Chapter Three - Meeting The Future

21.2K 506 17
                                    

"Ready kana ba, anak?" tanong ng ina ni Gabriella. Tumayo sa pagkakaupo si Gabriella at ipinakita ang sarili sa kanyang ina. Nakausot siya ng isang blue above the knee dress na may katernong white na doll shoes. Simple ito at elegante. Hindi na naglagay pa ng make up ang dalaga pagkat hindi naman niya hilig iyon.



Ngumiti ang kanyang ina at pinagmasdan ang anak. "Napakaganda mo talaga, anak. Hindi ako magtataka kung mayroon ng manliligaw sa iyo." sabi ng kanyang ina habang hinahaplos-haplos ang pisngi nito.




"Mama naman! Alam niyo naman po na wala akong hilig sa ligaw-ligaw na iyan. Pag-aaral po iyong gusto kong atupagin ngayon at isa pa may panahon naman po para diyan." dipensa nito sa kanyang ina na ikinatawa naman ng babae.




"Hay, tara na nga baka ma-late pa tayo." sabi nito at bumaba silang dalawa.




Sumakay na sila sa kotse at pinaandar na ito ng kanilang driver. Papunta sila ngayon sa isang restaurant kung saan makikilala niya ang kanyang future step-father. Hindi niya alam kung anong mararamdaman ngayon kung matutuwa ba siya, malulungkot o matatakot. Matutuwa dahil mag-kakaroon na siya ng ama, malulungkot dahil parang mabubura sa isip ng kanyang ina ang ama niya at matatakot dahil baka hindi siya magustuhan nito.




Muling nagbalik sa kanya ang nakaraan. Limang taong gulang pa kang siya noon. Nakita niya ang kanyang ina na may kausap na lalaki sa kanilang sala. Hindi sinasadya ay narining niya ang usapan ng mga ito. Narinig niyang humingi ng paumanhin ang lalaki at sinabing patay na ang kanyang ama. Halos madurog ang puso niya sa nabalitaan. Close kasi sila ng ama niya at mahal na mahal niya ito. Dinamdam niya ito at halos hindi na makakain. Noong mga panahong na iyon, halos magunaw ang mundo nila. Kinakailangang magtrabaho ng mama niya at asikasuhin ang mga naiwang business ng kanyang ama. Gabi-gabi, naririnig niya ang ina na umiiyak.




Muli niyang sinulyapan ang kanyang ina na ngayon ay halatang masaya at excited. Ilang taon din niyang hindi nasilayan ang ganyang ngiti kaya naman sa kalooban niya ay masaya siya para sa ina. She just hopes that this dinner will turn out well. Gusto niyang maging masaya ang kanyang ina kaya gagawin niya ang lahat para magkasundo sila ng lalaking ipakikilala sa kanya ng kanyang ina. Naramdaman niya ang paghinto ng kotse, signaling that they were already there. Lumabas silang dalawa ng kanyang ina sa kotse.




"Relax ka lang, anak. I'm sure he's going to love you." pagpapagaan ng loob ng kanyang ina sa kanya.




Huminga ito ng malalim at ngumiti. "I'm excited to meet him, ma."

 

 

 

"So, tara na? Let's get inside so that you could meet him." tumango ito at pumasok na sila sa loob.

My Hot Possessive Step Brother Where stories live. Discover now