Chapter 1

615 22 2
                                    

Chapter 1

Linggo ng hapon. Nakadungaw ako ngayon rito sa bintana ng apartment ko. Nakapatong pa ang baba ko sa likod ng mga palad ko na magka patong rin. Pinag mamasdan ko siya, 'yung bestfriend ko. Magkatapat kasi ang bintana ng apartment naming dalawa, kaya kitang kita ko siya mula rito.

Ang ganda nya talaga. Mula dito sa building ko ay naririnig ko s'yang tumutugtog ng piano. Kiss the rain: By Yiruma. Napakalungkot ng musika na iyon. I wonder, bakit iyon palagi ang pinakikinggan niya.
Napatingin ako sa kalangitan makulimlim nanaman, siguradong uulan nanaman. Simula nanaman kasi ng pasukan, kasabay ng tag-ulan.

Iyong tipong, bagong bili ang mga gamit mo pang pasok, ngunit mapuputikan lang dahil sa basang daanan, at sa talsik ng ulan.

"Pst Toni, anong tinitingnan mo riyan?" tanong sa'kin ng pinsan kong bagong dating lang dito. Makakasama ko siya sa school ngayon. Galing pa itong Manila at dito na siya mag aaral sa probinsya namin. Matigas daw kasi ang ulo ayon kay Tita, kaya eto, dito siya ngayon mag aaral. Ayos rin at may makakasama ako dito sa apartment ko.

Mag isa lang ako rito, si mama ay nasa ibang bansa, habang si papa ay nasa kabilang bayan, kasama ng bago niyang pamilya.

"Wala to Ron tiningnan ko lang kung uulan." Sabi ko sa kanya sabay alis sa bintana.

"Parang gago to, natural uulan. May bagyo pa nga yata. Napakalakas ng hangin sa labas!" sagot niya ngunit hindi ko na iyon pinansin.

Lumabas ako ng condo at pupunta ako kay Angeline.
Malakas ang tibok nang puso ko habang palapit sa unit niya. Lagi namang ganito.

Kumatok ako doon sa kaniyang pinto at mabilis niya iyon binuksan. Malaking ngiti agad ang binigay niya sa akin. Natutunaw nanaman ang puso ko.

"Oh panget! May kailangan ka?" tanong nya.
Nanliit ang mata ko nang tiningnan ko siya. Panget pala ha! Naisip kong bwisitin sya pero mas gusto kong marinig ang pag tawa niya.

Kaya mabilis ko s'yang kiniliti sa kaniyang tagiliran. Tumili siya ng matinis kaya napatawa na rin ako habang hinahabol ko siya ng kilikiti. Tuwang-tuwa akong marinig ang halakhak niya. Pinalo pano niya pa ako para patigilan. Pero hindi ako nagpapigil. Tumakbo siya at hinabol ko pa.

"Toni! Tama na! Ahhhh!" Natatawang wila niya sabay tili ulit nang mahuli ko siya.

Nang pareho kaming mapagod ay hinihingal kami parehong napaupo sa kaniyang sofa. Tawa lang siya ng tawa. Pati ako tumatawa. Pareho kaming nag hahabol ng hininga at sabay kaming nagka tinginan.

"Don't do that again! Ang bad mo!" reklamo niya habang nakangiting hinihingal. Hindi yata ako mag sasawang titigan siya maghapon. Binasa ko ng laway ang aking labi bago nagsalita.

"Why not? Tuwang tuwa ka nga, e. Gusto mo isa pa?" tanong ko sa kaniya dahilan para mabilis s'yang umiling.

"Ayoko na, hindi na yata ako makakahinga!" reklamo nya ulit tapos ay sumimangot pa.

Ang ganda nya talaga, kahit pa sumimangot, maganda parin. Kung pwede ko lang ipag sigawan ang nararamdaman ko sa kaniya ay ginawa ko na. Noon ko pa gustong umamin sa kanya. Gusto kong mag baka sakali.

Pero sa tuwing susubukan ko, nawawalan naman ako ng lakas ng loob baka kasi pag ginawa ko 'yun masira ang pag kakaibigan namin, na matagal kong iningatan. Paano kung hindi niya ako gusto? Tapos lalayo siya. Ayoko no'n.

When my heartaches endWhere stories live. Discover now