Part 15 - The Actor

6.6K 212 13
                                    

******

Tok... Tok... Tok

Excited kong binuksan ang pinto,
baka si Kate at may nalimutan.

"Oh bff para kang naka kita ng multo," bungad sa akin ni Amanda.

"Baliw pasok ka, akala ko kasi si
Kate bumalik at may nalimutan,"
sabi ko deretcho ulit sa kusina para ituloy ang pag huhugas ng pinggan.

"Ay Oo nga pala kaya nga pala
ako pumunta dito, nakita ko si
Miss Buencamino nag mamadali
eh! hindi yata ako napansin,
parang sinisilihan ang pwet kulang
na lang ay lumipad," sabi nito
habang nakaupo na sa sofa.

"May emergency daw, pag kakain
umalis na din agad," nag punas na
ako ng kamay at umupo na din sa
tabi ni Amanda.

"Ano kayang emergency yon bff," napakunot pa ang noo nito.

"Hindi sinabi pero sabi nya pag
nasa bahay na daw sya, tatawag
or txt daw sya agad." Sabi ko

"Oh huwag ka ng mag alala dyan, hintayin mo na lang yung tawag
nya, pero maiba tayo bff ha, napa punta mo dito sa lugar natin ang
CEO ng pinag tratrabahuhan
natin, ikaw na talaga ang mahaba ang hair bff," panunukso nito.

"Sampalin mo nga ako bff baka panaginip lang ang lahat ng ito,"
Hinawakan ko pa ang pisngi ko.

Pak...

"Aray naman bff napalakas ka
yata don," angal ko.

"Para alam mong nasa real world
ka, pero ikaw na talaga bff, mapa lalaki, at mapa babae baliw sayo, baka naman may tinatago kang anting dyan baka gusto mo akong bahagian." Nakangising sabi nito.

"Magtigil ka Amanda ha, wala ako non," nakairap na sabi ko.

"Pinakain mo ba si Miss Buencamino?" Pag iiba nito ng
topic.

"Oo naman bff, kumain sya ng sardinas" nakangiting sabi ko.

"Wehhh totoo? napakain mo sya
ng sardinas? Baka naman galisin yon." Taas kilay na sabi nito.

"Over ka naman bff galis agad
hindi ba pwedeng mangati muna
sya," Sakay ko na din sa biro nito.

"Pero seryoso Amanda ewan ko ba
kung anong pumasok sa isip ko at pinakain ko sya ng sardinas,
na miss ko si tatay bigla, basta topic namin about sa family ko," sabi ko.

Calling Love...

"Hello love anong emergency yan?" Sabi ko na kinakabahan.

"Chloe si Brann to"

"Sir Brann ano pong ng yari
kay lov... I mean kay Kate po."
Kinakabahang tanong ko.

"Huwag kang mabibigla Chloe pero hindi naging mabuti ang lagay nya," seryosong sabi nito.

"Sir Brann huwag naman po kayong mag biro ng ganyan,
ok na ok po sya nung umalis
dito sa bahay, sabi nya po ay may emergency daw, kaya nag mamadali po syang umalis," naiiyak ng sabi ko.

"I'm sorry Chloe, pero
kailangan mong sumama
sa akin, baka kasi hind---"
putol nito sa sasabihin nya.

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Where stories live. Discover now