Chapter 7

9.8K 509 146
                                    

CHAPTER 7

Zyra.

To: Allen

Hi! Sa park na lang tayo magkita, pwede?

SENT

I'm wearing my favorite pink dress. Hihintayin ko si Allen mamaya sa park. Sobrang kinakabahan ako.

Nagmumuni-muni ako sa loob ng kuwarto nang marinig ko ang marahang katok na nagmumula sa pintuan.

"Pasok."

"Hello, Zy!" Nagulat ako nang makita ko si Lance. Siya ang kababata ko at ang boy bestfriend ko!

"Bestfriend, napadalaw ka?" Masayang salubong ko sa kaniya na nagpalawak ng ngiti niya sa akin.

"May lakad ka ba, Zy? Ganda ng ayos natin ah!" Pambobola niya sa akin.

Namula naman ako dahil doon. Minsan lang kasi ako purihin nitong si Lance kaya pagbigyan na.

"Tsk! Binobola mo ako Lance eh pero salamat." Sabi ko sa kaniya at hinampas nang bahagya.

"Pero saan ka nga pupunta, Bestfriend?" Tanong niya ulit sa akin. Unli rin kasi ito minsan eh.

"Ah pupunta ako sa park mamaya dahil may usapan kami na magkikita kami ni Allen." Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mga pisngi ko sa sinabi ko. Feeling ko kasi ang swerte ko dahil maya-maya lamang ay makikita ko na ang lalake na gusto ko.

"Allen? Iyong crush mo?"

"Oo nga. Kulet!" Sabi ko sa kaniya. Biglang nawala ang ngiti sa labi nito ngunit sandali lang ay bumalik na ulit ang masayang mukha nito.

"Ganun ba? Bakit kayo magkikita?" Tanong niya ulit sa akin.

"Magco-confess na ako sa kaniya, Lance."

"WHAT?! IKAW ANG MAGCO-CONFESS SA KANIYA?!" Gulat na tanong niya sa akin. Agad ko namang tinakpan ang bibig niya. Nakakahiya! Baka narinig nila Mama sa baba.

"Tsk. Huwag kang maingay." Suway ko sa kaniya at tumango naman siya.

"But seriously, ikaw talaga ang magtatapat sa kaniya?"

"I need to take the risk, Lance." Paliwanag ko sa kaniya.

"Lance, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya dahil natahimik siya.

"I'm fine, don't worry about me." Ngumiti pa siya para lang ipakita sa akin na ayos lang talaga siya.

"Pero Lance, kinakabahan ako."

"Bakit naman?"

"Natatakot akong ma-reject katulad ni Sam." Iyon ang totoo. Kung si Sam nga na one of his closest friend nagawa niyang i-reject, ako pa kaya?

"Akala ko ba 'you will take the risk'? Eh ba't parang susuko ka na? Alam mo bestfriend sa love, hindi maiiwasan ang masaktan. Walang love na puro pasarap lang at higit sa lahat walang FOREVER." Napailing na lamang ako sa huling sinabi niya.

"Kasi bitter ka?" Pang-aasar ko sa kaniya.

"Pano naman ako magiging bitter? Kung alam ko sa sarili ko na in love na rin ako." Doon ako napatingin dahil sa sinabi niya.

"What? In love ka na best? Bakit hindi ako updated?" Kunwaring tampo ko sa kaniya.

"Hindi mo na kailangang malaman dahil wala naman akong pag-asa sa kaniya. She's madly in love with the other man. Walang pag-asa na mapansin niya ako dahil katulad mo, isang kaibigan lang rin ang turing niya sa akin." Nalungkot naman ako sa sinabi ni Lance dahil alam kong minsan lang rin ma-inlove ang taong tulad niya tapos complicated pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crush Kita! [✔]Where stories live. Discover now