Chapter 6

233 13 2
                                    

Chapter 6

Habang nasa tricycle kami at pauwi, tahimik si Angeline. Tahimik rin ako.

Nahihiya ako dahil nagsinungaling nanaman ako sa kaniya.

"Thank you." Matamlay niyang sabi nang makababa kami sa tricycle.

Hindi niya ako nilingon. Malungkot sya. Bakit? Dahil hindi natuloy ang date nila ni Ron?
Nasasaktan ako dahil nasasaktan rin siya ngayon. Paano ba ang dapat kong gawin?

Nahahati na ang opinyon ko. Dahil sa nasaksihan ko kanina kay Ron, parang ayoko nang pagbigyan pa siyang ituloy ang panliligaw niya kay Angeline.

Masasaktan niya lang ang kaibigan ko. Kung noon ay hinahayaan kong magkalapit sila... ngayon ay hahadlang na ako.

Pag uwi sa apartment ko ay wala pa si Ron. Kung anong oras siya uuwi o kung uuwi pa ba siya, wal na akong pakeelam. Nag luto ako at kumain na ng hapunan.

Bago pumasok sa aking kwarto ay hindi padin siya umuuwi.

Pag higa sa aking kama, kinuha ko ang aking cellphone at nag tipa ng mensahe kay Angeline.

"Goodnight. 'Wag ka nang malungkot dahil sa napurnada mong date. I de-date nalang kita bukas."

Akala ko ay hindi siya mag re-reply ngunit nagulat ako nang mabilis ang naging sagot niya.

"Sige i-date mo ako. Goodnight."

Lumaki ang ngiti ko dahil sa nabasa. Ngunit agad ring napawi. Again, I know that this is only a friendly date. Nothing more.

Maaga akong nagising para gumayak na para sa eskwela, and to my surprise.. wala parin si Ron.

I texted him last night, ngunit wala man lang reply. Nag aalala na ako sa lokong iyon. I get my phone inside my pocket and texted him again. After that, tumungo ako sa kusina at nag luto na ng umagahan.

Ilang sandali pa, naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone.

Ron:
"Bukas na ako uuwi. Parasensya na tol, emergency lang."

Nanliit ang mata ko at nakaramdam ng pagka inis. Ngunit bigla ring nakaramdam ng saya. Sige umalis ka muna at sa akin na muna muli si Angeline.

Masaya akong nag umagahan at naka ngiti pang tumungo kay Angeline. Ngunit pag bukas ng kaniyang pinto, naka simangot na muka ang inabutan ko.

Dahil ba 'yan kay Ron?

"Aga-aga bakit ka nakasimangot?" Tanong ko at kinuha ang mga gamit niyang dala. Kahit alam ko naman na ang sagot, gusto ko paring manggaling iyon sa kaniya.

"Wala, masama lang ang gising ko." Aniya na ikinagulat ko. Bakit hindi niya inamin sa akin na dahil iyon kay Ron?

"Nag lilihim ka sa'kin, dahil 'yan kay Ron, tama ba?"
Tanong ko ngunit tiningnan niya lang ako ng may pagtataka, maya maya pa ay nag isip at tumango tango na parang hindi pa sigurado.

"Ahh. Oo yata." Aniya at nag iwas ng tingin.

Sa school ay ako muna ulit ang tumabi sa kaniya. Ngunit napansin ko na busy siya dahil sa pag te-text. Maya't-maya rin ang tunog ng kaniyang cellphone hanggang na sinilent na niya ito. Napahinga ako ng malalim.

Ako ang kasama, pero iba ang iniisip. Nilingon ko nalang ang teacher namin na kanina pa nag papaliwanag tungkol sa project na gagawin namin.

"Kayo na rin ang mamimili ng ka-partner ninyo. Basta siguraduhin ninyong by next week; friday, dapat ay maipasa na 'yan."

Aniya. Tamad kong nilibot ang aking tingin sa mga kaklase ko. Kahit narito pa ang teacher namin ay nag simula na silang mag usap-usap tungkol sa project, mukang nag hahanap na rin sila ng kanilang partner. Napatingin ako kay Angeline na panay parin ang pindot sa kaniyang cellphone. Tinatago niya iyon sa ilalim ng kaniyang mesa.

Napabuntong hininga ako. Aayain niya siguro si Ron bilang partner. Tumigil siya sa pag te-text at napansin ko ang pamumula ng kaniyang muka.

Binuksa niya ang cellphone niya at tumingin sa akin. Napaayos ako ng upo ng hinarap rin siya.

"Toni..." aniya at mukang nahihiya pa. Tumas ang kilay ko at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

Tunog ang bell hudyat na tapos na ang klase at lunch break na. Pareho kaming napatingin ni Angeline sa teacher naming tumayo at nagpa alam na sa amin.

Pagkatapos noon ay tiningnan akong muli ni Angeline. Mukang itutuloy na ang naudlot na sasabihin kanina.

"Toni." Pareho kaming napatingin ni Angeline sa kaklase kong si Lyka nang tawagin niya ako.

"Hmm?" Tanong ko at nginitian siya. Maganda si Lyka ngunit maliit. Mahinhin at matalino. Madalang siyang kumausap ng kaklase namin kaya nagulat ako nang tawagin niya ako ngayon.

"May partner kana ba? Malapit lang kasi ang apartment mo sa bahay namin, baka pwedeng tayo nalang ang nag partner."

Umawang ang bibig ko nang sinabi niya 'yon. Wala naman masama doon kaya agad rin akong ngumiti at tumango. Wala pa naman akong partner at siguradong si Angeline at kapartner na si Ron.

"Sige, pwede naman." sagot ko.

Ngumiti siya ng malaki sa akin. "Pwede ba nating simulan bukas? Tutal sabado naman."

Tumango ako sa kaniya. Maganda ring simulan ng maaga ang project na iyon nang matapos na.

"Sige, ako nalang ang pupunta sa inyo. Iyon yung tapat ng tindahan ni Mang Rene 'di ba?" Tanong ko.

"Oo doon nga." Sagot niya. Namula ang kaniyang pisngi na tila nahihiya pa. Napakamot ako sa aking batok dahil nahihiya na rin.

Umobo si Angeline at napalingon ako sa kaniya.

"Nagugutom na ako. Hala na Toni." Nakatayo na pala si Angeline sa harap ko at matalim akong tinitingnan.

Pagkatapos magpa alam kay Lyka ay tumungo na kami ni Angeline sa Cafeteria. Napabusangot ang kaniyang muka.

"Naka busangot ka nanaman. Ano? Hindi naba ulit nag rereply ang pinsan ko? Kung ako sayo ibaling mo nalang sa iba ang tingin mo kung hindi ka pinapansin." Wala sa sarili kong sagot.

"Mahirap ibaling sa iba ang pag mamahal Toni, hindi ganoon kadali iyon lalo na kung nahulog kana ng sobra!" Naiinis niyang wika. Ganoon naba talaga siya kahulog sa pinsan ko?

Para 'kong naka lunok ng malaking bato na bumara sa lalamunan ko. Hindi ako nakapag salita dahil tama siya. Mahirap ngang ibaling lalo na kung hulog na hulog kana.

Bullshit! Lalo akong nakaramdam ng pang hihina. Hulog na hulog na sa iba ang babaeng gustong gusto ko.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

Araw-araw nalang pinapa alala sa akin na kaibigan niya lang ako at wala pag asa sa aming dalawa. Nakakainis!

When my heartaches endWhere stories live. Discover now