Chapter 1

28.7K 731 146
                                    

CHAPTER 1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 1

Zyra.

Tahimik akong nakatulala pagkatapos kong basahin ang isang romance book na pinahiram ng kaklase ko. Happy ending iyong book at nakatuluyan nung babaeng bida iyong lalakeng crush niya. Bigla akong napaisip sa crush ko. Matalino at gwapo kaso isnabero. There are only two girls who managed to get close with him and they are Sam and Jane. Iyon yung dalawang babaeng kina-iinggitan ko dahil laging nasa kanila ang atensiyon ni Allen. Minsan nga iniisip ko, may karapatan ba akong mag-selos sa kanila? I'm just a nobody for him.

"Zyra! Labas na magpra-practice na tayo!" tawag sa akin ng ka-group ko. Ka-group ko rin si Allen sa role play at siya ang magre-record sa voice over namin dahil siya rin mismo ang leader ng grupo na kinabibilangan ko. Palibhasa ay rank 1 sa klase kaya siya lagi ang lider sa tuwing may group work. Taga-pagbasa kasi ang role ko. 

"Wait lang!" sigaw ko mula sa loob ng klasrum.

Agad akong tumayo at nagsuot ng shoes. Iyong teacher kasi namin pinapatanggal pa ang shoes para hindi madumihan ang bagong floorwax na sahig ng klasrum. Typical public school.

Nakita ko siyang naka-upo roon. Nakakunot ang noo niya habang nakatanaw sa akin. Ayaw niya na naghihintay. Hindi ko rin naman siyang paghintayin kaya lang pinaayos ko pa ang buhok ko kay baklang Carl para naman maging maayos ako kapag kaharap ko na siya.

"Ba't ang tagal mo?" Iritadong bungad nito sa akin. Napangiwi naman ako. Sabi na nga ba at lagot na naman ako. Mainipin kasi si Allen.

"A-Ano kasi, inayos kasi ni Carl yung buhok ko kanina. Sorry." Utal kong sagot at napansin ko ang masamang tingin sa 'kin ni Sam. Wala pa akong ginagawa ah? Pinag-iinit na naman ng babaitang 'to ang dugo ko. Ramdam ko talaga na ayaw niya sa akin and the feeling is mutual.

"Bakit ganyan ang ayos ng buhok mo? Ginagaya mo yung hair style ko noh?" Napairap ako sa kaartehan niya. Si Carl kaya ang nag-ayos sa akin at malay ko ba na parehas kami ng style ng braid ngayong araw. Hindi ko nga napansin na parehas pala kami ng hairstyle ngayon.

"FYI hindi kita ginagaya at si Carl ang nag-ayos sa akin kaya malay ko ba na magiging magkaparehas tayo?" sagot ko na lamang kahit na nag-iinit talaga ang dugo ko sa babaeng ito! Kung hindi lang siya kaibigan ni Allen, papatulan ko talaga siya. I can't tolerate her attitude. Masiyado na siyang sumosobra minsan.

"Tsk. Ginaya mo pa rin." For the second time umirap ako muli at hinarap na siya.

"Aba! 'Wag ka sa akin mag-reklamo, doon ka kay Carl. Siya ang nag-ayos sa akin. Sa kaniya mo tanungin bakit ginaya niya 'yong hair style na katulad ng iyo." napasimangot na lang ako at ganun din siya. Nag-angat pa ng kilay sa akin. I always admired her kilay pa man din dahil makapal iyon mas makapal pa sa pagmumukha niya. Pero kapag nagagalit talaga siya o naiinis, nagiging angry bird ang dating ng mukha niya sa akin.

"Hmp."

Pinabayaan ko na lang siya. Ayoko ng pumatol. Spoiled brat kasi siya at dapat lang na masanay ako sa ugali niya.

Crush Kita! [✔]Where stories live. Discover now