Chapter Six - Tension

15.2K 499 176
                                    

"S-Saan pala tayo pupunta?" hindi niya maiwasang itanong lalo na't alam niyang ilang libong kilometro na ang layo ng distansya nila sa bahay niya at ng kanyang ina.



"My place." tipid na sagot ng binata ng hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Kanina pa malamig ang pakikitungo nito sa kanya simula ng makita siya nito kasama si Jason. 



"Y-Your place?" nalilitong tanong niya rito. "Teka, a-alam ba ni ma---"



"Of course, she knows." putol nito sa sasabihin niya at inihinto ang kotse. tumingin siya sa kanyang paligid at hindi niya namalayan na nasa tapat na pala sila ng isang malaki at mamahaling condominium. Hindi niya maiwasang hindi mamangha at nakakasiguro siya na milyun-milyon ang halaga ng bawat flat roon. 



Bigla siyang napalingon ng nakaramdam siya ng pagtitig at hindi nga siya nagkamali dahil nahuli niya ang binatang kasama niya na magiging nakatatandang kapatid niya na nakamasid sa kanya. Hindi niya alam kung bakit madalas siyang pagmasdan nito.



Nag-iwas siya ng tingin at tumikhim. "D-Dito ka ba nakatira? Ang ganda ng building." sabi niya rito upang mabawasan ang awkwardness na nararamdaman niya habang hindi pa sila bumababa sa sasakyan. 



Nang hindi ito magsalita, pipihitin na sana niya ang sedura ng pintuan ng kotse upang makalabas pero hindi niya nagawa iyon ng maramdaman niya ang mainit na kamay ng binata na bumalot sa kanyang braso. Napalingon siya dito at ganoon na lamang ang gulat niya ng mapansin na ilang pulgada na lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Pinigil niya ang kanyang paghinga at rinig na rinig niya ang tambol ng kanyang puso lalo na't nakita niya ang mas lalong paglapit nito.



Nakatingin lamang siya sa mga mata nito na para bang siya ay nahihipnotismo. "Seatbelt." his husky voice sent shivers down her spine. Nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman niyang pinadausdos nito ang kamay sa kanyang mga hita. Magsasalita na sana siya ng may marinig siyang click at doon lamang niya napagtanto na kinalas nito ang kanyang seatbelt. 



Napakurap siya ng bumalik ito sa kanyang orihinal na posisyon at lumabas sa kotse. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na niyang maikot ang distansya at binuksan ang pintuan ng kotse sa side niya. "Let's go, Gabriella."



Inilahad nito ang kanyang kamay sa kanya. Ayaw man niya itong tanggapin dahil sa nangyari ay tinanggap pa rin niya upang hindi siya magmukhang bastos sa paningin nito. After all, he is going to be her brother as soon as her mother marries his father.



Speaking of her mother, bakit kaya siya nito pinasundo sa anak ng mapapangasawa niya? "Bakit ako pinasundo ni mama?" tanong niya rito habang sila ay naglalakad papasok. Hindi siya nito sinagot at huminto sila sa harap ng isang lalaking naka-tuxedo. Inihagis lang ng kanyang magiging kapatid ng susi ng kotse sa lalaki at tumuloy na sila sa paglalakad. 



Kakalasin na sana niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng lalaki pero mas lalo lamang itong humigpit kung kaya't pinabayaan na lang niya. 



Nang makapasok sila sa elevator ay hindi niya maiwasang hindi magtanong ulit. "You haven't answered my question." panimula niya. "Ano bang gagawin ko rito? Bakit ako pinasundo ni mama sa iyo?"



Magtatanong na sana siya ulit ng biglang bumukas ang elevator. Hinila siya nito palabas pero bago siya tuluyang makalabas ay nagawa niyang kumalas sa pagkakahawak nito sa kanya. 



Lumingon ito sa kanya habang siya naman ay kunot noong tumitig dito. She also crossed her arms and looked at him very seriously with her eyebrows furrowed. "Hindi ko alam kung anong problema mo at kanina pa sobrang init ng ulo mo. Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang masama sa iyo kaya kung may problema ka, huwag mo akong idamay. Sagutin mo na ang mga tanong ko."



In a blink of an eye, naramdaman nalang niya na tumama ang kanyang likod sa pader ng elevator. Her hands are pinned on her sides and for the second time, their faces were just inches apart.



Nangilabot siya ng nagkatitigan silang dalawa dahil napakalamig ng pagtingin nito sa kanya. "A-Ano ba!" She tried to struggle pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.



"I hate hard-headed girls, Gabriella. Naiinis ako sa mga babaeng makulit at hindi alam itikom ang mga bibig nila." walang emosyong pagkakasabi nito. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito na tila ba nang-aakit sa kanya. "But for you, I'll let it pass." pagkasabi niya sa kanya ng mga salitang iyon ay agad siya nitong binitawan ngunit naramdaman muna niya na tumama ang mga labi nito sa kanya.  Tila may kusang isip ang kanyang palad dahil nagulat siya na  tumama ang isang palad niya sa pisngi ng binata.



Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang ginawa pero mas nagulat siya ng bigla siyang sinunggban ng halik ng kanyang magiging kapatid.


My Hot Possessive Step Brother Where stories live. Discover now