Chapter 9

200 12 0
                                    

Chapter 9

Madaling araw palang ay lumuwas na ako pa Manila para sunduin si Mama.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang aking katawan. Sa bus palang ay parang lantang gulay pa ako.

"Ma!" Sigaw ko nang makita ko siyang palabas na ng airport. Kasama niya ang kaniyang kinakasama na si Tito Ronald.

"Toni!" Sigaw ni mama at tinakbo ako ng yakap. Pinasadahan ko siya ng tingin. Maayos na maayos ang kaniyang pustura. Parang walang problema sa buhay. Mukang masaya sa buhay na meron siya ngayon.

Malayong malayo sa lagay ni papa.

Nilingon ko si Tito Ronald at tinanguan. Pilipino rin siya at sa ibang bansa na sila nagkakilala ni mama.

"Saan tayo ma?" Tanong ko.

"May susundo na sa atin nakapag rent na kami ng SUV! Doon tayo sa condo na binili namin ng tito mo. Ang laki laki mo na anak, binata kana. May nobyo kana ba?" Maligayang tanong ni mama at ginulo pa ang aking buhok.

Napasimangot ako ngunit malaunan at ngumiti rin.

"Wala, single ako. Hindi ako gusto ng babaeng gusto ko." Natatawa kong sagot sa kaniya.

"Ito talaga palabiro!" Sagot ni mama habang tumatawa. Ngumiti ako sa kaniya ng tipid.

Hindi nagtagal ay dumating ang SUV.

"Kamusta Ronald!" Bati ng driver kay tito. Tahimik akong tumutulong sa pag bubuhat ng maleta nila at nilalagay iyon sa loob ng sasakyan.

"Maayos lang. Masaya na ngayon!" Natatawang biro ni tito Ronald.

"Parang kelan lang nang nililigawan mo pa si Tonet noong highschool kayo ah, ngayon tingnan mo kayo rin pala sa huli." Biro ng driver na ikinakunot ng noo ko.

"Hindi sumagot si Tito at mama. Ngiti lang ang binigay nila sa driver.

Buong byahe ay tahimik ako. Hindi ko makuhang magtanong. Buong akala ko ay sa ibang bansa sila nagkakilala ni mama. Ngunit ano itong narinig ko kanina?

Highschool? Highschool palang ay magkakilala na sila at nag liligawan? Paanong nangyari iyon? College si mama nang ipinag buntis ako at pinakasalan niya si papa.

Huminto ay sasakyan sa isang mukang talyer. "Dito na ako Ronald, Tonet, mag ingat kayo sa daan ha!" Bilin ng Driver.

"Sige Jun, salamat. Isoli nalang namin itong sasakyan bago kami umuwi." Paalam ni mama.

Si tito Ronald na ang nagmaneho. Napatingin ako kay mama nang nilingon niya ako.

"Hindi ka ba mag tatanong?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano bang po bang kailangan kong itanong, ma?"

"Alam kong may gumugulo sa isip mo kanina pa. Anak kita kaya kilala kita."

Hindi ako nakasagot at napatingin kay Tito Ronald na sumusulyap sa akin mula sa salamin ng sasakyan.

"Sa condo nalang ako mag tatanong, ma." Tamad kong sambit. Pagod na ako.

Pagod na ako sa lahat ng sakit at tila ubos na ubos na ako. Pag dating sa condo ay tahimik parin ako.

"Ito ang kwarto mo anak. Doon kami sa kabila ng tito Ronald mo."

Tamad akong pumasok doon at sumunod si mama. Sinarado niya ang pinto. Naupo ako sa kama na naroon at nilingon siya. Pinipigilan kong mag isip ng kung ano ngunit para nababasa ko na sa kaniya ang lahat.

"I'm sorry, Toni." Sambit ni mama. Hindi ko pa alam kung ano ang ikinahihingi niya ng tawad ngunit tila hindi ko na kakayanin pang marinig. Nilakasan ko ang aking loob upang makapag salita.

"Bakit ka nag so-sorry ma?" Tanong ko.

"A-ako ang may kasalanan ng lahat." Sumabog ang boses niya at napahagulgol narin.

Kumunot ang noo ko. Pilit iniintindi ang lahat.

"Anong ibig mong sabihin, ma? Sabihin mo sa'kin ma." Pag mamakaawa ko. Naikuyom ko na ang aking kamay. Biglang naisip ang imahe ni papa nang huli kaming magkita.

"A-ako ang nagloko Toni. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang unang nang iwan sa inyo. Nakiusap lang ang papa mo na, wag palabasin na ako ang nang iwan. Dahil nasa malayo ako. Ayaw niyang masira ang tingin mo sa akin." Hagulgol ni mama. Lumapit siya sa akin at aambang hahawakan ako ngunit tumayo ako sa pagkaka upo at lumayo sa kaniya.

Ang paghanga ko sa kaniya bilang ina ay biglang nag laho. Napalitan ng puot. Nagagalit ako sa sarili ko habang inaalala ang lahat ng naging trato ko kay papa. Lahat ng iyon ay hindi niya deserve.

"Ba-bakit, ma!" Sigaw ko. Umiiyak.

"I'm sorry!" Hindi ako handa nang mabuntis ako ng papa mo! College palang ako noon at may pangarap ako para sa sarili ko. Lasing lang kami nang mabuo ka. Magkaibigan lang kami ng papa mo, Toni. Broken hearted ako noon dahil ang Tito Ronald mo ay hindi na bumalik mula sa ibang bansa. Ang papa mo ang kasama ko noon. Nabuo ka at pinanindigan ako ng papa mo." Hagulgok niya.

Magkaibigan sila at may mahal siyang iba? Mahal ba siya ni papa?

"Nang mag ibang bansa ako ay doon ko nakitang muli si Ronald. Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay siya parin! Siya pa rin ang mahal ko." Napaupo si mama sa kama at napaiyak pa lalo.

"Isa pala akong pagkakamali?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Nilingon ako ni mama habang umiiling.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ki si Tito Ronald na nakaupo sa sala at magkasaklop ang mga kamay. Tila malalim rin ang iniisip. Nilingon niya ako ng may pag susumamo. Tila nanghihingi rin ng tawad ang kaniyang mata.

Pinunasan ko ang aking luha at umalis ng condo. Iniwan sila doon. Gusto kong puntahan si papa. Gusto kong marinig ang side niya.

Gusto kong manghingi ng tawad sa lahat ng ito. Sa lahat ng naging trato ko. Gusto kong ibalik ang lahat.

Pag dating ko sa tapat ng bahay namin ay bumigat ang pakiramdam ko.

Sa bahay na ito nabuo ang lahat ng pangarap ko. At dito rin nasira ang pamilyang meron ako.

"Toni?" Salubong sa akin ni Tita Nathalie. Ngumiti siya sa akin ng pilit pero kita doon ang mapula niyang mata na tila galing sa iyak.

"Mabuti at narito ka! Aabutan mo pa ang papa mo! Nabasa mo ba ang message ko kagabi?" Iyak niya.

Umiling ako. Hindi ko binabasa lahat ng mensahe kagabi dahil sa sobrang sama ng loob ko. Kinakabahan ako sa lahat ng sinabi niya.

Pumasok kami sa loob at tumungo sa kwarto ni papa.

Doon ay parang gumuho ang mundo ko. Nakahiga si papa sa kama. Nanghihina at tila naghahabol ng hininga.

"May lung cancer ang papa mo." Iyak ni tita na ikinabigla ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tiningnan ako ni papa at ngumiti siya ng pilit sa akin. Tumulo ang kaniyang luha at pilit ini aangat ang kaniyang kamay. Gusto akong abutin.

When my heartaches endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon