Part 14 - Sardinas

6.9K 210 22
                                    

******

"Love pwede ba akong pumasok sa loob? Nag puppy eyes pa ako.

"Oo naman love, ikaw lang
hinihintay ko, kaya lang love
sorry sa bahay ha, maliit lang sya," nahihiyang sabi nito.

Nginitian ko lang sya at pinatay na
ang makina ng sasakyan, sabay na kaming bumaba, at nag lakad na papasok sa medyo eskinitang daan.

Pinag masdan ko ang lugar habang
nag lalakad, madaming tambay sa kalsada, may mga nag iinuman na
sa paligid, at may mangilan-ngilan
na nag lalarong kabataan.

"Halika na love, huwag kang mag alala sa mga tambay mababait
yan, kahit na parang mga galing
sa munti." Paliwanag nito.

"Chlooooeee kamusta?" Sigaw nung isang lasing.

"Ayos lang Berto, may atay pa ba
tayo dyan." Ganting sagot ni Chloe

"Oo naman hik.." Sagot ulit nung Berto.

"Huwag kang matakot sa amin
Miss Beautiful Hikkkk." Sabi nung isang lasing.

Napansin yata na may kaunting takot sa mukha ko.

"Lika na love pasok na tayo sa loob," sabay hawak ni Chloe sa kamay ko.

Agad naman akong sumunod dito.

"Ahh love pakibigay mo nga sa
kanila to," kumuha ako ng 1000 sa wallet ko.

"Para saan yan love?"
Kunot noong tanong nito.

"Para may pambili pa sila ng alak nila, sige na love bigay mo na para maging tropa din nila ako,"
nakangiti kong sabi.

"Ok fine, matutuwa ang mga yan, mga takaw alak," nag wink pa ito
bago tuluyang ibigay yung pera sa
mga tambay.

Halos hindi naman nila alam kung paano ako pasasalamatan, may
nag saludo pa at halos mahulog na
sa upuan.

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanila, maya-maya lang ay pumasok na
kami sa loob ng bahay nya.

Maaliwalas sa loob at magaan sa pakiramdam yun agad ang naramdaman ko nung nasa loob na kami, mayroon itong isang kwarto,
at maliit na lababo, may maliit na
sofa at may T.V at Ref.

Good for 2 person yung laki ng
bahay sa tingin ko. Maganda ang
pag kaka ayos ng loob, at amoy
malinis.

"Upo ka muna love," inayos nya
pa yung sofa na pag uupuan ko.

"Hmm love taga dito ka ba talaga
sa manila?" Tanong ko habang nakaupo.

"Hindi love dayo lang ako dito,
may province talaga kami."
Sagot nito.

"What about your parents? Saan
na sila?" Curious na tanong ko.

Ngayon ko lang pala sya natanong about sa family background nya.
sa office kasi puro works ang
inaatupag namin, nung last time naman na inihatid ko sya ay hindi
na nga ako nakapasok dito.

Nakita ko naman na lumungkot
yung maganda nyang mata,
tumabi sya sa akin, at paharap na sumagot.

"Wala na love patay na sila pareho."sabi nya sabay tungo.

Hindi ko na lang itinuloy yung
gusto ko pa sanang itanong sa ka
nya, ayaw kong makita ulit yung lungkot sa mga mata nya.

"Hmm come here love let me hug
you, huwag ng sad ha, same lang
din tayo wala na kong mommy,
pag ready ka na mag open up
sakin nandito lang ako i'm willing
to listen." Niyakap ko pa sya para maging fully ok na sya.

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Where stories live. Discover now