FINAL CHAPTER

18.3K 501 81
                                    


"NATUTULOG ka pa ba, Kuya?" tanong ni Louise kay Micky nang ilapag nito ang tasa ng kape sa coffee table sa harap niya. He knew he looked restless because he was having sleepless nights lately.

"Nasaan si Jaeden?" tanong niya sa kapatid. Nagtungo siya sa bahay nito at ng asawa nitong si Jaeden sa dis-oras ng gabi.

"Upstairs. Pinatutulog lang ang mga bata. Ano ba ang problema at napasugod ka dito bigla?" Hindi siya ganoon kadalas na bumisita sa mga ito. Kaya ngayon ay nagtataka ito bakit naroon siya.

Kinuha niya ang tasa at humigop ng kape mula roon. "She left me and I don't know where she is."

"Who?" salubong ang mga kilay na tanong ni Louise sa kanya. Umupo ito sa sofa sa tabi niya.

"Marla."

He didn't know what to do anymore. At nais niyang may makausap dahil hindi na talaga niya alam ang gagawin niya. Marla had been consistent in avoiding his calls and ignoring him. Saglit lang siyang umalis ng Maynila dahil may pinuntahan siyang importanteng trabaho sa Zambales, pagkatapos ay hindi na niya alam kung saan na nagpunta si Marla at bigla na lang itong nawala. Ang mga katrabaho nito ay hindi rin alam kung nasaan si Marla. Nagtungo rin siya sa bahay ng Ninong Miguel niya subalit wala rin ang mga ito roon. Nasa medical mission ito at ang asawa nitong si Auntie Bernice. Gustuhin man niyang bulabugin ang mga ito roon ay hindi naman niya magawa. Busy ang mga ito sa medical mission ng mga ito sa Tacloban.

He missed Marla so damn much and he felt miserable.

"I thought you two were okay? She left you, why?" sunod-sunod na tanong ni Louise na naguguluhan.

"May hindi kami napagkaunawaan. Ayaw naman niya akong kausapin para maayos namin sana." Napabuntong-hininga siya.

"Eh, baka naman sinawaan ka na kasi pinapaasa mo yata siya sa wala. Tell me, frankly, Kuya Micky, are you in love with someone else and you're not telling me about it? Kung gano'n ba naman, eh, talagang, iiwan ka ni Marla."

Tinitigan niya si Louise. As he was staring at her, it felt weird that he didn't feel anything like the way he felt for her before when he look at her. Iyon ang isa sa mga rason kung bakit siya naguguluhan noong huling magkita sila nito noong birthday ng kanyang ina. Dati, kapag tinitingnan niya ito at kasama niya ito ay naroon ang pagkabog ng mabilis ng puso niya. Ngunit ngayon, habang kasama niya ito, kausap niya ito at habang nakatingin siya rito ay wala na iyong mga pamilyar na pakiramdam na nararamdaman niya para dito. Isang pakiramdam na alam niyang hindi tama dahil stepsister niya ito.

Niyugyog ni Louise ang braso niya upang kunin ang atensiyon niya. "Kuya?"

"Well..." he straightened himself in his seat. "Once a upon a time, I did. And then I met this girl whom my mother wanted me to marry. She rocked my world and everything has changed." The realization hit him. Ang anumang nararamdaman niya para kay Louise ay nabura mula nang dumating si Marla sa buhay niya. He knew the process did not happen overnight but he was sure in his heart that Marla replaced whatever feelings he had for his stepsister, Louise. He had never missed anyone even Louise, the way he missed Marine Lara. He never felt helpless until Marine Lara. It was strange but he was embracing it wholeheartedly.

Tumayo siya at hinila ang kapatid, patayo. Walang sabi-sabing niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan ang ituktok ng ulo nito. "I love you, Louise. I will always be your brother."

"Ang weird mo, Kuya. Ano'ng nangyayari sa'yo?"

Binitiwan niya ito. He was smiling all over. "You just made me realized something. Thank you! Thank you!"

Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora