EPILOGUE

281 21 8
                                    

Epilogue

Angeline's POV

"Bilisan mo na riyan! Kailangan na ni Mr. Perez ang mga papeles na 'yan!" Utos ng Department manager namin.

"Opo ma'am." Sagot ko.
Araw-araw ganito. Nag mamadali ako.

Araw-araw paulit ulit. Pinapagod ko ang sarili at pag uwi sa bahay, lantang gulay.

"Anak, baka may pera kana? Kailangan na ng kapatid mo ng pang enroll." Ani mama nang tumawag siya sa akin.

Napapikit ako. "Sige po ipapadala ko." Pagod kong sambit.

Napahiga ako sa kama nang natapos ang tawag.

Ilang taon naba ang nakakaraan? Pito?
Pitong taon na ngunit malungkot parin ako. May kulang parin sa pagkatao ko.

Araw- araw kapag lalabas nalang ako. Hinahanap siya ng mata ko.

Malamang nasa America na ang isang iyon.

May asawa naba siya? Wala na akong balita. Minsan nagtatampo ako. Pwede naman niya ang i-message pero wala. Wala siyang ginagawa.

Bakit kaya?

"Angeline sasama kaba?" Tanong ni Lani, katrabaho ko.

"Ha? Saan?" Wala sa sariling sagot ko.

"Tulala ka nanaman. Sino nanaman ang iniisip mo? Si Mr. bestfriend?" Panunuya niya.

Napasimangot ako.

"Baliw. Saan nga pupunta?"

"Lunch break na, anong saan pupunta? Tara sa Heart Cafe!" Anyaya niya.

Ngumiti ako ng tipid at tumango. "Sige."

"Sama kami!" Wila nila Diana at Roxette. Natawa pa ako nang nag mamadali silang dalawa.

Apat kaming tumungo sa Heart Cafe. Pag punta doon ay napangiti. How nostalgic.

"Anong order mo?" Tanong ni Roxette sa akin.

"Blue berry cheesecake at caramel macchiato." Sagot ko at binigay sa kaniya ang bayad. Hindi na kasi ito katulad noon na dating may may lalapit na waiter. Sa counter na lahat ng order.

"Okay."

Habang naghihintay ay inikot ko ang aking mata. Nag sisisi pa rin ako na hindi ako agad umamin sa kaniya noon.
Naalala ko pa ang ka gagahan ko noon nang makita ako ng pinsan ni Toni, na si Ron.

Naka pangalumbaba sa bintana at nakatingin kay Toni sa kaniyang apartment.

"Sinong tinitingnan mo riyan?" Nagulat ako sa kaniya noon nang mahuli niya ako. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ko kaya nakaramdam ako ng hiya.

Narinig ko ang paghalakhak niya. May dala siyang maleta at backpack.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Pinsan ni Toni, bakit?" Masungit niyang tanong.

Doon bigla kong naisip ang lahat. Tumugtog ako ng piano. Kapag siya ang iniisip ko ay napapatugtog ako ng piano. Ang nararamdaman kong hindi ko masabi sa kaniya ay idinadaan ko sa pag tugtog.

Nang makita kong naka hubad ang kaniyang pinsan ay nagkunwari akong nagutuhan ko ito. Gusto ko lang makita kung nag seselos siya. Nang makita ko ang reaction niya at nabigyan ako ng pag-asa.

Pumasok siya sa kwarto niya ng tahimik.

"Anong pina-plano mo?" Natatawang tanong ni Ron nang maiwan kaming dalawa sa sala.

"Pwede mo ba akong tulungan? Pag selosin si Toni? Kunwari ikaw ang gusto ko!" Pursigudo kong sambit. Natawa siya, ngunit sa huli ay tumango rin.

"Sige."

When my heartaches endWhere stories live. Discover now