Part 18 - The Memories

7.1K 203 37
                                    

******

"Monkey ano ba tulungan mo naman akong mag isip, kita mong hirap na hirap na nga ako." Naiinis kong sabi dito.

"Wala akong idea baby sa mga romantic place dito sa pinas, why don't you ask your little bro, baka
sya madaming alam." medyo
naiinis din nitong sagot sakin.

Hindi parin inaalis ang mga mata
sa binabasang magazine.

"Monkey naman wala nga si
Carlos eh! Tsaka gusto ko ng
makaisip agad ng isang lugar
bukas na yung monthsary namin
ni Love." Naiinis ko ring sagot.

Pinag masdan ko si monkey kung
bakit wala itong interes sa mga
sinasabi ko, pasimple kong sinilip
ang binabasa nya, sa sobrang inis
na batukan ko ito bigla.

"Aray ko naman baby masakit yon ah!" medyo pasigaw na sabi nito
sabay himas sa batok nya.

"Kaya pala hindi mo ako pinapansin, monkey, pagdating talaga sa fox na
yan tumitigil yang mundo mo." Pasalampak akong umupo sa
tabi nya.

Ganon padin, dedma padin ako,
kahit na kulang na lang ay umabot
sa lapag ang nguso ko sa sobrang
pag pout ko, naiinis ako sa sarili ko.

Sa dinami-dami ba naman ng araw bakit ba yung monthsary pa namin
ni Love ang nakalimutan ko, kung tutuusin naman ay bukas pa yon,
gusto ko lang maging kakaiba ang
date namin.

Kaya lang ay nawalan ako ng idea
kung saan ko sya dadalin, lahat kasi
ng magagandang lugar ay nadala
ko na sya, at lahat yon ay romantic place para sa akin.

Tinignan ko ang wrist watch ko,
6:16 na ng hapon, eksaktong alas singko kanina ay lumabas na ako
ng company, naihatid ko pa si Chloe
sa bahay nya.

Pinapa baba nya muna ako
para daw makainom ako ng juice,
pero tumanggi ako at nag dahilan
na pagod at madaming naka tambak
ng papers sa bahay na kailangan
kong tapusin.

Pero ang totoo ay mag iisip ako
ng lugar kung saan ko sya ide-date bukas, kung hindi pa ko napatingin
sa calendaryo ay hindi ko malalaman na na 26 ngayon, bukas na ang first monthsary namin.

Kailangan maging mas romantic
yung place na pag dadalhan ko sa
ka nya, isip dito isip doon pero
wala talaga akong maalala na lugar.
masakit na din yung ulo ko kakaisip.
akala ko'y makaka tulong ko si
monkey sa pag iisip pero mukhang wala akong makukuhang matinong sagot dito.

Si Megan Fox kasi ang ultimate
crush nito, kahit na masakit yung
ulo ko'y nag pasya akong tumayo, kinuha ko yung shoulder bag ko at
car key, baka sa pag ikot-ikot ko'y
maka kita ako ng lugar na perfect
para sa panlasa ko.

Inikot ko ang makati area hanggang
sa mapadpad ako sa mandaluyong. pero wala parin akong makitang
lugar. hanggang sa pumasok na
naman sa isip ko yung malagong
Puno.

Na weweirduhan na ako sa Puno
na yon, dahil mag iisang linggo na syang paulit-ulit na lumalabas sa panaginip ko, hindi ko namalayan
na binabagtas ko na pala ang way
pa puntang north.

Kahit ako'y nag taka sa sarili ko
kung bakit ako dinala ng mga paa ko dito, wala na naman akong magagawa kaya pinag patuloy ko na lang ang pag mamaneho, pupunta na lang ako sa Bulacan doon sa bahay bakasyunan namin.

Halos 8:oo na ng gabi ng marating
ko ang bayan ng Bocaue Bulacan, madilim na sa paligid pero hindi naman nakaka takot dahil madaming poste ng meralco ang naka tayo na
sa bawat lugar.

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Where stories live. Discover now