CHAPTER ONE

16K 234 9
                                    

HINDI maikakaila ang saya ng stepsister ni Micky na si Louise. Bakas sa mukha ang kaligayahan nito. She was glowing like a bride that she was. She will be getting married on Saturday. Sa katunayan ay pangalawang beses na itong ikakasal kay Jaeden—ang asawa nito. Last year ay nagpakasal na ang dalawa thru civil wedding ceremony. Lahat sila sa pamilya ay nagulat nang biglang ianunsiyo nina Louise at Jaeden na naikasal na ang mga ito. Biglaan iyon dahil buntis na pala ang stepsister niya ng mga panahong iyon at agad itong pinanagutan ni Jaeden.

Kulang isang taon na ang nakalipas mula nang makapanganak ang stepsister niya. She had twins, a boy and a girl who were both extremely beautiful. Habang buntis si Louise sa kambal na anak nito ay abala naman si Jaeden sa pagpaplano ng church wedding ng mga ito. Hindi na makapaghintay ang bayaw niya na mapakasalan sa simbahan si Louise. Inasikaso ni Jaeden ang lahat habang ang kapatid niyang si Louise ay abala naman sa pag-aalaga sa kambal at pagbabawas ng na nagdagdag na timbang na nakuha nito sa pagbubuntis nito. Narinig niya ang sinabi nito sa magulang nila na gusto nitong maikasal sa simbahan kapag nakapagpapayat na ito. Ayaw daw nitong magmukhang "fat cow" sa wedding gown nito. Natawa pa nga siya nang marinig iyon. Ngunit heto, maikakasal na ito sa simbahan. She even gained back her figure.

Naala niya kung kailan dumating si Louise sa buhay nila. Sampung taon siya nang magpakasal ang kanyang ina sa ama ni Louise. She was like the sister he never had. Agad silang nagkasundo nito. They were always together. She treated him like her own big brother. Until he crossed that line. Hindi na niya matandaan kung kailan siya nagsimulang makaramdam ng damdamin dito na higit pa sa isang kapatid. Hindi niya maipaliwanag ngunit umusbong ang pagmamahal niya para dito. He knew he was sick in the head for having forbidden feelings for his stepsister. It was a deep dark secret nobody knew about. Hanggang sa hukay ay dadalhin niya ang sikretong iyon.

He was so overprotective of Louise. At siya ang may kagagawan kung bakit nagkahiwalay ang kapatid niya at si Jaeden noon. Nang malaman niya noon na "buntis" ang stepsister niya habang nag-aaral pa ito ay hindi siya pumayag na mapakasalan ito ni Jaeden. Kahit pa gusto ni Jaeden na panagutan si Louise. Pinagbantaan niya noon si Jaeden kapag pinilit nito ang gusto nitong mangyari. At dahil sa ginawa niyang iyon ay nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila ng lalaki. Ayaw niya kasing mapunta ang stepsister niya sa kaibigan niya noong mga panahong iyon. He was so evil for doing that to them. All because he was secretly in love with a girl he could never ever have, because that would be so morally wrong, too taboo.

But seeing how happy his stepsister with Jaeden, he couldn't possibly ruin them. The two were obviously in love with each other. Hindi siya ganoon kasama para gawin na naman sa mga ito ang ginawa niya noon. Nakikita niya kung gaano kalaki ang pagmamahal at debosyon ni Jaeden kay Louise. Wala siyang karapatang saklawan na naman ang buhay ng mga ito. At kung gagawin niya iyon ay natitiyak niyang sasambulat ang maitim na sikreto niya sa lahat. And he was afraid of his secret coming out.

He had wished for many times that all the feelings he had for Louise would all be gone, but time and again, he failed. He was truly sick in the head.

Napabuntong-hininga siya sa lahat nang naisip niya. He needed a smoke so he came out of the house.

"WHAT?" hindi makapaniwalang bulalas ni Micky sa ina matapos marinig ang sinabi nito. Napahalakhak siya matapos makabawi sa pagkabigla. "You've got to be kidding me, mother." Napailing-iling pa siya. Marahil ay talagang binibiro siya nito. Kunsabagay, hindi naman kapani-paniwala ang sinabi nito. She was telling him that he was "betrothed" to the daughter of her best friend. That was beyond funny.

"Hindi ako nagbibiro, ano ka ba?" seryosong sabi ng kanyang ina. Nakakunot ang magandang noo nito. She was already in her fifties and yet she was still beautiful. And she looked even younger than her actual age.

Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015)Where stories live. Discover now