Prologue

20.9K 429 21
                                    

******

Huhuhu... sob... Huhuhu... sob

Iyak at hikbi ng sampung
taong gulang na batang babae, patalon-talon pa ito habang pilit
na iniaabot ang laruang manika
sa batang lalaki.

"Ibalik mo sakin yan dugong,
iyan nalang ang naiwang alaala
ni inay sa akin."

Pag mamakaawa ng batang
babae habang pilit na iniaabot
ang laruang manika.

Pero imbes na maawa ay
Ngumisi lamang ito, alam nya
kasi na hindi naman ito maaagaw sa kanya.

"Kapag naabot mo tsaka ko palang ibibigay sayo itong pangit mong manika pero
kapag hindi itatapon ko ito
sa kanal." Malakas na sigaw
nito.

Pasalampak na lang na napaupo ang batang babae sa damuhan, alam kasi nya na gagawin talaga ito ni dugong, kilalang bully kasi ito sa kanilang lugar.

Nawalan na sya ng pag asa na makukuha nya ang pinaka mamahal nyang manika, pikit mata nalang nyang kukunin ito
sa kanal oras na maitapon na ito
ni dugong.

Nagulat sya ng may bigla na lang sumulpot sa likuran ng
batang lalaki at hinablot nito ang hawak-hawak na manika sa kanang kamay nito.

"Sa susunod humanap ka ng
kasing laki mo," sabay batok.

Galit na humarap ang batang
lalaki sa batang bumatok sa ka nya,
at laking gulat nito ng napag sino
kung sino ang batang yon.

Sa hindi malamang dahilan ay
patakbo nitong nilisan ang lugar, muntik pa nga itong madapa dahil
sa pag mamadali. Pinag masdan
naman ng dalawang batang babae
ang papalayong si dugong.

Dahan-dahan namang nag lakad palapit ang batang misteryosa sa batang umiiyak, habang hawak-hawak nito ang manikang kinuha nya sa batang lalaki.

"Sayo yata to?" sabay abot ng manika sa batang umiiyak..

Nag mamadali naman na nag pahid ng luha ang batang babae, humihikbi pa ito habang nakaharap sa batang babae na nag tanggol sa ka nya.

"Salamat buti nabawi mo itong si jennifer ko bigay pa kasi ito ng
nanay ko noong nabubuhay pa sya."
Sabi ng batang kanina lang eh umiiyak.

Nakatingin lang ang batang misteryosa sa batang nasa harapan nya. Hindi nya maiwasang mahabag dito kung tama ang dinig nya ay wala na itong ina.

Habang nag tatagal ang tingin nya
sa bata hindi nya maiwasang hindi
titigan ito, napansin nyang napaka ganda ng mukha nito, mayroon itong pino at maputing kutis, maitim at magandang hibla ng buhok, kulay bughaw na mga mata, makapal at malalantik na pilik, maliit at mapupulang mga labi at katamtamang tangos ng ilong, idagdag pa dito ang napaka amo nyang mukha.

Bumalik lang ang batang misteryosa
sa katinuan ng marinig nyang.

"Hoy Bata!"

Sigaw ng batang babae na kanina pa pala sya kinakausap,

"Kanina kapa tulala dyan, ganon
ba kapangit ang mukha ko kapag umiiyak?" sabay labi ng batang babae,

Napa ngiti naman ang batang misteryosa, dahil kitang kita nya ang kainosentihan ng batang kaharap nya.

"Salamat nga pala sa pag tatangol
mo sa akin kanina laban kay
dugong, ang tapang tapang mo,
ilan taon kana? Ako kasi sampu na."
Dere-derechong  sabi ng batang babae,

"Anong pangalan mo? ako si clang clang."

"Ako si Gwen mas matanda ako
sayo ng dalawang taon ka age mo
ang baby brother ko.." Sabi ng
dalagitang si Gwen.

"Huwag ka na nga pala mag alala
kay dugong hindi kana nya gagambalahin sa susunod pangako yan,"

******

Simula ng araw na yon, lagi ng nag kikita ang dalawa, masaya silang
nag tataguan o kaya nama'y habulan, naging masigla si clang-clang, simula ng makilala nya si Gwen.

"Bakit  takot nga pala sayo si dugong?

Tanong ng batang si clang-clang isang hapon habang naka upo sila sa damuhan at kumakain ng sorbetes.

"Anak sya ng katiwala namin sa bahay bakasyunan," sagot ni Gwenhabang dinidilaan ang sorbetes na nag sisimula ng matunaw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Anak sya ng katiwala namin sa bahay bakasyunan," sagot ni Gwen
habang dinidilaan ang sorbetes na
nag sisimula ng matunaw.

"Oo nga pala nag babakasyon ka
lang dito sa Bulacan, kelan ang balik mo sa Maynila?" Tanong ng batang
si clang-clang.

"Sa makalawa na" - si Gwen

Bago dumating ang araw ng pag alis
ni Gwen, ay siniguro nyang magiging masaya si clang-clang, lagi nya itong dinadalan ng ice cream at chocolates, alam kasi nyang paborito ito ng bata.

Dumating na ang araw na kailangan
na nilang mag hiwalay, tapos na ang bakasyon at oras na para bumalik sila Gwen sa maynila, hindi naman naiwasan ng batang si clang-clang
ang malungkot ng sobra.

Nag kita ang mag kaibigan sa huling pag kakataon, saan pa kundi sa lugar kung saan sila unang nag kakilala, kung tawagin nga nila ay "TAGPUAN" malungkot silang nag kwentuhan.

"Gwen babalik ka sa bakasyon ha, mag lalaro ulit tayo, ikukuwento mo sakin lahat ng nangyari sayo sa Maynila, kahit malungkot at masaya pa yan," sabi ng naluluhang si clang clang.

"Huwag ka ng umiyak clang-
clang babalik ako tuwing bakasyon
pangako ko yan sayo," tinaas pa ni Gwen ang kanang kamay at inilapad ang palad nito (promise sign) ✋

"Talaga ha promise mo yan."

Niyakap ni Gwen ng mahigpit ang kaibigan, humiwalay sya sa pag kakayapos at tinitigan ang kulay bughaw na mga mata ng kaibigan, dahan-dahan nyang hinalikan ito sa labi.

"Hintayin mo ang araw na bumalik ako clang, mahal kita at ako lang dapat ang andyan," sabay turo sa dibdib nito.

Nag lakad ng papalayo ang dalagitang si Gwen, habang naiwang tulala ang batang si clang clang.

Hindi parin inaalis ni clang-clang ang mga mata sa papalayong kaibigan.

"Hihintayin ko ang araw na bumalik ka Gwen,"

Sambit ng batang si clang-clang sa mahinang tinig.

---------------------------------------------

Thank u for reading :)

Second story ko po to. Sorry po sa
mga typos and grammatical errors inuulit ko hindi po ako writer nag fefeeling writer lang :)

Dont forget to vote, comments or kindly pm me :)

Thanks ;)

"Its4UtofindOut"

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Where stories live. Discover now