7

18.6K 501 4
                                    


Yazzy's Pov

"Ahm,Sir naglibot lang po." Sabi ko.

"Sino yun?" Tanong niya.

"Ha?"

"Yung kasama mo." Sabi niya

"Si Chester ho.Siya yung sumama sakin." Sabi ko na parang pinapatamaan siya.

"Ah so parang pinaparating mo na ayaw kitang samahan kaya sa kanya ka na lang sumama?Yazzy,what if he's a kidnapper?O kaya pano kung may balak yun sayo?" Sigaw niya sakin.Pag lang nagising sila Manang Flor!

"Ahm,S-Sir mabait naman po si Chester eh masaya pa kasama." Di tulad mo,para akong----ayoko na!

"Then go to him!Magaling ka naman dyan diba?Sa pang-iiwan?" Sabi niya na nagpakunot nang noo ko.

"Excuse Me Sir?Mawalang galang na ah pero parang hindi na po ata related sa trabaho ko iyan?" Tanong ko.

"See it for yourself."malamig na sabi niya bago umakyat pero bago yun may nasabi ako.

"Kaya ko lang naman ginawa yun kasi para lang naman sa tatay ko yun,pag di ko nagawa yun edi wala nakong kasama ngayon." Sabi ko nagpatigil sa kanya.May pumatak na luha sa mata ko pero agad ko yung pinunasan bago siya humarap sakin.

"What's the connection between your father and me?" Tanong niya na para bang naiinis na.

"Ayokong sabihin kasi baka sabihan mo ako sinungaling at ginawa ko pang dahilan---"

"Just answer it!" Sigaw niya na nagpagulat sakin.

"Yung mga magulang mo!" Sigaw ko na nagpatigil sa kanya.Tuluyan narin ang pagluha nang mga mata ko.

"What?" Mahinang tanong niya.

"Nung time na sinabi ko sayo na may pupuntahan ako kaya di ako nakasama sayo sa pagpunta sa birthday ng kabarkada mo,pinapunta ako nang magulang mo sa mansion niyo.Pagdating ko dun sinabi nila sakin na ayaw daw nila akong maging parte nang pamilya ninyo sinagot ko sila kaya nasampal ako nang Mommy mo dahil yung sinabi nila sakin na makipag break na daw ako sayo kasi hindi naman daw tayo bagay.Mayaman ka mahirap lang ako!Pero anong ginawa ko?!Ipinaglaban parin kita kasi Mahal kita!Paalis nako nun nang sabihin nang tatay mo ang halaga nang pera na kailangan ko para sa pang ospital nang tatay ko pero tinanggihan ko yun kasi Mahal kita.Pero yung araw na naospital ang tatay ko.Kailangan na kailangan ko nang pera nun kasi pag hindi ko siya napaoperahan......Mawawala siya sakin.Mawawala sakin ang pinakamamahal ko.Kaya ko yun nagawa sayo."umiiyak na sabi ko at napaupo, itinaklob ko ang aking kamay sa mukha ko at dun umiyak nang umiyak.

" Sh*t Sh*t!"narinig kong mura niya

"Pasensya kung nasaktan man kita,hindi ko naman hinihiling na patawarin mo ako sinasabi ko lang yung naranasan ko bago kita iwanan.Ngayon,alam mo na ang rason,at kung gusto mong magalit sa mga magulang mo wag na kasi magulang mo pa rin sila at kung galit ka parin sakin.Kalimutan mo na lang ang lahat at mag start tayo ngayon bilang Boss at Secretary lang.Kalimutan mo narin ang mga sinabi ko sayo.Matutulog na ho ako SIR." Sabi ko at pumunta na nang kwarto ko.Pagsara ko nang pinto ay sumandal ako dun at napaupo tapos dun ay umiyak nang umiyak.

Pero atleast naman diba?Nabawasan nang dalahin tong dibdib ko kasi nasabi ko na sa kanya ang dahilan kung bakit siya galit sakin.

Bukas Yazzy...
Bukas,magi-start kayo bilang magkatrabaho lang,ikaw bilang Secretary at siya bilang Boss mo.Mag-move on kana at kalimutan mo na ang kung anong meron kayo dati.

Just focus on your work.

My Boss Is My Ex-boyfriendWhere stories live. Discover now