Chapter 6

9.9K 454 200
                                    

CHAPTER 6

ZYRA.

Sa tingin ko ay may punto naman si Carl. Siguro wala namang masama kung ipapaalam ko rin kay Allen na gusto ko rin siya. This time mas formal na.

Andito ako ngayon sa labas ng library at nakatingin nang malayo kay Allen. Mahilig talaga siyang tumambay dito. Dati library rin ang gustong-gusto kong puntahan. Pero habang lumalaki ako nagbabago rin ang gusto ko, madalas nasa mall na ako lagi nagsho-shoping. Charot! Wala akong pera. 'Di bale na lang kapag kasama namin si Maureen . Kilala iyon bilang bank acount ng grupo namin. Spoiled kami sa lagi niyang panlilibre sa aming magkakaibigan.

"Zy!" Lumingon ako at nakita ko si Jelo. Anong ginagawa niya rito? Tiyaka ngayon lang naman ako nito pinansin ng kusa.

"Bakit?" Nakakunot ang noo na tanong ko sa kaniya.

"Ah, nasa iyo ba iyong libro ni Maureen?" Ah Iyong The Four Bad Boys and Me pala!

"Ito oh! Magbabasa ka na naman ba?" Tanong ko sa kaniya kahit obvious na ang sagot nito sa tanong ko.

"Hindi, tutunggain ko itong libro nauuhaw kasi ako." Pamimilosopo niya sa akin kaya piningot ko iyong tenga niya.

"Arauch!"

"Oh ano? Mamimilosopo ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya at diniinan pa ang pagkakahawak sa tenga nya.

"HINDI NA!" Sigaw niya at doon ko binitawan ang namumula na niyang tenga. Wawa naman itong si bestfriend Jelo.

"Tsk. Bahala ka na nga! Aalis na ako!" Sabi niya at naglakad na palayo. Ay, pikon talaga as ever!

Muli kong tiningnan ang upuan kung nasaan kanina si Allen pero---WALA NA SIYA.

Ah! Nakakainis talaga minsan si Jelo! Wrong timing naman eh!

Ano kayang gagawin ko? Wala na siya! Dahil wala naman na siya, nag-isip na lamang ako ng paraan kung paano ko ba sasabihin sa kaniya na gusto ko siya.

Kumuha ako ng papel sa bag ko iyong mabango. Ano bang isusulat ko rito?

Dear Allen,

Matagal na kitang gusto-

What? Ang pangit! Paano ba?

Dear Allen,

Aamin na ako sa'yo!

Ang baduy!

Dear Allen,

Alam kong ayaw mo sa aki-

Natigilan ako sa pagsusulat nang may bumangga sa akin.

"Paharang-harang ka kasi!"

Namilog ang mata ko dahil natagpuan ko ang sarili ko na nasa harap ni Allen. Hindi ako makapagsalita ngunit nang mahimasmasan ako ay tinago ko sa likuran ko ang papel na sinusulatan ko kanina.

"A-ahh, sorry!" Utal na sabi ko sa kaniya sa sobrang kaba.

Tinulungan niya akong tumayo.

"Sa susunod mag-ingat ka. Huwag sa gitna ng hallway gumawa ng katangahan tutal pwede namang sa room 'di ba?"

Napasimangot ako sa sinabi niya. Katangahan ba ang gustuhin siya na makita para mag-confess ng feelings?!

"Ako tanga?" Naiinis na tanong ko sa kaniya.

"But---tsk sorry, hindi rin kasi kita napansin kanina eh. So bye!" Nagmamadaling sabi niya. Akmang aalis na sana siya ngunit pinigilan ko siya.

"Allen, pwede ba tayong mag-usap bukas kung free ka?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya.

"What time?" Totoo ba 'to? Pumapayag siya?

"After class." Sagot ko ngunit hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Nahihiya at the same time kinakabahan kasi ako.

"K."

Yun lang ang sinabi nya at umalis na.

