Part 26 - Lick

5.9K 195 9
                                    

******

"Morning bff" bati sa akin ni Amanda pagka labas ko ng pinto.

"Morning bff" malungkot na bati ko habang nag lalakad na kami sa labasan para mag abang ng taxi.

"Bakit ang lungkot mo? Hindi ba maganda ang gising mo o may nararamdaman kang hindi maganda?" Halata sa boses nya
yung pag aalala.

"I'm ok bff masyado kang nega."
Sabi ko na lang para hindi sya mag alala.

Sa totoo lang hindi ako masyadong nakatulog kakaisip kagabi, hindi ko alam kung anong dahilan, basta
balisa ako na ewan.

Sinubukan kong mag txt kay love
kung anong nangyari sa dinner nila
last night, pero wala naman akong
reply na nareceive buhat sa kanya.

"Hayyyyy" mahabang buntong hininga ko.

"Hahaha wala daw problema pero ayun at ang lalim ng pinag hugutan tsk" sabi nito nung nakasakay na
kami ng taxi.

Narating namin ang BCC ng hindi
ko namamalayan, i don't know
why pero parang kinakabahan ako,
ayokong maging nega pero hindi ko mapigilan.

"Good morning love" bati ni manong guard.

"Hala addict si manong" natatawang biro ni Amanda.

Iiling-iling na lang kaming pumasok
sa loob ng elevator.

"Good morning Miss Chloe." Sabi naman ni ate nyong girl.

"Good morning Miss Chloe."
Sabay-sabay na sabi nung mga ka
office mate namin.

Nag tataka man ako sa mga inaasal
ng mga taong nakakasabay namin
ay pinag walang bahala ko na lang ito.
Ngiting-ngiti naman si Amanda with matching iling-iling pa ang bruha.

Ding...

Pagka bukas na pagka bukas ng elevator ay umalingawngaw ang salitang.

"Good morning Miss Chloe."

Halos mapaiyak pa ako sa tuwa nung makita ko ang malaking  banner na may nakasulat na.

"I love you love"

Tapos yung mga ka office mate ko
ang lapad ng ngiti at may hawak
pang tag iisang red rose, mga nag
si pila pa at isa-isa ding inabot sakin.

"Ang ganda mo, halika gupitan natin buhok mo." Bulong sa akin ni Krissy, pero kilig na kilig naman lalo nung inabot nya sakin yung one stem na rose.

Excited na kong matapos ang abutan ng bulaklak, dahil sa pinaka last nito
ay ang pinaka mamahal ko.

"Ehem for you love." Sabi nya with matching killer smile.

" Sabi nya with matching killer smile

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Where stories live. Discover now