CHAPTER NINE

11.1K 199 1
                                    


ILANG linggo na ang nakalipas mula nang makabalik sila sa Maynila. Pagkatapos ng cruise nila ni Micky ay patuloy pa ring silang nagkikita na dalawa. They regularly go on dates, they still kiss, and yes, they still make love whenever they had the chance. Ngunit hindi alam ni Marla kung anong uri ng relasyon mayroon sila. Wala naman siyang naitatanong kay Micky. At wala din silang napapagusapan tungkol sa estado ng relasyon nila. Basta ang alam ni Marla ay masaya silang dalawa sa tuwing magkasama sila. Saka na niya aalamin iyon dito. Kunsabagay ay nagsisimula pa rin lang naman sila. And who knows? Baka nga sa dambana din ang uwi nila.

Tumawag si Micky sa kanya kaninang umaga upang ipaalam sa kanya na susunduin siya nito mula sa venue ng makeup gig niya para sa isang photoshoot sa Pasig na matatapos ng mga alas-sais ng gabi. Ngayong araw ang birthday ni Tita Ellen. Kung hindi lang daw ito pinilit ng mga magulang nito na um-attend sa pagtitipon mamayang gabi ay hindi ito makakadalo. May tinatapos na naman itong proyekto, ang sabi nito sa kanya.

Nakaayos na siya kaya naman nang dumating ito bago sumapit ang alas-sais ng gabi ay agad na silang nagpunta sa mansiyon ng mga magulang nito sa Alabang. Kaunti lang ang mga taong naroon. Immediate family and close friends lang ng mga magulang nito ang present sa okasyong iyon.

Agad nilang nilapitan ang ina nito. Tita Ellen smiled broadly when she saw her.

"I'm so glad you're here, hija," hinalikan nito ang pisngi niya, pagkatapos ay mahigpit siya nitong niyakap. "I told him that I'll strangle his neck him if he didn't bring you here." Tinuro nito si Micky.

Sabay na natawa sila ni Micky sa itinuran ng ina nito. "Happy birthday, Tita. I'm sorry na hindi po makaka-attend sina Daddy. Nasa California po sila ngayon," magalang na sabi niya kay Tita Ellen kapagkuwan ay inabot niya rito ang regalo niya para dito at sa asawa nito. Binisita ng mga magulang niya ang nakatatandang kapatid niya na hanggang ngayon ay naka-base pa rin sa California.

"Oo. Nasabi na sa 'kin ni Miguel 'yan. I understand, Marine." Pinisil ni Tita Ellen ang braso niya.

"Happy birthday, Ma," bati ni Micky sa ina, saka hinalikan ang pisngi nito.

"Thanks, hijo."

"Mommy!"

Naagaw ang atensiyon nila sa magandang tinig na iyon. Nagliwanag ang mukha ni Tita Ellen nang makita ang babaeng papalapit sa kanila na buhat sa mga braso nito ang isang batang babae na sa tantiya ay nasa edad na isa. Hindi siya maaaring magkamali. It was Tita Ellen's stepdaughter, Louise.

Nang makalapit si Louise sa kanila ay agad na kinuha ni Tita Ellen ang apo nito at pinupog ng halik ang pisngi. "My, my! You're so gorgeous just like your mom!" Nakangiting sambit ni Tita Ellen sa apo nito. Humagikgik lang ang bata na halatang sabik din na makita ang lola. "Nasaan si Lucas?"

"Naroon kay Jaeden. 'Ayun, hinarang ni daddy. Happy birthday, mommy. I forgot to bring your birthday cake. Si Jaeden naman kasi," nakangusong sabi nito.

"Ikaw talaga. Sinisi mo na naman ang asawa mo," ani Tita Ellen kay Louise.

"Masyado naman kasi siyang nagmamadali. Nakalimutan ko tuloy bitbitin. Hindi na ako magkanda-ugaga sa kambal," wika naman ni Louise.

"Hayaan mo na," sabi ni Tita Ellen.

"But I made it extra special for you," wika pa ni Louise.

"Puwede mo namang ipadala sa akin bukas iyon."

"Okay." Mayamaya ay napatingin si Louise sa direksyon niya na tila noon lang siya nito napansin. Namilog ang mga mata nito habang nakakatitig sa kanya. "Oh, gosh!" Nilingon nito ang stepbrother nito na tahimik lang sa tabi niya. "She's Marine, right, Kuya?" nahimigan niya ang excitement sa tinig nito.

Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015)Where stories live. Discover now