Chapter 5

250 18 1
                                    

Chapter 5

Habang kumakain kami ni Ron ay siryoso siyang tumingin sa akin.

"May date kami bukas ni Angeline pagkatapos ng klase."

Muntik na akong masamid sa kinakain ko, nang marinig ko iyon. Date? May date sila?

"Ayos lang ba sa'yo?" Tanong niya pa. Hindi ayos sa akin. Pero wala naman akong magagawa.

"Y-yeah, ayos lang. Sige mag date kayo." Sagot ko habang hindi makatingin ng maayos sa kaniya. 

Matamlay akong naupo sa aking kama pagkatapos kumain. Tumunog ang cellphone ko at nakitang nag message si Angeline.

Angeline:
"Toni, uminom kana ng gamot? Ano nang temperature mo? Hindi ka nag text kanina kaya tuloy napapunta pa ako sa apartment mo. Pasensya na sa abala kanina."

Hindi ko alam ngunit ang lungkot na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng kilig.

Agad akong nag reply sa kaniya.

Ako:
"Maayos na ang pakiramdam ko. Sinat nalang at konting hilo. Salamat sa lugaw, mabilis akong napagaling :) ."

Nakangiti pa ako habang tinitingnan ang message niya. Agad na nag pop up sa screen na may message siya ulit. Ngunit ang saya ko ay bumalik nanaman sa pait.

Angeline:
"Siya nga pala, may date kami bukas ni Ron pagkatapos ng klase!"

Ano ba dapat ang i-reply? Paano ko ba ipakikita na masaya ako para sa kaniya?

Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim.
Tiningnan kong muli ang cellphone at nag tipa ng huling mensahe.

"Goodluck sa date. I'm happy for you."

Pagkatapos ng reply na iyon ay binaba ko na sa lamesa ang cellphone ko at tumungo na sa banyo para maligo.

Nang gabing iyon ay nahirapan akong matulog. Tama ba itong ginagawa ko? Sinasaktan ko ang sarili ko.

Kinabukasan, pumasok akong pilit kahit masama parin ang aking pakiramdam. Wala na akong lagnat ngunit nahihilo at sinisipon pa rin.

"Bakit kapa pumasok? Paano kung mabinat ka? Ka-gagaling mo lang sa lagnat at mukang may sipon kapa, dapat ay nag papahinga ka nalang sa bahay."

Pinagagalitan ako ni Angeline, ngunit bakit tila masaya parin ako. Nababaliw na yata talaga ako. Kung wala lang silang date ni Ron hindi naman ako papasok. Pero hindi ako mapapakali sa bahay kung hindi ako papasok ngayon at.... at kung hindi ako susunod sa kanila mamaya. Paano kung may gawing masama sa kaniya ang pinsan ko? Mahirap na.

"Kaya ko na, hindi ako mabibinat. Hindi uso sa akin 'yon." Ginulo ko ang buhok niya at naupo na sa aking upuan. Sakto naman ang pag dating ng teacher namin kaya hindi na siya nakapag apila pa.

Susunod ako sa kanilang dalawa mamaya nang hindi nila nalalaman. Buong klase yata ay iyon ang iniisip ko.

Nang makita ko nang tumayo si Angeline ay hindi muna ako gumalaw sa kina uupuan ko. Tumayo narin si Ron at kinuha pa ang gamit ni Angeline, maging ang bag nito ay nilagay niya  pa sa kaniyang balikat. Napa ismid ako. Kaya ko rin naman 'yon, ako nga ang gumagawa no'n dati.

"Thank you." Sambit ni Angeline at pina una pa siyang maglakad ni Ron. Nang makalabas na sila ng classroom, saka ako sumunod sa kanila.

Dahan dahan pa silang nag lalakad. Habang humahakbang ako at sumusunod sa kanila, bumibigat ang pakiramdam ko. Iniisip ko, ako dati 'yan, e. Ako ang kasabay niyang maglakad pauwi, ako ang lagi niyang ka date. Pero ang masakit doon, sa akin ay friendly date lang. Naging kontento ako doon.

When my heartaches endWhere stories live. Discover now