Chapter 2

15.4K 614 113
                                    

CHAPTER 2

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

CHAPTER 2

Zyra POV.

Yes! Tapos ko na 'yong activity! Sobrang hirap naman nung algebra problem na 'yon. Nakakabanas talaga si Sir. Konting-konti na lang sasabog na ata ang utak ko kakaisip ng sagot doon. Bakit kailangan pa kasing hanapin si X at magtatanong pa ng Y? Matalino naman ako noong elementary sa math kaso noong high school nagkanda-buhol-buhol na ata iyong mga ugat ko sa utak dahil hinaluan ng alphabet iyong numbers.

Tumingin ako sa paligid para hanapin si inspiration. Napangiti ako nang makita siya sa puwesto niya.

Spotted.

Ayun siya! Kaya lang kasama niya si Sam. Lagi na lang silang magkasama? Bakit ba kasi seatmate pa sila? Hindi ko tuloy maiwasang mainggit kay Sam. Ang swerte niya eh, siya na lang ang laging napapansin ng crush ko.

At eto na naman ako, nakasimangot.

"Uy Zyra, si Allen may sakit." sabi sa akin ni Trix isa sa mga kaklase ko pero 'di ko naman siya ka-close ang alam ko kasi famous siya at minsan lang siya namamansin.

Hindi na ako nagtaka ng biruin niya ako, alam naman kasi ng buong klase na may gusto ako kay Allen. Hindi naman ako nahihiya, mukhang wala naman kasing pakialam si Allen kung may gusto ba ako sa kaniya o wala.

Tumingin naman ako muli sa puwesto niya. Napansin ko nga na medyo masama ang pakiramdam niya namumula ang tenga at ilong niya. Parang may kumurot sa puso ko nang makita ko kung paano haplusin ni Sam ang buhok niya. Bakit niya ginagawa iyon? Bakit hinahayaan lang ni Allen na hawakan ni Sam iyong buhok niya?

What if ako yung na sa kalagayan ni Sam? Mukhang ang swerte niya kasi eh. Ni minsan ay hindi ko pa nasubukan na lumapit kay Allen ng walang halong kaba na baka hindi niya ako pansinin. Minsan kakausapin ko pa lang siya ay nakakunot na ang noo nito sa akin kaya pakiramdam ko ay hindi nito gusto ang mismong presensya ko.

Umiwas ako ng tingin.

Crush pa ba 'tong nararamdaman ko?

Parang sa tingin ko, hindi na eh. May nagkaka-crush ba na nasasaktan?

Dumukdok ako sa lamesa ko.

"Papel mo."

Napaangat ang tingin ko sa pamilyar na boses na yun.

"Ay thanks." sabi ko at inabot ang nalaglag kong papel sa sahig galing kay Jelo.

"Anong nakain mo ngayon? Mukhang mabait ka ngayon eh." may halong pang-aasar na sabi ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at naglakad na siya pabalik sa upuan niya.

Si Jelo ang lagi kong inaasar sa room. Wattpad adik rin kasi ang loko pero lalakeng-lalake. Hindi man niya ako kinakausap lagi, magaan naman ang loob ko sa kaniya. Hindi kasi basta-bastang gumagaan ang loob ko sa karaniwang lalake at lagi kong nilalagyan ng barrier ang sarili ko mula sa kanila. Ang hirap ma-involve sa kanila na parang laging gulo ang hanap.

Napangiti ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Bakit hindi na lang si Jelo ang crush ko?

Pero siyempre malabo iyon. Sumimangot ako at muling dumukdok sa desk ko.

Naniniwala ako na kailangan mo rin mag-move on para makalimutan si crush kahit na ba hindi naging kayo. Hindi ko namalayan ang oras at break time na pala. As usual nasa tambayan kaming magkakaibigan.

Iyong malaking puno sa likod ng klasrum ang tambayan naming tatlo. Dito kami madalas magkwentuhan about sa pagiging fangirl namin ng iba't ibang kpop group. Kwentuhan tungkol sa mga binabasa naming libro, palitan ng kwento ng moments with crush at minsan dito rin kami nagsasagawa ng group review. Mahalaga sa aming magkakaibigan na ma-maintain namin ang honor namin sa klase. Oo mukhang pasaway at loko-loko kami pero dahil belong kami sa first section ng batch namin kailangan naming mag-aral nang mabuti.

Nilibot ko ang paningin ko sa maaliwalas na paligid. Parang property na namin itong puno simula nang maging estudyante kami ng Garcia Academy. Kaming magkakaibigan lang ang madalas dito kaya gustong-gusto naming pumunta tuwing break.

"Naka-ready na ba kayo sa performance next meeting?" Tanong ni Carl.

Napahagikhik naman ako. "Sa mga lalake ang grupo mo 'di ba?"

Napahalukipkip naman siya. Walang magawa si Carl dahil ang klase ay hinati sa dalawang grupo kung saan hiwalay na grupo ang mga lalake sa babae. Kailangan naming umisip ng kanta na ipeperform namin. Ang twist ay dapat maging entertaining ito sa Music Teacher namin.

"Sino kasali sa lead vocals ng group niyo?" Tanong ni Carl.

Sabay-sabay kami nila Maureen na tumikhim.

"Tatlo kami siyempre kasama sila Michaella." Proud na sabi ni Alyssa.

Ngumiwi si Carl. "Napaka-talented niyo naman."

Natawa na lamang kami sa kaniya. Mukhang labag na labag pa sa kaniya na sabihin iyon.

"Pero alam niyo, aanhin ang talent kung hindi naman kayo crush ng crush niyo?"

Sinamaan ko ng tingin si Carl at hinampas ito ni Maureen.

"May problema ka ba sa amin?" May kasamang pagbabanta na tanong ni Maureen kay Carl.

Sumusukong umiling ito at nagbigay ng naiilang na tingin. Kahit ako takot kay Maureen kaya dapat lang rin na matakot siya.

"Good." Nakangising sabi ni Maureen at tumango-tango pa.

"Hayst, basta surprise iyong performance namin!" Ani ni Alyssa.

Crush Kita! [✔]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora