Part 28 - Truth Hurt's

5.5K 157 10
                                    

******

"Good morning sleepy head."

Babangon na sana ako kaso parang sobrang sakit yata ng katawan ko.

"Love ang sakit ng katawan ko."

Makahulugan lang syang tumingin
sa akin na para bang sinasabi nya
na kasalanan ko ang lahat.

"Halika love massage natin."

Walang ka abog-abog na sumampa
sya sa likuran ko, wala tuloy akong nagawa kundi damhin ang sakit ng likuran ko dahil sa ginawa nya.

"Masarap ba love?" Sabi nya habang minamasahi ang likuran ko.

"Ye-Yes love masarap, dito pa sa bandang balikat."

Sabi ko na lang baka kasi kapag
sinabi kong hindi ko gusto ang idea
ng pag mamasahe nya sakin ay magtampo pa ito.

"Masakit pa ba love?"

"Hindi na love, O- ok na love, galing talaga ng love ko."

Hindi ko alam kung over ba ako sa reaction o what? Basta gusto ko ng matapos yung pag hawak nya sa masakit na katawan ko.

Calling Carlos...

Hello..

Ate i'm sorry alam ko moment nyo ni Miss Chloe ngayon,
pero ate nasa bahay si
Clarease, bigla akong
pinatawag ni couch at
kailangan daw naming mag practice, nakakahiya man
pero pwede ka bang umuwi
sa bahay ngayon?

Ah eh! Sure, sure Carlos mag papaalam lang ako kay Love,
bye.

Hindi ko na sya hinintay na
makasagot pa, ayaw ko sana na
umalis sa bahay ni Chloe dahil nakapangako ako dito na dito ako
mag e-stay buong maghapon.

Pero kasi ngayon lang humiling ang baby bro ko, ayaw ko naman syang tanggihan, wala kasi kong gustong gawin maghapon kundi ang matulog, masakit kasi talaga yung mga kalamnan ko.

"Love tumawag si Carlos, nasa
bahay daw si Clarease biglaan daw syang pinatawag ng couch nya para mag practice, ok lang ba love na umuwi na ko?"

Medyo atubili pa syang pumayag
pero maya-maya din ay umu-oo na
sya, nag explain na lang ako at naunawaan naman nya agad.

Habang nag da-drive ako pauwi
sa bahay naiisip ko si Clarease,
naiisip ko kung anong mapag
uusapan naming dalawa.

Sa totoo lang excited akong makausap sya ng sarilinan, gusto kong malaman ang lahat-lahat sa kanya, yung mga nangyari sa kanya sa nakalipas na
taon.

Pero paano kung bumalik
yung feelings ko sa kanya?
Paano si Chloe? si Carlos?

Hindi naman sa wala akong tiwala
sa sarili ko, mahal ko si Chloe at
sure na sure na ako don, marami
lang talaga akong gusto malaman
sa kanya, curious ako kung anong
mga pinagdaanan nya sa buhay.

Si Clang-clang na kasi yung pinag uusapan dito eh! Yung matagal ko
ng hinahanap, yung kababata ko.

Papasok pa lang ako sa buong kabahayan ng marinig ko ang masasayang tawanan ni Yaya at
ni Clarease.

Yung tawa nyang yon ay parang
musika sa aking pandinig, yung
mga halakhak nyang yon para
akong dinuduyan sa alapaap.

"Mukhang nag kakasayahan kayo ah." Baliwala kong sabat sa usapan nila.

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon