CHAPTER TWO

13.2K 209 6
                                    

"YOU can't be serious with that, daddy! Sabihin mong nagbibiro ka lang!" halos patiling sabi ni Marine Lara sa kanyang ama. Kararating pa lang niya sa kanilang bahay mula sa isang makeup gig niya ay may masamang balita na agad na bumungad sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. That was the silliest thing she had ever heard from her father. Ipapakasal daw siya nito sa anak ng best friend nitong isang Filipina. He said he made a promise to his best friend that when the time comes, their kids got older; they were going to marry-off their kids together. Nang unang marinig niya iyon noong teenager siya ay tinawanan niya lang iyon. They were in the twenty-first century. Hindi na uso ang arranged-marriage sa panahon ngayon. The idea was just plain crazy.

Ngunit sa pagkakataong ito ay seryoso na ang kanyang ama. Mukhang hindi nga ito nagbibiro nang sabihin nito sa kanya kanina na nakatakda siyang magpakasal sa anak ng best friend nitong si Tita Ellen.

Tumingin siya sa kanyang Amerikanang ina na kanina pa tahimik at nakikinig lang sa kanilang dalawa ng daddy niya. "Mommy, please talk to daddy about this," pakiusap niya.

"Oh, honey, I've talked to your dad about this, but he's not hearing it," Wala ring magawa na sabi ng kanyang mommy. Tiningnan nito ang esposo na matalim ang mga mata.

"We've talked about this, darling. I've already explained this to you." Binalingan siya ng kanyang ama. "You are set to marry Ellen's son. May pangako kami sa isa't isa. Sa pagkakataong ito, ayokong baliin ang pangako kong iyon sa kanya," sabi naman ng kanyang ama. Puno ng kaseryosohan ang tinig nito.

"But you're going to ruin my life!" pang-uusig niya sa ama. She couldn't bear the thought of marrying someone she wasn't in love with. Naniniwala siya na ang kasal ay nararapat lang sa dalawang taong nagmamahalan. How could she live a life with a loveless marriage? She never dreamed of having a miserable marriage life. At bata pa siya para mag-asawa. She's only twenty-four. Gumagawa pa lang siya ng sariling pangalan sa larangan na tinatahak niya. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay.

"I'm not going to break my promise with Ellen this time," Determinadong saad ng kanyang ama. Sa hitsura nito ay malabong mabali niya ang gusto nito. But what her father wanted was absurd! Hindi iyon makatarungan para sa kanya!

"Bakit ginagawa n'yo sa akin ito? Bakit hindi na lang si Daniel ang ipakasal n'yo sa anak ni Tita Ellen? Bakit ako pa?" reklamong tukoy niya sa nakatatandang kapatid niya na nasa California—Tanging si Daniel lang ang hindi sumama sa kanila nang mag-migrate sila sa Pilipinas. Her brother was a professional surfer back in the US— Kahit half-American siya at lumaki siya sa bansa ng kanyang ina ay matatas siyang magsalita ng Tagalog. Bata pa lang siya ay naturuan na silang magkapatid ng kanilang ama ng wika nito.

"Walang anak na babae si Ellen . Oh, well, she has a stepdaughter pero may asawa na iyon," sagot naman nito.

"I'm not going to marry that guy, whoever he is!" Ano bang malay niya sa lalaking iyon? Hindi niya kilala iyon. Sa buong buhay niya ay mabibilang lang sa daliri ang mga pagkakataon na nakita niya si Tita Ellen. At kadalasan ay hindi nito kasama ang mga anak nito kapag nagpupunta o nagbabakasyon ito noon sa California. Ngayon nga na lumipat na sila sa Pilipinas, one year ago ay hindi pa niya ulit nakikita si Tita Ellen. Pagkatapos ay gusto ng mga ito na ipakasal silang dalawa ng anak nito nang ganoon-ganoon na lang?

"You will do what I say, Marine. Para ito sa ikakabuti mo. Just trust me. I've always wanted my family to be one with Ellen's family. That was my dream. Kung hindi mo pa alam, iyon din ang pangarap noon ng mga magulang namin ni Ellen. At ako ang sumira do'n dahil..." bumuntong-hininga ito. "I don't even want to get there."

Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015)Where stories live. Discover now