa canteen?" Sabi ko. I have to sound mataray to get this abby stay away.

"Hey! Anong problema mo, miss? Inaano ka ba diyan?" Sabi ni abby at siya namang pagtingin sa akin ulit ni Brix.

"May pag-uusapan kami ni Brix. May you please excuse us?"

"Teka, kilala mo ba 'tong pangit na 'to, Brix?" Wow! Look who's talking? Akala mo kung sinong maganda. Naremedyuhan lang naman ang mukha niya ng makapal na make-up.

"I'll talk to you later, abb." Mahinang sabi ni Brix kay abby. At inia na inis ako sa ginawa nitong paghaplos sa mukha ni abby.

"Ok, sabi mo eh. See you later!" Nan-irap pa ito bago umalis. Halata namang fake ang pilik mata. Kung ako lang ang mayaman malamang mas maganda pa ako sa kanya.

Noong tuluyan na itong makaalis ay bumuntong hininga ako. Honestly, may takot pa rin akong nararamdaman. Brix is not an easy person. He's a bastard, jerk and a devil. I need to be scared to know my limitations.

"Tatapatin na kita. 'Yung tungkol dun sa ebidensya, wala akong maipapakita sayo but that doesn't mean i'm lying. Una sa lahat, hindi ko ginusto ito lalo na ngayong alam ko na kung anong klaseng pagkatao meron ka. Pangalawa, wala kang karapatang saktan ako. The least you can do is to listen because I'm the one who's suffering here. At pangatlo, wala kang karapatang magsaya habang ako nagdudusa. Panagutan mo itong pinagbubuntis ko sa ayaw at sa gusto mo. May ebidensya man o wala."

I glared at him seriously. Hindi ako kumukurap. Hindi siya nagsalita at hinawakan nalang ako bigla sa braso. Mahigpit ang pagkakahawak and it's hurting me so bad. Hinila ako nito palabas ng canteen.

"You don't know what you're doing. Sa ginagawa mo, hindi lang ikaw ang masisira. Pati ako." Sabi nito.

"Wow! Sa dami ng kinasasangkutan mong gulo, may pangalan ka pa palang iniingatan?" Pang-iinsulto ko.

"That's not what I mean. Hindi mo ako kilala. Hindi mo alam kung ano 'tong pinapasukan mo"

"Kilalang-kilala na kita. Alam ko na kung gaano kabaho 'yang ugali mo." Woaaah! I need a round of applause. Ang tapang ko!

"Pwede ba tigilan mo na 'to?" Sagot ni Brix.

"May choice ba ako? May choice ba ako kung ayaw mo naman akong paniwalaan? Hindi ako titigil hanggat hindi mo 'to kinikilala!" Sabi ko.

When she gets pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon