CHAPTER SEVEN

10.8K 196 4
                                    


IT HAD been days since Marla and Micky started their cruise. At sa loob ng ilang araw na iyon ay sobrang nasiyahan si Marla sa pamamalagi nila sa dagat sakay ng yate ng binata. She never thought cruising could be this exciting. They have also been through different islands. And each one of those islands, they visited, she was truly amazed. Sadyang napakaganda pala talaga ng Pilipinas. She was glad that Micky invited her for this vacation.

Ngayon ay nasa Puerto Galera sila. Dalawang araw na silang naroon. Nalibot na nila ang isla at nagawa na rin nila ang ilang recreational activities doon kasama na ang scuba diving. Bago sumapit ang gabi ay nagbalik sila sa yate ni Micky. Nakapaligo na siya at nakapagpalit na rin siya ng damit ng puntahan niya si Micky sa upper aft deck view ng yate nito. Nakapaligo na rin ito. He looked fresh and enticing! Her heart skipped a beat when he smiled at her. Sa tuwing ngingitian siya nito ay ganoon ang laging reaksiyon ng puso niya. Sa katunayan nga, pag nagkakasama sila ay may kakaibang ritmo ang tibok ng puso niya.

"Kanina pa kita hinihintay," anito sa kanya. Like a real gentleman he was, inalalayan siya nitong makaupo sa katabing silya nito. Kapagkuwan ay umupo na rin ito sa tabi niya.

"Thank you." Umayos siya ng upo. May mga nakahain nang pagkain roon para sa hapunan nila. "Ang dami naman nitong ipinaluto mo sa cook mo. May fiesta ba?" biro niya rito. Nalulula siya sa dami ng pagkain na nakahain sa mesa nila. Kompleto sa gamit ang yacht ni Micky at kompleto rin ang stocks nito ng pagkain. May kasama silang cook na siyang naghahain sa kanila ng masasarap na putahe na ang iba ay ngayon lang niya natikman sa buong buhay niya.

Tumawa ito. "Gusto ko na marami kang pagpipilian. Baka mamaya hindi mo pala type ang mga ipinapakain ko sa'yo, bigla mo na lang akong iwan dito. Ang saklap no'n pag nagkataon."

Isa sa mga bagay na nagustuhan niya rito ay ang pagiging attentive nito. She felt like a pampered princess. Bawat galaw niya ay asikasong-asikaso siya ng binata. Kulang na lang ay pati ang pagligo at pagbibihis niya ay alalayan nito. You're one naughty girl, Marla. Ipinilig niya ang ulo upang pawiin ang kapilyahang naisip niya.

"Ang OA mo talaga. Alam mo nang hindi ako gano'n kaarte sa pagkain. Saka ang sasarap kaya ng niluluto ng cook mo," Puri niya sa cook nito. Nakakatakam ang mga pagkain sa harapan nila at hindi niya alam kung ano ang unang titikman. May grilled lamb chops, potato salad, marinated spicy chicken, sinigang na sugpo at kung ano-ano pa.

"I'll tell Mang Ramon about that. Tiyak na matutuwa iyon sa'yo," wika nito na nagsimulang maghiwa ng lambs chops, pagkatapos ay inilagay nito iyon sa plato niya.

"You are making me fat," sabi niya rito nang maisubo ang piraso ng lamb chops na ibinigay nito. Siguradong madaragdagan ang timbang niya oras na matapos ang paglalakbay nila. "I need to hit the gym ASAP once we get back to Manila."

"I think you'd look nice with a few extra pounds," he commented, grinning. Pinisil pa nito ang flat na tiyan niya.

"Oh, shut up! That would be my biggest nightmare." Hindi niya ma-imagine na lumagpas pa siya ng ilang libra sa ideal weight niya. Ang hirap kayang i-achieve ang pang-Victoria's Secret Angel na katawan niya ngayon.

"I can imagine you being plump with a protruding tummy and you would still look lovely in my eyes." Nakakatitig sa kanya na sabi ni Micky. May nakikita siyang kinang sa mga mata nito.

Nasamid siya dahil sa sinabi nito. Hinagilap niya ang cherry iced tea sa mesa at agad na ininom iyon. Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito? Plump with a protruding tummy? Was he imagining her as a pregnant woman? At siya naman ay iniisip na ito ang ama ng ipinagbubuntis niya? Wow! Ang advance naman ng utak mo, Marla. She shook her head to dismiss those thoughts away. Bigla siyang nahiya sa naisip niya.

Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015)Where stories live. Discover now