Part 5 - Pickup Lines

8.2K 301 29
                                    

******

"Ate wala kabang balak pumunta sa BCC," si Carlos habang ngumunguya ng apple.

"Wala, busy ako kailangan kong intindihin lahat ng nakasulat dito," sabay turo ko sa papel na hawak ko.

"Kaya nga ako nandito alam kong
ma e-stress ka ate, stress reliever
mo ko," Sabay higa pa sa kama ko.

1 week na akong hindi nag papakita sa BCC inuwi ko nalang sa bahay ang mga papeles na kailangan kong basahin, at pag aralan.

"Ate alam mo may napapansin ako kay Miss Chloe, katulad kahapon, dumaan ako sa office ni dad after school, busy sya sa table nya, nilapitan ko sya, at nag hi ako, nag palinga-linga sya na may hinahanap, siguro ikaw yon?"

Itinigil ko ang pag babasa ko dahil sa sinabi ni Carlos, sa 1 week kong pag stay sa bahay ay hindi ko sya naisip, siguro ay busy lang talaga, tsaka na pre-pressure ako sa malaking responsibilidad na nakapatong
ngayon sa balikat ko.

Ayokong biguin si dad, malaki ang tiwala nya sa akin, pang bawi ko na
din ito sa ka nya, sa mga taon na iniwan ko sila ng kapatid ko. Tsaka
sa maagang pag kawala ni mommy
na ako ang naging dahilan.

Hindi ko intensyon na e-tease si
Miss Buenavista wala sa hinagap
ko ang halikan sya, pero ewan ko
ba? Kapag nakikita ko ang maganda nyang mukha, ay nag iiba agad ang mood ko.

Katulad nalang nung first day ko
sa company, imbes na sa japanese
resto kami kakain ni Carlos ay nauwi
sa canteen, hindi ko naman hate ang pagkain sa canteen, para kasing may nag udyok sa akin na doon nalang kumain.

At hindi lang yon, hinanap ko pa si
Miss Buenavista, para doon maki
upo, at dumating pa sa time na sinubuan ko pa sya, na never ko namang ginawa kahit na kanino,
kahit na sa mga naging ex ko pa sa London.

Ang cute kasi ng mukha nya nung
nakita nya kaming nakaupo ni
Carlos sa table nila, parang na shock
na hindi mo maintindihan, at hindi lang yon, nabugahan na naman ako
ng tubig for the second time.

Magagalit sana ako dun sa lalaking basta nalang umupo sa gitna namin,
pero nung narinig ko ang sunod-
sunod na pag hingi nya ng sorry ay hindi ko na nagawang magalit.

Nung time na hinila at hinawakan
ako ni Miss Buenavista sa kamay ay nakaramdam ako ng kuryente,
gustong gusto ko yung pakiramdam
na naka lapat yung mga kamay namin sa isat-isa.

"Ate tulala ka na naman?" Tinapik
pa nya ako sa balikat.

Hindi ko namalayan na naka lapit na pala sya sa akin. Ang pogi talaga ng brother ko, para itong batang kagat-kagat pa ang mansanas habang pinag mamasdan ako.

"Ate ano bang gumugulo sa isip
mo? Si Chloe ba? Oh si mo'm?
Kung si Chloe well shes's pretty
pwede na, pero kung si mommy
ate patawarin mo na ang sarili mo, hindi mo naman kasalanan yon,
bata ka pa ate." Parang naiiyak pa nitong sabi.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ng mga sandaling yon, kung si Chloe nga ba ang nag papagulo sa isip ko oh si mommy.
niyakap ko nalang ang kapatid ko,
para mapanatag na din ito.

Alam kong pinipilit nya na maging masaya kapag kaharap nya ako, pero deep in side malungkot din ito at nag aalala parin sa kalagayan ko.

Napatawad ko na nga ba ang sarili
ko?

Sumakit bigla ang ulo ko dahil
sa labis na pag iisip, napa hawak
ako sa sintido ko, at kumalas sa pag kakayakap kay Carlos, nag alala
naman ito bigla, kaya dali-dali
akong inalalayan pa upo sa kama ko.

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon