Chapter 4

14.5K 575 39
                                    

CHAPTER 4

ZYRA.

Habang nag-aayos ako ng kuwarto ay nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ng kuwarto ko.

"Pasok lang po!" Alam kong si Mama iyon.

"Oh anak, ayaw mo ba na lumabas ng bahay ngayon para sumama kila Alyssa o kaya naman sa kaibigan mong si Maureen?" Tanong sa akin ni Mama.

"Ah, oo nga po pala pupunta ako kila Alyssa ngayon." Sabi ko ang alam ko kasi manonood kami ng movie ngayon sa bahay nila.

"Sige tumayo ka na riyan at magbihis. Aalis kasi kami ngayon kaya tinanong kita kung may pupuntahan ka." Sabi sa akin ni Mama. Mamimili pala sila ngayon sa grocery kasama ang kapatid kong si Nika.

Haist! makapagbihis na nga!

Alyssa.

Nandito ako ngayon sa bahay at naghihintay para kay Zyra. I think humaba na naman tulog ng babaeng iyon. Tsk. Tinulugan na ata ang plano namin ngayon na manood ng movie.

Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko. Wait this is not my phone. Tsk. Nadala ko ang twinkle-twinkle na cellphone ni Maureen. Ano ba yan?! Twinkle-twinkle dahil nagsisira na ito, patay sindi ang led ng screen. Pang-mahirap. Tsk.

Tiningnan ko kung sino ang nagtext.

From: Zyra

Papunta na ako guys :)

Ayos! Papunta na pala siya. Ilang minuto pa ay nakarinig na ako ng pamilyar na boses na nagmumula sa labas ng bahay.

"Good morning, Tita. Si Alyssa po?"

OMG. Nandiyan na yata si Zyra.

Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Zyra at kausap ni Mommy.

"Zyra!!!" Tawag ko sa kaniya at niyakap siya. Miss ko na kaya 'tong bestfriend ko. Kahit na two days pa lang kaming hindi nagkikita.

"Na-miss kita best!" Sabi ko sa kaniya at pinaupo na ito.

"Yaya! Kuhanan niyo nga po kami ni Zyra ng pagkain. Thank you po!" Utos ko kay Yaya Manang. Ngumiti lang ito kagaya ko at nagtungo sa kusina para kumuha ng meryenda para sa amin.

Tiningnan ko naman si Zyra.

Bakit ganun parang ang lungkot ng aura niya? Parang heartbroken na naman.

"Uy!" Tawag pansin ko sa kaniya pero nakatulala pa rin siya.

Bigla ay napangiti ako nang may maisip akong ideya. Isa lang ang pangtanggal
ng tulaley nito eh.

"HALA! OMG! BINIBISITA TAYO NI ALLEN OH! AYAN NA SIYA OH! GOSH! ZYRA!" Sigaw ko para makuha ko atensiyon niya kahit na pakiramdam ko ay sumakit lalamunan ko sa pagsigaw.

"WEH! ASAN?!" Muntik na akong matawa nang malakas dahil sa reaksyon niya. Ang Epic.

"HAHAHA!" Hindi ko mapigilan ang tawa ko habang nakatingin sa kaniya.

"Oh! ba't ka tumatawa?" Inosenteng tanong niya sa akin habang lumilingon at hinahanap si Allen. Aba't naniwala nga ang bruha!

"Easy. Joke lang iyon, best. Upo na. Napunta na naman kasi sa outer space yang utak mo." Natatwa pa rin na sabi ko sa kaniya.

"Haist. Akala ko naman totoo." Nakapangalumbabang sabi niya.

"Tsk. Bakit ba ang lungkot mo, Zy?" Maayos na tanong ko sa kaniya.

"Aly, alam mo naman na maganda naman talaga ang simula namin noon ni Allen 'di ba? 'Cuz' na nga ang turingan namin noon tapos nasira pa." Malungkot na sabi niya. Hindi ko tuloy maiwasan na alalahanin iyong mga araw na sinasabi niya.

[ Flashback]

"Tsk . Kabayo." Aba't nakaka-inis 'tong Allen na 'to ah! Tinawag ba namang kabayo 'tong bestfriend ko?!

"Hoy! Ako ba iyon?" Tanong ni Zyra sa kaniya.

"Absolutely! Meehh." Nang-aasar na sabi nito at ginaya pa ang tunog ng isang kabayo.

"The hell..." bulong ni Zy alam kong pikon 'yan eh.

Pero ewan ko ba at parang may sumapi sa kaniya at sinabing,"Teka, bagay pala sa'yo ang huni ng kabayo kaya simula ngayon .' Cuz' na kita. Cuz kong kabayo!"natutuwang sabi nito.

"Kabayo? What?! Me kabayo?!" Naiinis na sabi naman ni Allen sa kaniya.

"That's right! Narinig mo naman 'di ba?" Nakangising sabi ni Zy sa kaniya bago ako hinawakan nito.

"Sige mauna na pala ako 'cuz'" Tsk, lagot pinagdiinan pa nito ang salitang 'cuz'. Wala namang nagawa 'tong si Allen kundi magpigil ng inis dahil iyong pang-aasar niya kay Zyra ay naibalik din sa kaniya.

[END OF FLASHBACK]

Then since that day parang naging close na sila ni Zy at ito namang si Zy nahulog na pala sa bitag ng isang Allen Garcia. Tsk. Napapailing na lang ako sa tuwing naaalala ko iyong history nilang dalawa. Sana naman may pag-asa pa 'tong si Zy kawawa naman pero naniniwala rin ako na baka. Baka lang naman! Baka may ibang nakalaan para sa kaniya pero kung sila talaga, may magagawa pa ba ako? Isa lang naman akong diyosa na ibinaba sa lupa.

Wushu! Ang hangin dito!

"Don't worry Zy, everything will fall back in the right places---wait, tama ba ang grammar ko?" Pagbibiro ko sa kaniya at sumilay na muli ang ngiti sa labi nito.

"Hindi ko alam pero best, thank you sa pag-aalala at pagpapatawa sa akin ha? Leb nemen kete eh." Sabi niya sa akin . Ayan na naman ang 'e' niya tuwing nagpapabebe siya!

"Tsss, tigilan mo ako sa 'e' mo nanaman ha? Ayoko!" Inis na sabi ko.

Tumawa naman siya.

A day with with her is never boring. Masaya ako na nakatulong ako para kahit papaano ay pasayahin siya ngayon.

Sabi nga sa isang quote:

Minsan hindi mo na kailangan ang 'lovelife' basta may mga baliw kang kaibigan.

At ako ang isa sa mga baliw na kaibigan ni Zyra. I will always stay with her.

Crush Kita! [✔]Where stories live. Discover now