Hanggang ngayon nakatulala pa rin ako.

Hindi kasi ako makapaniwala na pumayag siya na makipagkita sa akin.

Allen.

Kanina ko pa iniisip kung ano iyong kailangan ni Zyra sa akin. Mukhang kinakabahan kasi siya kanina kaya hindi ko maiwasan na alalahanin iyong ekspresiyon ng mukha niya habang kaharap ko siya.

"Dude!" Napatingin ako kay JP, one of my friends.

"What?" Tanong ko agad sa kaniya. Mukhang natataranta kasi siya.

"Si Sam na sa ospital! Inatake daw siya ng asthma kanina!"

Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"What?! Saang ospital daw?!" Nag-aalalang tanong ko. Sam has a weak heart. Kaya mabigat rin sa loob ko ang pag-reject ko kaninang umaga sa kaniya. I know almost everything about her dahil magka-babata kami.

"Come on, sumabay ka na lang sa akin." Nagmamadaling pumara si JP ng taxi at sumakay kaming dalawa roon.

"Hell bro! Hindi ko alam kung ikaw ba ang tamang sisisihin ko sa nangyari eh." Hindi ko maiwasang mapalingon dahil sa sinabi niya.

"Dude, alam mo naman 'di ba? Hindi ko siya gustong paasahin. May gusto akong iba." Mariin na katuwiran ko sa kaniya.

"Naiintindihan ko, Allen pero subukan mo naman na piliin ang mas nangangailangan sa'yo. Mas malalim ang pinagsamahan natin nila Sam."May bahid ng inis na sabi niya sa akin.

Kinalma ko ang sarili ko at pilit isiniksik sa utak ko na intindihin ang galit ni JP ngayon. Buhay ng pinsan niya ang nakasalalay dito.

"Please Allen, Sana maintindihan mo rin ako. Sam needs you more than 'her'." Napahawak na lamang ako sa sintido ko.

"Once na may mangyari sa kaniya na hindi maganda. Allen, wala ka ng choice kundi piliin siya. This is for her own sake at kapag nangyari iyon baka sakaling makamove-on na rin sa'yo iyong pinsan ko. If you can't give her a chance, just give her your time." Napatiim-bagang na lang ako sa sinabi niya.

"Si Sam, kaibigan lang ang turing ko sa kaniya."

Huminto ang taxi sa harap ng ospital at sabay kaming bumaba ni JP.

"Huwag na 'wag kang gagawa ng ikasasama ni Sam, Allen. Dahil kung hindi, kakalimutan ko na mag-kaibigan tayo." Iyon ang huling sinabi niya at dali-dali na siyang pumasok sa loob ng ospital.

Damn it!

Sumunod nalang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa room ni Sam. Dahan-dahan na binuksan ni JP ang pintuan ng kwarto ni Sam bago kami pumasok.

"Hi, Insan!" Masayang bati ni JP.

Ngumiti naman ito sa kaniya at kumislap ang mata nito nang makita ako.

Sam is a good and sweet person for real. Kaya lang hindi talaga s'ya ang gusto ko eh.

"Hello, Sam." Nahihiyang bati ko sa kaniya.

"And sorry about..."

"No need to say sorry Allen dahil mas sumisikip iyong dibdib ko habang nagso-sorry ka eh." Aniya at ngumiti nang mapait sa akin.

"Sam, sana maintindihan mo." Sabi ko sa kaniya ngunit umiwas lamang siya ng tingin mula sa akin.

"Allen, hayaan mo naman ako na maging selfish." Sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"What do you mean?"

"Ako na lang ang gustuhin mo. Huwag na siya." Pakiusap nito. Nakikita ko ang sakit sa mga mata niya.

"You know the answer, Sam. I can't."

"Allen, are you really going to choose that girl over someone who's been there for you for years?" Mariin na sabi sa akin ni JP.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Should I just forget her and like Sam instead?

I'm sorry, Zyra.

Crush Kita! [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon