Chapter One - Bar Night

34K 597 22
                                    

 La Amore Bar



Aliw na aliw na pinagmamasdan ni Ella ang kanyang matalik na kaibigan na sumasayaw sa sentro ng bar. Halos lahat ng mga kalalakihan ay pinalilibutan ito. Maganda at napaka-sexy ng kanyang kaibigan kaya hindi talaga maiiwasan na hindi ito mapansin ng mga lalaki. Kinuha nito ang isang maliit na baso at ininom ang nilalaman nito. Bagamat marami na itong nainom ay hindi pa rin ito nalalasing dahil hindi naman matapang ang inorder nito. Tumingin siya sa paligid. Animo parang mga wala sa sarili ang mga tao sa loob ng bar. May mga naghahalikan at ang iba naman kulang na lang ay isubsob na ang sarili nila sa isa't-isa.



Ngayon palang sila nagpunta ng kaibigan niya dito. Bago kasi ang bar na ito pero kahit ngayon pa lang nagbukas ay sobrang dami ng tao. Mukha kasing mamahalin ang lugar at sobrang laki pa nito. Nilibot niya ang buong lugar hanggang sa huminto ang kanyang mga mata sa isang lalaking nakatitig sa kanya. Hindi nito nakikita ang mukha nito dahil nasa madilim na parte ng lugar ang lalaki. Hindi niya maialis ang tingin dito. Hindi nga niya rin alam kung ano bang nangyayari sa kanya. Hindi naman siya ganito dati.



"For Pete's sake, Gabriella! Stop staring at him!" gusto niyang ialis ang tingin niya ngunit para bang may humahatak sa kanya upang titigan ito. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya pero hindi siya komportable sa titig nito. Ibang-iba kasi ang mga titig nito sa kanya.



"Kung ako sa iyo tigilan mo na ang pagtitig mo sa kanya dahil baka hindi mo magustuhan ang mangyayari." rinig niyang sabi ng isang boses. Napalingon siya sa bartender na nagsalita. Pinupunasan nito ang mga baso.



"Ha?" naguguluhang tanong niya dito.



Napatingin sa kanya ang bartender at umiling. "Kayo talagang mga babae. Hindi niyo alam kung anong gulo ang pinasok niyo. Hindi kayo dapat nagpupunta sa ganitong delikadong lugar."



"Pasensya na po kuya pero hindi ko po kasi kayo maintindihan." sabi nito sa kanya at ipinatong ang mga kamay nito sa marmol na counter. "Ano po bang sinasabi ninyo, kuya?"



Napatingin ulit ang bartender sa kanya at napabuntong hininga. "Sa palagay ko ay hindi ka sanay sa mga ganitong lugar?" tumango ito at napapikit ang lalaki. "Babala lang, kung gusto mo pang mabuhay umalis ka na sa lugar na ito. Sinasabi ko sa iyo, miss delikado ang lugar na ito. At kung maaari sana, huwag na huwag kang makikipagtitigan sa kahit na sino dito. Hindi mo alam kung paano tumatakbo ang club na ito kaya umalis ka na habang may panahon pa." seryosong sabi nito sa kanya at umalis.



Naiwang nakatulala si Gabriella sa kawalan. Kanina pa kasi siya may kutob sa bar na ito pero dahil sa mapilit ang best friend niya ay tumuloy na rin sila. Mabilis na napalingon ito at hinahagilap nito ang kanyang best friend ngunit hindi siya nito makita. Bigla siyang kinabahan. Dali-dali siyang tumayo at lumakad papunta sa dance floor. May mga nakakabunggo siya at may mga lalaking humahawak sa kanya pero hindi niya iyon pinansin. Ang tanging prayoridad lang niya ngayon ay ang makita ang kaibigan at maka-alis na sa lugar na ito.

My Hot Possessive Step Brother Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt